Chapter 10
CONTINUEJennie's P.O.V
- Hinabol kami ng dalawang lalaki na mukhang may balak na masama sa amin ni Rosè natatakot kami sa tao, dahil wala kaming lakas pag nasa lupa kami kaya wala kaming ibang alam na gawin kundi tumakbo, pero kahit ganon kaya pa rin naman nameng depesahan nang quarenta porsyiento ang aming sarili di gaya pag nasa tubig kami daang porsyiento talaga ang lakas namen.
- Tumakbo kami kaagad nang mabilis ni Rosè habang papalayo sa mga lalaki nang may dalawang babae ang aming nakabanggaan nagulat sila sa aming dalawa na siyang dahilan para kami ay mahulog sa buhangin at nakapaibabaw ako sa kaniya, kahit may isang bagay na nakatakip sa kaniya ay kita ko pa rin ang kaniyang mata napakagandang mata mapupungay at napakahaba ng kaniyang pilik-mata nagtitigan lamang kami, at sa di ko maintindihan napakabilis nang pag tibok ng puso ko sa taong yun, una kong naranasan ang pagtibok ng puso ko ay kay Lili ngayon sa kaniya hindi ko maintindihan pero kakaiba talaga.
- Agad akong tumayo dahil papalapit na sila sa amin, tumakbo kami ni Rosé at hindi namen inaasahang haharangin ng dalawa ang mga lalaking humahabol sa amin, napatigil kami ni Rosè dahil sa ginawa nila tinulungan nila kami para di na kami mahabol hindi ko inaasahan biglang sinuntok ng babaeng matangkad ang isa, na siyang pagkatumba ng lalaki napahanga ako dahil napakalakas niya bilang isang babae para gawin ang suntok na isang beses lang nagawa, napatumba na niya.
- Jennie: Napakalakas niya!! *paghanga ko*
- Rosè: kaya nga! Pareho sila nakaya nila ang dalawa!
- Jennie: Napakabait naman nila para tulungan tayo! *meron pa ring mabubuting tao*
- Rosè: nagmalasakit sila para sa iba!!- Napansin kami ng babaeng matangkad, nakatitig ako sa kaniya pero nahiya ako bigla na parang namula ang aking mukha. Pero sumenyas siya sa amin na umalis na kami agad naman nameng ginawa ni Rosè, para di na kami mahabol pa.
- Napadpad kami sa may mga malalaking bato, at napaupo na lamang kami at huminga na pagkalalim. Hindi ko makalimutan yung mata na yun nakikita ng isipan ko ang mata na yun parang nakita ko na ang mata na yun?
- Ilang araw na kami sa paghahanap, paano kaya namen mahahanap ang dalawa? Mukhang kailangan na ata namen magtanong kasi hindi kami nagtatanong sa mga tao, kasi baka hindi namen mapigilan ang aming sarili masabe namen kami ay serena, pero yung hinahanap namen baka matakot sila sa amin baka hindi kami tulungan.
- Ano kayang gagawin namen? Minsan nawawalan na ako nang pag-asa. Habang nakatingin ako sa dagat ay tila may bigla sumulpot na tauhan ni Ama.
- Tauhan1: Mahal na Prinsesa?
- Jennie: *nagulat ako sa pagsulpot* Ha? B-bakit naparito kayo?
- Tauhan2: Mahal na Prinsesa? Habang tumatagal ay palala nang palala ang pagkasira ng ating Kaharian!! *nagulat ako sa kanilang ibinalita nagkatinginan kami ni Rosè*
- Rosè: kamusta ang lahat doon? *dagdag niya*
- Tauhan1: ayos lang ang mga tao! Ngunit ang paligid ng kaharian at kaayusan ay unti unti nang nawawasak! *hindi ako makapaniwala sa nangyayari*
- Jennie: Sige! Gagawin ko ang lahat mahanap lang ang kailangan natin! Sabihin mo kay Ama!! *mas lalo ako nadedesperado sa ganitong bagay*
- Tauhan2: sige po, Prinsesa! At Rosè! *sabay nilang paglubog sa tubig*
- Jennie: kailangan na nating magmadali Rosè!
- Rosè: sige Jennie, andito lang ako para sayo!
- Jennie: pero Rosè, kung mabigo man tayo! Patawarin niyo ako ha! *may lungkot sa aking mukha tanaw pa rin ang karagatan*
- Rosè: Jennie, hindi ikaw yan! Hindi ka basta basta sumusuko kahit gano kahirap!! *pagpapalakas niya sa akin*
- Jennie: Pero sa pagkakataong ito! Wala na ako ibang pagpipilian kundi ang magpakasal kay Teahyung!! *napatayo si Rose sa aking harapan*
- Rosè: hindi pwede Jennie, hindi ako papayag! Alam naman nang lahat na pag-iisa lang ang nagmamahal ay hindi maganda ang maidudulot sa paligid ng kaharian sa buong kaharian!
- Jennie: Alam ko Rosè! Pero ilang buwan na tayong naghahanap parang kay hirap! *pag-hina ko ng loob*
- Rosè: Hindi Jennie! Kasama mo ako sa laban na ito andito ako! Alam mo yan! *hinawakan ang aking kamay* Jennie, ikaw yung tao na laging may pag-asa hindi ka nauubusan niyan!! Kahit gaano kahirap susuongin natin di ba nangako tayo pareho bago tayo maglakbay!?!
- Jennie: *nakatingin lamang ako sa kaniya ,tama siya pinanganak akong lagi may pagasa niyakap ko ang aking kaibigan* Salamat Rosè ! Tunay ka talagang kaibigan!- Tila natauhan ako sa sinabe sa akin ni Rose, kaya nagkaroon ako muli nang lakas nagpasya na kaming dalawa ni Rose na lisanin na ang Thailand at lumipat na sa South Korea na bansang kanilang tinatawag.