Chapter 18

114 3 0
                                    

Chapter 18

~Pag-dukot~

Jisoo's P.O.V
  - Muli kaming nagbalik sa Kaharian ng Mermania, kaya naman sabik ako dahil ang saya pala maging serena mga ateng haha ang bilis ko kumilos sa tubig isdang isda tayo, kasi sardinas na rin ako. Pero ok lang at least magaganda kaming koreanang sardinas tapos dagdag mo pa ng thai na sardinas haha.
  - Kinakailangan nameng matignan ang mga pagkasira ng kaharian dahil sa ginagawa ng Mag-Ama na yun naalala ko tuloy yung Mag-amang Kai at Johnny Kim haay gigil nila ako.
  - Bago kami bumalik muli dito sa karagatan ipinaalam namen kina Sec. Dara at Sec. G-dragon na isang buwan kami mawawala para sa isang importanteng misyon. Ano man ang gawin nila Kai ay uunahan na agad kaya naman plinano namen lahat ni Lisa para wala maging problema kaya namen ito dahil may Diyos kami.
  - Nang makarating kami sa Kaharian ay agad kaming sinalubong ni Amang Hari kasama ng mga kawal, para matignan pa ang ibang parte ng kahariang sinira nila. Dahil pati ang kanilang kakainin ay sinisira na rin nila Taehyung.

Taehyung's P.O.V
  - Kung handa kayo mas handa kami!
  - Taehyung: Ama pumanik na tayo para simulan na natin ang digmaan wag na natin paghintayin pa ang kanilang plano mas makapangyarihan pa sila pag dating ng araw!
  - Ama: mabuti pa nga Anak! Mga kawal humanda kayong lahat sa ating pagsugod sa kanila!!

- Bago pa makarating ang mga kalaban ay nakahanda na kami sa aming pagsugod. Mapapasa akin ka rin Jennie hindi ka pwedeng mapunta sa tao dahil sa akin ka lang tayo ang magkalahi.

Rosè's P.O.V
  - Paalis na kami naghanda na kaming lahat, hindi namen alam kung kailan susugod ang kalaban ngunit pinaghandaan ng Hari ang lahat. May mga kawal at binigyan kami ng aming mga sandata na ngayon lamang pinakita ng Hari ang mga ito laking mangha namen dahil hindi mo siya makikita nasa katawan lamang namen ang aming kapangyarihan nilabas ng Hari ito.
  - Ang aking kapangyarihan ay nanggagaling sa Pana kapag tinamaan ka nito matutuyot ang buo mong katawan sanhi ng iyong agarang kamatayan.
  - Ang kay Jisoo naman ay Palakol pag ikaw ay tinamaan nito magiging isa ka na lamang kalansay na parang tininikan.
  - Ang kay Lisa naman ay Espada kapag ikaw ay natamaan ng kaniyang espada magbibigay ito sa iyo nang paralisadong katawan magmimistulan kang patay hanggang sa ikaw ay lagutan ng hinga.
  - At ang kay Jennie naman ay Sibat kapag ikaw natusok nito malulusaw ang buo mong katawan na parang isang kandila.

Jennie's P.O.V
  - Meron kaming kaniya kaniyang kapangyarihan na pinagkaloob ni Ama, lahat ng aming sandata ay napakamakapangyarihan sa lakas nito ay wala ng makatalo pa sayo. Inihanda kami ng Amang Hari, dahil di natin alam kung kailan aatake ang mga kalaban kaya kailangan lamang na handa ang lahat.
  - Hindi ako natatakot dahil alam ko may kasama ako si Lisa, at dagdag pa si Jisoo at Rosè na aking kaibigan din at ang aking Magulang, sapat na sa akin yun para maging malakas pa lalo.
  - Nililibot na namen ang buong kaharian kita nang lahat ang pagkasira nang lahat maging ang mga lamang dagat at wala na rin dahil sa ginawa ni Taehyung malaki ang galit ko sa kanilang dalawa mas lalong nabibigyan ako ng rason para hindi siya pakasalan.
  - Lisa: napakawalang puso ng gumawa nito!!! *kita ko ang galit niya*
  - Jisoo: walang hiya ang Taehyung na yan!! Kalahi niya sinisira at pinapatay niya dapat na talaga silang mawala!!! *alam ko namang galit sila sa sumisira sa kalikasan kaya ganito sila kaya hindi kami nagkamaling sila ang aming nilapitan*
  - Lisa: kung gusto nila ng digmaan ibibigay ko yun!! *napakatapang talaga niya wala siyang inuurungan basta nasa tama siya*.
  - Amang Hari: maging alerto ang lahat! Halina at libutin pa natin ang iba pang parte! *nagkahiwa-hiwalay kaming apat, ngunit kami ni Lisa ang magkasama at Jisoo naman at Rose, pati mga kawal ay hati rin maging ang aking Ina at Ama ay magkahiwalay din ano man ang mangyari dapat lahat ay buhay*
  - Jennie: Gawin natin ito para sa Mermania ito na ang pagkakataon para lumaban tayo!!!! *pagsigaw ko na agad naman nilang binalik ng sigaw*
  - LAHAT: Lumaban tayo!!!!!

THE MERMAN AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon