Chapter 21

90 4 0
                                    

Chapter 21
CONTINUE

Still Lisa's P.O.V
  - Papalapit ako sa isang kweba at nakita kong pumasok ang dalawang kawal. Nagmasid muna ako sa paligid ko baka merong aatake mahirap na, nagtatago muna ako sa isang malaking bato nang biglang nakarinig ako ng boses na pamilyar sa akin. Lumapit pa ako to find out, at sa paglapit ko ay hindi ko inaasahang si Jennie nga. Sinasaktan ni Taehyung nilalatigo niya ito na halos sumigaw si Jennie sa kaniyang ginagawa hindi ko na mapigilan ang aking sarili.
  - Agad ko pinatay ang dalawang kawal na nakabantay na hindi napapansin ni Taehyun, at sinunod ko rin ang nasa likuran niya. Alam ko napansin ako ni Jennie nanlaki ang mata niya, hindi na ako nagatubiling saksakin si Taehyung, sa pagsaksak ko sa kaniya agad din ang kaniyang pagkahandusay. At agad kong kinalagan si Jennie, kita ko ang paghihirap niya umiiyak akong inalis ang pagkakagapos niya at niyakap siya.

Jisoo's P.O.V
  - Alam ko ang nasa isip ni Lisa, kaya tahimik siya sa loob nang isang araw. May binabalak na siya. At hindi ako nagkakamali tumakas siya, pero di niya napansin na sinundan ko talaga siya dahil hindi pwedeng siya lang ang mag-isang gagawa non, mahalaga rin sa akin si Jennie, dahil mahalaga ito kay Lisa at Rosé.
  - Habang nakasunod lamang kami ni Rosé, oo kasama ko si Rose bago pa makaalis si Lisa, nasabe ko na sa kaniya ang balak ni Lisa, kaya tahimik lang siya. Sinundan namen siya dahil gusto rin niyang maligtas si Jennie, kaya ginawa namen ito para sa lahat.
  - Nakapasok na si Lisa, sinundan lamang niya ang dalawang kawal. At agad din kaming sumunod sa pagpasok, inisa-isa ni Lisang patayin ang mga kawal na hindi nahahalata ni Taehyung alam ko gigil na siya maski ako kahit si Rosé ay nakita ang pagpahirap kay Jennie.
  - Kaya hindi na naghintay pa si Lisa nang matagal, nagawang saksakin ni Lisa gamit ang kaniyang sandata dahilan para humandusay si Taehyung. At kaniyang kinalagan si Jennie kita kay Lisa ang sakit makita ang mahal na unti unting pinapatay kita ni Rose ang hinagpis.
  - Hindi pa kami nagpakita agad, hindi namen napansing bumangon pa si Taehyung akmang papatayin na niya si Lisa, nang panain ito ni Rosé.
  - Nagulat ako maging sina Lisa, nailigtas na namen si Jennie pero nawalan na siya ng malay dahil sa ginawang pagpapahirap ni Taehyung, walang tigil ang pagiyak ni Lisa alam ko napuno na siya ng galit ngayon.
  - Hindi namen inaasahan na darating ang Ama ni Taehyung, pinatakas na namen si Rosé kasama si Jennie na agad naman niyang ginawa.
  - Lisa: Rosè, ikaw na bahala kay Jennie! I-uwi mo na siya kami na Jisoo ang bahala dito! Humingi ka rin ng tulong!!
  - Agad na kaming umatake sa mga kawal hindi na kami nagatubili pang pumatay.

Rose's P.O.V
  - Pinatakas na ako nila Lisa, para madala si Jennie sa kaharian nang makahingi na rin ako ng tulong. Hindi ko maatim na ganito ang kalagayan ni Jennie. Napakasakit makita na ang aming Prinsesa ay nanghihina sa aking pagtahak makabalik sa kaharian ay sumalubong sa akin ang aming mga kawal hinahanap na pala nila kami.
  - Rosè: puntahan niyo sa bandang gawi doon sa kweba!... Andun sina Lisa at Jisoo kailangan nila tulong niyo bilisan niyo!!
  - Mga Kawal: Sige po!!!! *ngunit may naiwang dalawang kawal para kami ay protektahan*

  - Nang makarating na kami bungad agad sa amin ang Mahal na Reyna.
  - Inang Reyna: Naku ang anak ko!! *agad niya pinahiga ang anak para ito'y gamutin napuno ng galos si Jennie*
  - Rosè: Amang Hari! Sina Lisa at Jisoo kalaban ang Ama ni Taehyung, namatay na si Taehyung, nasaksak siya ni Lisa, ngunit sinundan ko ito ng pana dahil tutusukin sila ni Taehyung!!
  - Amang Hari: maraming salamat Anak! Rosè, ikaw muna bahala dito! Susunod ako sa kanila! *agad umalis ang hari*

  - Nakatingin lamang ako kay Jennie, umiiyak naman ang mahal na Reyna habang hinahaplos ng aking Ina ang Mahal na Reyna.
  - Nag-alala ako para kay Jisoo, ganon din kay Lisa dahil baka sa mga oras na ito ay duguan na sila, at wag naman sana pero alam ko malakas sila, lalo na si Lisa ginagawa niya ang lahat hindi lang sa Kaharian ng Mermania kundi kay Jennie.

THE MERMAN AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon