Chapter 7

125 2 0
                                    

Chapter 7

CONTINUE

  - Umalis na kami sa Resort na aming natuluyan, dahil kailangan na nameng hanapin hindi pwedeng masayang oras at panahon namen sa ibang bagay na walang saysay.

  - Matagal na kaming naghahanap ilang araw na rin kami dito ni Rosè ngunit wala pa rin kaming nahahanap kahit anino nila ay wala pa rin, baka lumipat sila ng ibang bansa.
  - Dahil ang totoo niyan, nasisira na ang aming kaharian o karagatan dahil sa sakim na kalaban ni Ama ang dati niyang matalik na kaibigan ngunit nagbago ang lahat, dahil sa ayuko pakasalan ang kaniyang anak na si Taehyung. Nung tumanggi ako ay tumanggi na din ang aking Ama, mahal ako ng aking Ama pag ayaw ko sa isang bagay ayuko talaga kaya di ako pinipilit ni Ama.
  - Matagal na akong sinusuyo ni Taehyung pero di ko siya gusto kahit di pa kami nagkakilala ni Lili, ayuko na siya. Ngunit nang makilala ko si Lili mas lalong ayuko siya bigyan nang puwang sa puso ko, sinabe ko na sa kaniya noon pa na hindi ko siya kailanman magugustuhan.
  - Kaya ngayon heto sinisira nila ang karagatan, pero di pa rin natitinag ang Ama namen, ayaw pa rin niya akong ipakasal kung alam niyang di ako sasaya, nahihiya na nga ako sa aking Ama. Kaya dapat kong mahanap ang taong kailangan namen alam namen kaya nila sila puksain kahit tao sila, kahit di namen sila kalahi.

.
.

Rosè's P.O.V
  - Isang buwan na kami dito sa Amerika ni Jennie hindi pa namen nahanap ni Jennie ang kailangan namen nag-aalala na ako sa kaharian namen. Dahil sa mag-amang napakasama ng kanilang balak sinisira nila ang kaharian para pakasalan lamang siya ng kaibigan ko. Hadlang kami sa ganoong bagay dahil sa aming mundo, kapag hindi masaya ang pag-sasama ng mag-asawa ay hindi maganda ang maidudulot nito sa aming karagatan, dapat kung magpapakasal ka ay dapat mahal mo para ang karagatan ay mas lalong yayabong sa kagandahang ibibigay nito, pero sa mag-amang yun ay sinisira nila. Hindi gusto ni Jennie si Taehyung kaya walang pagmamahal doon, kung iisa lamang ang nagmamahal sa kanila pero pinipilit nila yon, kaya sinisira nila ang kaharian at karagatan.
  - Rosè: Jennie, mas mabuti pa atang lumipat na tayo ng bansa pa!? Naalala mo ba yung kwento sa atin ni Dara ba yun? Na sa South Korea at Thailand baka malay natin andun sila!?! *pag salaysay niya ng kaniyang suhestiyon*
  - Jennie: *napaisip ako dahil may punto siya* Sige! Ngayon na tayo umalis, dahil tatlong buwan na tayo naglalakbay!

  - Nakahanap na kami nang tagong dalampasigan para doon mag anyong kalahating isda at tao muli.
  - Pagkarating namen ay agad nameng inalis ang aming singsing na suot sa aming daliri. Pagkabalik namen sa dati nameng anyo agad nameng binilisan ang aming paglangoy.
  - Ilang araw muli ang aming nilakbay, ngunit di pa kami agad nakarating sa bansang dapat nameng puntahan napadpad kami sa mga bansang Brazil, Argentina. Hanggang sa mapadpad kami sa South Africa.
  - Ilang araw ulit ang dumaan napadpad kami sa sa India, nahihirapan na kami ni Jennie pero kailangan ko tulungan ang aking kaibigan dahil ayuko makita ang aming kaharian na nawawasak dahil sa hayuk na mag-amang iyon.
  - Rosè: Jennie, andito na tayo sa India, sana ay mahanap na natin ang bansang iyon!?
  - Jennie: alam mo kahit nawawalan na ako ng pag-asa kahit gaano pa katagal ang paglalakbay natin maligtas ko lang ang kaharian kahit buhay ko pa ang maging kapalit Rosè, desperado na ako! *may lungkot sa kaniyang mukha kasabay nun ay luha ng pag-asa*
  - Rosè: wag kang mag-alala Jennie, andito lang ako lagi sa tabi mo matalik mo akong kaibigan hindi kita iiwan Jennie! *sabay yakap sa aking mahal na kaibigan*

  - Hanggang sa mapadpad kami sa bansang Thailand, at sa wakas ay pumunta na kami dito. Agad kami nag anyong buong tao.
  - Habang kami ay naglalakad sa dalampasigan, naghanap kami ng saplot namen dahil hubo't buhad kami, wala kaming nakitang pansaplot. May nakita kaming dalawang babae bata, agad namen silang tinawag dahil naghahanap sila nang balat ng tulya, napangiti kami dahil naalala namen ni Jennie sina Jiji at Lili nagkatinginan na lamang kaming dalawa at humingi kami ng tulong sa kanila..
  - Jennie: mga bata! *pagtawag niya habang nakatago kami sa maliit na bato at nakalublob ang aming katawan sa tubig*
  - Rose: *lumingon ang dalawang bata habang nakangiti lang kami sa kanila dahil naaalala namen sina Lili at Jiji* Gusto niyo ba ng maraming ganyan?! *sabay turo ko sa hawak nila*
  - Bata1: opo gusto po!! *nakangiti niyang sambit*
  - Jennie: Sige, pero may kapalit yan!
  - Bata2: a-ano po yun?
  - Jennie: bigyan niyo kami ng damit na masusuot nameng dalawa! Ah nawala kasi mga damit namen eh!!
  - Bata2: s-sige po! Kukuha po kami!! *agad na umalis ang dalawang bata.. Nag-ngitian na lamang kami ni Jennie*

- Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ang dalawang bata. At nakangiti kami at nagpasalamat sa kanila.
Rosè: hagis niyo sa amin yan! *agad naman nilang hinagis ang mga damit. Pagkatapos nameng masuot ay agad kami tumayo at umahon na sa tubig kahit basa na aming mga suot*
Jennie: oh mga bata! Heto na ang inyong maraming balat ng tulya!! *habang hinihintay namen sila ay naghanap kami nang maraming balat ng tulya na inipon namen gamit ang aming bilis sa tubig at lakas kaya heto isang gabundok ang dami*

  - Gulat na gulat ang dalawang bata dahil napakaraming balat ng tulya at iba't ibang magagandang balat ng tulya ang aming binigay sa kanila. At bukod pa diyan ay binigyan namen sila ng perlas pagka-abot na pagka-abot ko non ay nagulat sila at napatingin sa aming dalawa.
  - Bata1: ate? P-perlas ito!? M-malaki h-halaga nito kapag nabenta po? Mayaman na kami!!! *labis na tuwa nila at nagkatinginan na lamang kami ni Jennie*
  - Rosè: talaga? Sa inyo na yan!
  - Bata2: talaga po? *napakalaking ngiti ang kanilang iginawad sa amin*
  - Jennie: wala yun! Pasasalamat namen yun sa inyo dahil binigyan niyo kami ng masusuot! *napahawak siya sa ulo ng bata sabay haplos*
  - Rosè: Sige mga bata alis na kami ha!!

  - Naglakad na kami ni Jennie, dinig pa din namen ang saya ng mga bata dahil sa mga sigawan nila, dinig din namen ang pag kwento nila sa kanilang magulang nakatingin kami sa kanila, isang maliit lamang na bahay ang meron sila at gawa lamang sa kahoy at pinagtagpi-tagpi lamang. Kita namen na tinuro kami ng bata na kami ang nagbigay sa kanila ang perlas at maraming mga balat ng tulya.
  - Hindi namen inaasahan na bumalik uli sa amin ang dalawang bata dahil pinapatawag kami ng kanilang Ina. Tumango na lamang kami ni Jennie, dahil mukha namang mababait ang dalawa kaya sumama kami wala na kami nagawa dahil hinila nilang kaming dalawa, at pagkarating na pagkarating namen ni Jennie sa bungad ng kanilang bahay agad sumalubong sa amin ang kanilang Ina, na sila lamang na tatlo ang nakatira.

THE MERMAN AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon