Chpater 26
Jennie's P.O.V
- Marami na akong natutunan na turo ni Lisa at turo din ng iba. Masaya akong may alam na ako sa mundo nila hindi ako pinabayaan ni Lisa, lagi niya ako pinoprotektahan sa lahat ng bagay.
- Mas lalong lumalalim pagmamahal ko sa kaniya, dahil sa pagmamahal na pinapakita niya sa akin. Napakamapalad ko na may isang Lisa ang dumating sa akin, akala ko wala ng darating sa buhay ko na mamahalin ko nang ganito gaya kay Lisa.
- Siya ang una at huli sa buhay ko nasa kaniya na nga ang lahat eh, kaya kontento na ako kasama ko siya sa lahat ng bagay sa buhay ko. Sapat na sa akin ang mahal niya at andiyan lamang siya lagi sa tabi ko magbibigay na sa akin yun nang labis na saya sa buhay.
- Masubukan nga mag english nang konti, I love you Lisa! I miss you Lisa! I need you Lisa! I want you Lisa! I love you very much forever and for always!! Hehe yun lamang alam ko pa meron pa naman pero yan lang ang pinakamaganda sa pandinig ko eh!
- Ginagawan ko si Lisa nang masarap na leche flan favorite niya kasi ito eh! At si Rose naman ay ginagawan niya si Jisoo ng adobong manok. Naghahanda kami para sa kanila kasi masaya kaming pinagsisilbihan sila dahil napapasaya na kami sa ganitong bagay.Rose's P.O.V
- Ang saya pala ang buhay dito sa mundo ng asawa ko, kasi marami kang pwedeng gawin kasi maraming wala sa karagatan na meron at maraming meron dito sa mundo.
- Kaya heto ginagawan ko siya ng adobong manok, paborito niya kasi ang manok tinuruan ako ng katulong namen dito kaya natuto kami ni Jennie. Masaya kaming ginagawa namen ang obligasyon nila bilang asawa nila.
- Nang matapos namem ni Jennie ang ginagawa namen ay nilagay na namen sa pinggan ,marami na kaming alam dito kaya masaya at proud sa amin silang dalawa.
- Binigay na namen sa kanila ang ginawa namen nang matikman nila kita namen sa kanila na sarap na sarap sila. Ang ganda palang gawin heto 'no? Kasi napapasaya mo taong mahal mo kaya mas lalo pa nameng ginagalingan ni Jennie, gusto pa nameng matuto pa.
- Kumain na kaming apat sa tagal namen dito sa mundo ng tao, may mga naging pagkain kaming naging paborito, syempre maliban sa isda na di namen kinakain, nagparaya silang dalawa para umiwas kumain ng isda.
- Ginawa nila yun kasi minsan rin naman silang naging serena eh. Pero kahit andito kami sa mundo nila nag aadjust sila para sa amin kasi mahal nila kami tapos napakaganda pa namen Dyosa ba naman kami ng karagatan.
