Chapter 23

99 1 0
                                        

Chapter 23

After 1 week...

Jisoo's P.O.V
  - Nakabalik na kami sa dati nameng anyo, well halik din lamang ang nagpabalik sa aming apat. Napakagaling non astig namen galing sa digmaan sana sa pagbalik namen sa lupa ay wala na kaming maging problema.
  - Gagawin na kami ulit tao ng Mahal na Hari pag kami ay makabalik na sa lupa. Dahil ang aming buntot ay pansamantala lamang dahil sa isang mission, pero mamimiss ko yung buntot ko shit! Hehe pero ok lang, pero bago binawi ang buntot ko hinalikan ko muna yun, para maging serena ako ulit.
  - Hindi pa kami uuwi ni Lisa, dahil matapos ang isang linggo medyo maraming nangyari, alam niyo ba kung bakit? Kasi nagpasya ang Mahal na Hari na ikasal na kami kaya bukas ay ikakasal na kaming apat mag-iisang dibdib na kami ni Rosè ko.
  - Naghahanda na kami ngayon para sa malaking papiging dito sa kaharian ng Mermania, kaso hehe hindi naman kami kumakain ng pagkain nila hehe.
  - Lisa: Jis!! *pagsigaw niya*
  - Jisoo: ano ba naman Lisa? *inis na sagot ko*
  - Lisa: sabik na ako ikasal kay Nini!!
  - Jisoo: bakit ikaw lang ba? *smirk*
  - Lisa: napakaganda ng mapapang-asawa ko!!
  - Jisoo: ikaw lang ba may magandang future wife? Ako din noh!?!!!!
  - LiSoo: *magkaharap kami at hawak ng kamay sa tuwa namen ay umiikot kaming dalawa sa tuwa na parang mga bata*
  - ChaeNnie: ano naman ginawa niyo dyan? *nakangiti ang dalawa sa amin kaya kami ay napatigil*
  - LiSoo: ah eh hehe!! W-wala naman!! Mga binibini!!
  - Lisa: Ah Jennie, pwede ba kitang mayaya? *nahihiya kong tanong*
  - Jennie: oo naman Lisa! *napangiti lamang siya agad ko hinila ang kaniyang kamay sabay layo*
  - Jisoo: ah Ro--- *hindi pa tapos ang sasabihin ko hinila na rin ako ni Rosé*

Rose's P.O.V
  - Agad ko ng hinila si Jisoo palayo sa kaharian, hindi kami sumama sa dalawa dahil gusto ko kami lang dalawa ng mapapang-asawa ko dahil bukas ikakasal na kami neto eh kaya heto kami ngayon ng mahal ko nililibot ang buong karagatan ,magkahawak ang kamay.
  - Rosè: Mahal? *habang nasa balikat niya ang aking kamay*
  - Jisoo: ano yun mahal? *napakaganda ng ngiti niya hugis puso*
  - Rosè: masaya ako na nagkita na tayo! At higit sa lahat ay masaya ako na ikakasal na tayo matagal kong hinintay ito!
  - Jisoo: Mas masaya ako na nahanap pa rin natin ang isa't isa dahil sa tagal nang panahon, ay nabigyan pa rin ng pagkakataong makita ka!!
  - Rosè: Mahal, hinding hindi na tayo maghihiwalay ha!?
  - Jisoo: oo naman Mahal! Hindi ko na hahayaang mangyari yun, ngayon pa ba? *niyakap ko lamang siya*
  - Rosè: Mahal? Pwede ba kitang halikan ulit?
  - Jisoo: oo naman mahal! Ikaw lang naman pwede humalik dya---- ! *hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin agad ko siyang hinalikan*

JenLisa's P.O.V
  - Magkaiba kami nang direksyon ng dalawa, dahil gusto ko masolo ang Nini ko ngayon ko lamang siya masosolo eh kaya heto, nilibot namen ang gitna ng dagat napakasaya namen, kita namen ang ganda ng mundo kita namen mga ulap mga ibon.

(Insert: Background music 'Deep' by binocular)
♪♪
So this is what you mean
And this is how you feel
So this is how you see
And this is how you breathe
Sometimes
I know
Sometimes
I go down deep
Oh
So this is what you mean
And this is how you feel
So this how you see
And this is how you breathe
Sometimes
I know
Sometimes
I go down deep
Oh
Beneath the deep blue sea
Touching every breath
All a slight off hand
For everything you left
Sometimes
I know
Sometimes
I go down deep
Oh
Sometimes
I give myself for you
Sometimes
I know down deep

  - Lisa: *habang nasa waist niya ang aking mga kamay* Nini?
  - Jennie: Ano yun Lili? *nakangiti lamang siya at tinititigan ang kaniyang napakagandang mukha.. Tinapik niya ako dahil natulala na ako sa ganda niya*
  - Lisa: pasensiya na Nini! Na-napakaganda mo kasi eh!
  - Jennie: Alam ko naman yun Lili! *napangiti na lamang ako dahil totoo naman*
  - Lisa: Nini! Bata pa lamang tayo ay... Ay ... Alam ko na gusto kita, pero dahil mga bata pa tayo ay pinili ko munang itago ito! Nung hindi na tayo nagkikita mas lalo naging malalim ang pagmamahal ko sayo Nini bawat bansang pupuntahan ko lagi ako dumadaan sa dalampasigan baka dun kita makita, umaasa ako lagi na makita kita. Patawarin mo ako kung hindi na ako nakakabalik sa tagpuan natin noon, dahil dinala kami sa America ni Mommy at Daddy noon. Pag umuuwi naman kami dito Pinas hindi naman kami pumpunta rito puro sa ibang lugar!
  - Jennie: ayos lang Lili, hindi naman ako napagod maghintay. Lagi ako humihiling na isang araw magkita tayong dalawa! Lagi kami sa tagpuan natin Lisa halos araw araw walang palya!
  - Lisa: Jennie, maraming salamat dahil minahal mo ako! Maraming salamat at nakilala kita! Maraming salamat dahil kung hindi dahil sayo mas lalo pa ako napamahal sa kalikasan!
  - Jennie: Nagpapasalamat ako sayo Lisa, dahil niligtas niyo ang aming Kaharian. Maraming salamat dahil pinagtagpo tayo, maraming salamat dahil minahal mo ako maraming salamat dahil natuto ako sa ibang bagay sa buhay ko!
  - Lisa: Nini, pwede ba kita h-ha----- *hindi na natapos ang salita ko nang halikan niya ako sa labi*

  - Napakasayang pakinggan mga sinabe sa akin ni Lili lalo na yung sabihin niya kung gaano niya ako kamahal, masaya ako na natagpuan ko na yung taong ibinigay ko ang puso ko bata pa man ako, pinanghawakan ko lamang ang kaniyang sinabe na babalik siya.
  - Nilangoy namen ni Lisa ang napakalawak na karagatan naghabulan, magkayakap, magkahawak ng kamay. Siya ang dahilan ko bakit humihinga pa ako ngayon siya ang buhay ko.
  - Sa kaniya ko natutunan paano magmahal na walang anumang kapalit, sa kaniya ko rin natutunan kung paano maging malakas sa bawat pagsubok na darating sa buhay. Sabe niya ang pagsubok hindi kailanman mawawala yan laging andyan yan, ang kailangan lang ay maniwala sa Panginoon na siyang lumikha, maging matatag lang dahil lagi siyang umaagapay sa atin.
  - Dapat maging positibo lamang sa buhay, ang mga pangit at hindi magandang nangyari ay mapapalitan din ng maganda. Lahat nang nangyayari ay may kaniya kaniyang dahilan, ang iba para matuto tayo ang iba para baguhin natin kung ano hindi maganda sa atin.
  - Kung may pagkakataon sa buhay natin na parang wala ng pag-asa ganon lamang ang proseso pero kailangan lang natin patatagin ang ating pananampalataya. Hindi man natin maintindihan ang takbo ng buhay ngayon balang ipapaunawa sa atin ng Diyos ang pakay nang isang bagay.
  - Saka na lamang natin mauunawaan ang lahat kapag natapos nang iparamdam ang pait ng buhay na ating dinanas, saka mo maiintindihan na lahat nang iyon ay para maging matibay tayo at mas malakas pa lalo, dahil hinahanda tayo ng Diyos sa isang bagay na kaniyang ibibigay para sa atin.
  - Yan ang mga bagay na ipinakita sa akin ni Lisa, habang hawak ko ang kaniyang kamay ay alam ko ligtas ako at alam ko na wala na akong mahihiling pa.
  - Jennie: Lisa? Mahal na mahal kita! *binigyan ko siya ng matamis na ngiti*
  - Lisa: Mas mahal na mahal na mahal kita Jennie! *sabay halik sa akin*

THE MERMAN AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon