Chapter 27
Lisa's P.O.V
- Si Jisoo muna ang pupunta sa Palawan kasama niya si Rosè at kami naman ni Jennie ay sa Cebu. Pupuntahan namen ang branch doon para makilala rin nila ang asawa namen.
- Jennie: Lisa? Ano ba ang tawag dito sa mahabang ito? Parang butanding na kulay puti?! *natawa ako sa pag explan niya sa private jet ko well tig-isa kami ng ganito ni Jis*
- Lisa: ah heto ba? Dito tayo sasakay para makapunta sa Cebu branch ng Resort natin, ang tawg dito ay Private Jet!
- Jennie: g-ganon ba? Hehe pasensiya na Lili ngayon ko lang kasi nakita ito eh!
- Lisa: ok lang Nini at least alam mo na ito, dagdag kaalaman mo!
- Jennie: ano ito lulusong ba ito sa tubig?!! *mas natawa na naman ako*
- Lisa: hehe!! Hindi Nini lulutang ito sa ere!
- Jennie: talaga wow?! *mangha sa mukha niya*- Hinawakan ko ang kamay niya para pumasok na sa Jet ko at pagpasok namen ay hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagkamangha. Nang makaupo kami ay nililibot niya ang kaniyang mata, tinatanong niya ang isang bagay na hindi pa niya alam sinasabe ko naman sa kaniya kung ano yun at tumatango tango lamang siya.
- Nang makarating na kami sa Cebu, dumiretso na kami agad sa Resort para pagpahingain siya kasi naman sa byahe namen, wala siyang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang bintana at andami niyang tanong, natutuwa siyang tignan ang nasa baba.
- Agad ko pinagpahinga si Nini sa kwarto namen, nakatulog na siya agad dahil sa pagod kaya habang tulog siya ay pinagmasdan ko lang muna siya, hinahaplos ang kaniyang napakalambot na cheeks niya.
- Umalis muna ako para tignan ang Resort kailangan kong tignan kung may problema or ayos lamang ang takbo nito.
- Nakausap ko na ang mga empleyado ko at wala namang problema kaya panatag na ako at pinaghanda ko na sila mamaya sa aming lunch.
- At bukas ipapakilala ko na siya. Naglilibot ako sa buong Resort kasama ng mga crew at sa paglilibot namen ay may mga babae na tila nagkukumpulan at agad nameng tinignan baka may problema.
- Nang makalapit kami ay mga babaeng guest sa resort ko at kapwa mga lasing na kaya inasikaso na ng mga crew at sa di inaasahan ay napansin ko si Irene, nakita niya ako sabay takbo sa akin at umiiyak. May gusto sa akin si Irene pero sinabe ko sa kaniya na hindi ko siya gusto ko at di ko masusuklian yon.
- Irene: *lasing na lasing sabay yakap* Lisa! Mahal na mahal kita ang hirap mong kalimutan hanggang ngayon mahal pa rin kita!!
- Lisa: *inaalis ko ang pagkakayakap niya sa akin* Irene lasing ka na, pumunta ka na sa Room mo!
- Irene: ayuko gusto kita yakapin! *ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin*
- Lisa: no! *pinipilit kong alisin ang braso niya* Pwede Irene umalis ka sa pagkakayakap sa akin! Marami pa ako gagawin please lang kumalas ka sa pagka------ Naputol ang aking sasabihin ng sampalin ni Jennie si Irene na kinagulat nang lahat, maging ako ay nagulat at napalunok. Sa sobrang lakas ay napakalas sa pagkakayakap si Irene at napaupo dahil sa sakit hawak niya ang kaniyang pisngi parang nahimasmasan si Irene sa makapangyarihang sampal ni Jennie.
- Agad ako lumapit kay Jennie, hindi ko siya inawat dahil napakatalim ng tingin niya kinakabahan ako dahil hindi lang diyan ang kaya niyang gawin.
- Jennie: sinabe na nga lang niya na umalis ka sa pagkakayakap mo!! Hindi ka ba nakakaintindi sa simpleng salita lamang?!!! *nakatingin lamang si Irene sa kaniya maging ang kaniyang mga kaibigan at mga crew ko ay napalunok*
- Irene: s-sino ka ba? *pag sagot niya*
- Jennie: gusto mo malaman kung sino ako? *pag tataray niya at cross arms*
- Irene: Ano ba karapatan mong sampalin ako ha?!!! Niyayakap ko lang ang mahal kong si Lisa!!! *mas napalunok ako dahil ayaw niyang may ibang nagmamahal sa akin maliban kina ChaeSoo at G-dara*
- Jennie: Ako lang naman ang mahal ng taong minamahal mo at ako lang din naman ang kaniyang babaeng nagiisa mahal niya NAG-IISA at wala ng iba ang kaniyang asawa!!!! *sabay pakita ng singsing namen sa kamay.. Pagkatapos niyang sabihin yun ay sinampal niya dahilan para mapaupo ulit si Irene*
- Lahat kami ay nagulat sa ginawa niya, lalo na si Irene dahil napakalakas manampal ni Jennie. Kaya ako umawat na kay Jennie at inilayo na siya baka ano pa magawa talaga kay Irene, kaya pina-alalay ko na si Irene sa mga kaibigan niya. Maging ang kaniyang mga kaibigan ay natakot dahil iba ang pakiramdam nila, ang mga dating lasing ngayon nahimasmasan sa hagupit ni Jennie, kumulimlim kasi sa kalangitan at halos kumidlat kahit kanina tirik ang araw.Jennie's P.O.V
- Nakatulog ako dahil sa pagod, pagmulat ng mata ko agad ko hinanap si Lisa pero wala ako nakita. Kaya bumangon ako para hanapin siya pag baba ko ay binabati ako ng mga tauhan ni Lisa binabati ko rin sila.
- Nagtanong ako kung asan si Lisa, sabe nila ay naglibot sa buong Resort para tignan kong may mga problema o ano pa man, kaya nagpasya ako na hanapin siya at sa paghahanap ko ay di naman ako nabigo.
- Nakita ko siya agad pero may mga grupo ng kababaihan na hindi ko mawari dahil para silang mga lango. Pagtingin ko ay may babaeng bigla yumakap kay Lili ko, na siyang dahilan para kumunot noo na naman ako, hindi ko gusto nakikita ko kaya lumapit pa ako.
- Nakita kong ayaw bumitaw ng babae pilit inaalis ni Lisa ang babae sa kaniyang pagkakayakap pero nagmamatigas. Kaya lumapit ako para sugurin at sampalin ang babae, alam ko nagulat si Lisa at lahat ngunit wala ako pakialam agad lumapit sa akin si Lisa.
- Kumulimlim ang paligid at may kasamag kulog at pag kidlat, Ako si Jennie nag-uulat para sa ulat panahon.... Nagsalita pa ang babae andami daming sinasabe sinampal ko na lang ulit matapos kong sabihin na asawa ako ni Lisa.
- Hanggang sa umalis na kami ni Lisa at nawala na sa paningin ko ang babaeng mukhang igat parang kukuryentehen si Lili ko, wag na wag nila gagawin ulit yun kung ayaw nila lamunin ng dagat sa gagawin ko.
- AKIN LAMANG SI LISA!!!! AKIN SIYA AKIN!!!! AKIN!!!! AKING LANG!!!! *nasabe ko na lamang yan sa isip ko*- Matapos nameng maghapunan ni Lisa ay nagtungo kami sa banyo para sabay maligo. Pagkatapos namen maligo ni Lisa ay nagbihis na kami ng damit pantulog nasasanay na ako na may damit hehe kasi syempre wala kami suot sa ilalim ng tubig buntot lamang at natatakpan lamang ng buhok namen ang aming dibdib.
- Nakahiga na kami ni Lisa, niyakap lamang niya ako pero pumaibabaw ako sa kaniya dahil gusto ko komportable ako sa katawan niya eh kaya heto nakabalot ako sa kaniya habang yakap ako ni Lisa.
- Natutuwa ako sa ganitong posisyon namen mabilis akong nakakatulog kaya heto na nga unti unti nang bumabagsak ang mata ko at yun tulog na po ako.