Chapter 20
Rose's P.O.V
- Wala kaming sinayang na oras at panahon agad nameng tinahak ang pinakamalalim na parte ng dagat sa gitna nun ay matatagpuan ang pinakamalaking tulya, sa laway nito ay ang siyang magliligtas kay Lisa.
- Kita ko sa mukha ni Jisoo ang pagkaseryoso ng mukha niya alam ko nasa isip niya ang mailigtas si Lisa. Kita ko rin sa mukha niya na lalaban siya para sa kaibigan niya mahal niya ang kaniyang kaibigan dahil para na rin niya itong kapatid, ganyan din naman kami ni Jennie kaya heto ako handa ko rin gawin ang lahat.
- Sina Amang Hari na ang bahala hanapin si Jennie kung saan man siya dinala ni Taehyung, pero alam ko pagkagising ni Lisa ay agad niyang hahanapin si Jennie. At ililigtas ito sa kamay ni Taehyung kilala ko si Lisa pagdating kay Jennie wala siyang sinasayang na oras.
- Ilang araw na rin ang lumipas ang aming paglalakbay sa gitna ng dagat. Hinanda namen ang aming mga sarili para suongin ang lalim ng dagat.
- Lumangoy na kami sa pinakilalim handa kami sa ano mang mangyari, ngunit hindi kami pwede masawi. Nasa pinaka-ilalim na kami ng dagat wala ng isdang naninirahan dito.
- Hindi namen inasahang may aatake sa aming napakalaking igat, kaya agad namang sinugod ng mga kasama nameng kawal. Kaya pinuntahan na namen ang aming kailangan kaming dalawa ni Jisoo ang pumunta.
- Kita namen na may isang kweba at pinasok namen ito hindi namen inaasahang meron pa palang napakalaking Pugita ang aming makakalaban hindi ko inaasahang ako ay makukuha ng galamay nito nang makita ako ni Jisoo ay agad niyang tinamaan ang galamay ng malaking Pugita.
- Patuloy lamang ako sa pagpana sa Pugita ganon din ang ginagawa ni Jisoo, alam ko magagapi namen ito.
Jisoo's P.O.V
- Dalawang mahalagang tao ang nasa alanganin ang buhay ngayon, kaya ililigtas ko si Rosë sa malaking Pugita na ito, iniinis mo ako ha gagawin kitang pagkain iihawin kita!!! Hiiiiiyahhh!!!!!
- Salamat at nakarating na sina Jin, Jimin, Jungkook at Suga heto na kami at aming pinapatay nakuha ko na rin si Rosè aking pakakasalan.
- Pagkatapos nameng magapi ang Pugita na ito ay agad nameng hinanap ang napakalaking tulya, kami ni Rose ang kumuha nito kinuhanan namen ng laway marami na kaming kinuha dahil baka kailanganin pa namen ito.
- Tagumpay nameng nakuha ang aming pakay para mailigtas si Lisa. Agad na kaming umalis sa kweba nang paalis na kami ay biglang naghulugan ng mga bato ang kweba binilisan namen ang paglangoy ngunit natamaan kami ng tipak ng mga bato.
- Pero hindi namen ito alintana, ginawa namen ang lahat makalabas lang kami at lahat ay ligtas nangako kaming walang mamamatay. Kaya ang ginawa namen ay hawak hawak kami ng kamay.
- At sa ginawa namen ay ang nagligtas sa aming lahat, tumaas na kami sa paglangoy hanggang sa makarating na kami muli sa ibabaw ng dagat mataas ang pressure sa ilalim kaya inabot namen aming mga paghinga.
- Hindi na kami nagsayang pa ng oras muli, agad na kaming pumanik para makabalik sa kaharian.Jennie's P.O.V
- Ilang araw na akong andito, hindi ako kumakain sa binibigay na pagkain ni Taehyung ayuko kainin ang pagkain na bigay ng isang kalaban walang puso baka may gayuma pa.
- Napanaginipan ko si Lisa, sabe niya hintayin ko siya at wag ako susuko darating siya. Kahit panaginip lang yun pero pinanghawakan ko yun. Alam ko dun niya gusto iparating ang gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng panaginip.
- Lili, maghihintay ako at yan naman ang aking gagawin. Dahil bata pa tayo yan na ang lagi nating pangako sa isa't isa.
- Napakahigpit ng pagkakatali sa akin, nanghihina na rin ako dahil ilang araw na akong hindi kumakain. Mas gugustuhin ko pang walang laman ang aking tiyan kesa kumain ng galing sa masamang nilalang.Jisoo's P.O.V
- Ilang araw din uli ang aming nilakbay.
- Nang makabalik kami sa Mermania, agad kaming sinalubong ng Hari, dahil mas lalong lumalala ang kalagayan ni Lisa binigay namen ang laway ng tulya sa gumagamot at agad niya itong ipinainum kay Lisa.
- Nang makainum na siya, ay bigla na lamang gumalaw ang katawan ni Lisa. Hindi ko na mapigilang umiyak muli kahit si Rosè ay umiyak na rin ngunit hindi namen inaasahang sa pag galaw ng katawan ni Lisa ay siyang abot niya ng paghinga kaya napamulat ito ng mata.
- Napatingin siya sa paligid alam ko na hinahanap niya si Jennie.
- Lisa: si Jennie iligtas natin kailangan niya ako!!! *pag-aalala niya*
- Jisoo: Lisa, wag ka mag-alala ginagawa na namen ang lahat ngayon kailangan mo maging malakas!! *pagpapaliwanag ko*
- Lisa: pero hindi pwede!! Baka ano na ginawa nila kay Jennie?? Hindi ko matatanggap yun!! *lumuha na siya*
- Inang Reyna: Anak! Wag ka masyado mag-alala alam namen makukuha natin si Jennie!! Huminahon ka!
- Lisa: Ina! Ayuko po mawala si Jennie sa akin mahal ko po siya masyado!
- Amang Hari: alam namen Anak! Pero kailangan mo muna maging malakas.Lisa's P.O.V
- Hindi pwedeng nakatulala lamang ako dito habang naghihintay sa mangyayari. Isang araw na akong andito, kailangan may gawin ako madilim naman na kaya aalis ako kailangan ko iligtas si Jennie.
- Habang papuslit puslit akong lumalangoy at patago tago sa mga sulok ng Kaharian ,nagkaroon na ako ng pagkakataong makaalis dito. Agad kong tinahak ang madilim na ilalim ng karagatan.
- Nang makalayo ako ay wala akong oras na sinayang , hinanap ko ang maaring pagdalhan ni Taehyung kay Jennie, hinanap ko lahat lahat. Nang may napansin akong dalawang hindi ko kilalang kawal at agad ko itong sinundan palihim.
