Chapter 37
CONTINUEStill Someone's P.O.V
- Lumapit ako konti sa kinaroroonan ng serena, pag tingin ko ay talagang siya nga yung asawa ni Lisa, dahil kita ko ang singsing na suot niya. Hindi pa din ako makapaniwala pailing-iling na lamang ako sa aking natuklasan.
- Hindi ko inaasahan, magigising siya at napansin niya ako napalayo ako, dahil medyo natakot ako sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa akin at hindi kumibo nagulat siya at napayuko.
- Kita ko sa mukha niya ang lungkot, naalala ko tuloy si Lisa mabuti siyang tao, kaya nagawa kong mahulog sa kaniya pero hindi niya masuklian ang pagmamahal na binigay ko pinilit ko siyang kalimutan pero hindi ko nagawa.
- Simula nung sampalin ako ng babaeng ito. Doon ko lamang narealize na tama siya. Pero masaya na ako ngayon nag move-on ako dahil sa isang tao na nagparealize pa sa akin sa isang bagay.
- Naawa ako sa kalagayan niya ngayon at alam ko si Lisa ay nababaliw na sa mga oras na ito sigurado ako hinahanap na siya nito. Kita ko sa katawan ng babae na puno nang galos mukhang sinaktan siya ni kuya, hindi na talaga siya nagbago.
- Gumaganti siya dahil ang sinabeng rason bakit namatay si Mama ay dahil pinatay sila ng Mother nila Lisa at Jisoo pero ang totoong rason ay aksidente lamang talaga ang lahat. Ngunit heto sila bulag sa katotoohanan.
- Kung napatay man ni Lisa si Papa, hindi ko na siya masisisi dahil ilang taong walang alam ang dalawa at nagui-guilty ako sa totoo lang hindi ako masamang tao hindi ako gaya nila Papa at Kuya na galit ang nasa puso.
- Nagmana ako sa kay Mama, at si Kuya ay nagmana kay Papa si papa ay isang mapagtanim ng galit kaya na brainwash niya si Kuya. Pero dapat may gawin ako, wala na si Papa nasaktan ako pero kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang ginawa.
- Kumuha ako ng upuan dahil masyadong mataas ang aquarium, buti nalang ay bukas pa babalik si Kuya. Sa pag sampa ko sa upuan ay nilagay ko sa tubig ang aking dalawang kamay.
- Me: Halika! *napaangat ng ulo dahil napansin niya ang dalawang kamay ko*
- Asawa ni Lisa: *Inangat niya ang kaniyang kamay .. Nang mai-ahon ko ay nagsalita siya*
- Asawa ni Lisa: B-bakit mo ginagawa ito? *ngumiti lamang ako sa kaniya*
- Me: wag ka na maraming tanong itatakas kita rito, dahil sa makalawa ay kukunin ka na ng mga dayuhan! *tinulungan ko siyang makababa, medyo may kabigatan siya*
- Asawa ni Lisa: *tahimik lamang siya at nakatingin sa akin habang tinutulungan ang sariling makaalis sa aquarium*
- Me: *hanggang sa naibaba na ko na siya* Pwede ba ako magtanong?
- Asawa ni Lisa: ano yun?
- Me: alam ba ni Lisa ang tungkol sayo? I mean yang pagiging serena mo! *tumingin lamang siya bago sumagot*
- Asawa ni Lisa: ah oo! M-matagal na bata pa kami alam na niya! *nagulat ako dahil bata pa pala sila ay magkakilala na*
- Me: ganon? Mabuti kung ganon!! Sige halika na?! Sandali takpan natin ang buntot mo! *isinakay ko siya sa isang malaking cart patingin tingin ako sa paligid*- Bago ako pumasok sa kwarto ay pinagplanuhan ko na siyang itakas, pinainum ko ng pampatulog ang mga tauhan ni Kuya, pag alis niya. At siniguro ko na nakahanda na ang sasakyan ko para ilagay siya doon, hindi ko kasi makontak si Lisa puro unattended.
- Kaya heto ako na lang mismo ang magdadala sa kaniya. Nang makalabas na kami ng bahay ay dumaan kami sa back door ng bahay at merong maliit na gate doon para mailabas ko siya at hanggang sa makalabas na kami.
- Agad ko siyang binuhat papasok sa SUV ko at pagpasok ko sa kaniya ay agad ko itong sinara. Binilisan ko ang aking kilos para agad ring makaalis, medyo malayo layo ang aking lalakbayin from Nueva Ecija to Manila.
- Naghanda rin ako ng tubig na paglalagyan ko sa kaniya dahil pag wala sila sa tubig ay mawawalan sila nang paghinga, inayos ko ang sasakyan ko para, mailagay ang malaking batsa.
- Agad ko ring pinaharurot ang sasakyan, baka bigla kami makita ng tauhan ni Kuya. Kahit wala siya dito mas mabuti nang makasiguro kesa hindi handa.- Ilang oras na din kaming nagbabyahe ng serena tahimik lamang siya patingin tingin sa akin.