Chapter 24

99 2 2
                                        

Chapter 24

~Pag-iisang Dibdib~ (kahit walang dibdib)

Amang Hari's P.O.V
  - Heto ang kasal ng aking mga Anak! Handa na kami ng kanilang Inang Reyna na pag-isahin na sila nang dibdib. Narito na kami ngayon sa pagdarausan kinakabahan ako dahil ikakasal na ang aking Prinsesa alam ko mahahati na ang magiging buhay niya ngunit masaya ako na magiging masaya na ang aking Anak kay Lisa.
  - Sinimulan na ang seremonya nang pagpapakasal ang pinakamatandang Merman sa amin ang siyang magpapakasal sa kanila. Simple lamang ang seremonya...
  - Nakaupo lamang sila sa isang tipak nang malaking bato, isusuot lamang ang balat ng tulya na pinagdugtong-dugtong at pagkatapos non ay iuukit lamang nila ang kanilang pangalan sa inuupuan nilang tipak ng bato.
  - Pagtakatapos nilang magukit ay saka nila hahalikan ang bato at pagkatapos nun magyayakap sila at saka nila sasabihin ang salitang 'Mahal na Mahal kita'.
  - Saka nila hahalikan ang isa't isa. Pagnatapos ang halikan ay magbabago ang itsura ng bato magiging kulay asul ito ang ibig sabihin nun ay mahal nila pareho ang isa't isa. At sa ganon ay kasal na sila.
  - Ngunit sa hindi namen inaasahan ay naging ginto ang bato ng aking Prinsesang si Jennie nagulat ang lahat dahil ngayon lamang nangyari ito, ngunit kina Jisoo ay normal lamang asul ang naging kulay.
  - Ang sabe ng pinakamatandang nagkasal sa kanila isa lamang ibig sabihin non, ay puro ang pagmamahal at hanggang sa kamatayan ay walang makakapaghiwalay sa kanila. Magkakaroon nang bagong buhay ,muli pa rin silang mabubuhay dahil walang kamatayan ang pagmamahalan nilang dalawa kaya ginto ang lumabas, napakalakas ng pagmamahal na iyon.
  - Napaisip ako sa sinabe ng pinakamatanda sa amin, alam ko may ibig siyang iparating. Nakatingin lamang kami sa dalawa at nagugulat sila ngunit bakas sa mukha nila ang saya.
  - Lisa: Kung ano man po ang ibig sabihin niyan ay ,wala ho problema sa amin! Sigurado po ako mauunawaan din po namen ang ibig sabihin non!
  - Jennie: Opo! Ang mahalaga po sa amin ay alam nameng pareho na mahal na mahal po namen ni Lisa ang isa't isa. *nagkatinginan lamang ang dalawa*

Inang Reyna's P.O.V
  - Ngayong kasal na ang dalawa ay agad na kaming pumanik sa papiging. Masaya ang lahat sa pagdiriwang nang dalawang nag-isang dibdib. Kita ko sa mga bata ang saya nila, nagsasayawan ,kantahan ,tawanan ,kwentuhan at kung ano ano pa. Heto lamang ang aking hiling ang maging masaya ang aming nag-iisang Prinsesa.
  - Walang humpay ang saya sa buong Kaharian ngunit sabik na akong magkaroon ng apo. Dahil sa aming mga Mermans pag gusto nameng magkaanak isa lamang ang aming ginagawa. Ang serena na magbibigay ng lahi ay hahalik lamang sa tiyan ng serena na siyang magdadala ng bata. Sabay silang pipikit at sa isip nila mabubuo ang magiging itsura ng bata kung lalaki ang gusto lalaki ,kung babae babae.
  - Sa isip nila kung anong gusto nila maging ng kanilang anak, kung gusto nilang matapang ,mabait ,maganda at matalino mangyayari ngunit dapat ay napagusapan na nila kung ano ang gusto nilang maging sa kanilang magiging anak.
  - Ngunit nasabe sa akin ni Jennie na hindi muna sila mag-aanak pero may araw na magpaplano sila. Ganon pa man ayos lamang sa akin, pwede muna nilang sulitin ang bawat oras nila na mag-asawa. Sa ganon masaya na kami ng kanilang Ama. Ganon din ang dalawa hindi muna, hindi naman problema sa amin yun basta ang mahalaga sa amin bilang magulang nila ay masaya sila.

JenLisa's P.O.V
  - Pagkatapos ng papiging ay umalis muna kami ni Jennie, para maglibot muli ngunit bilang isang mag-asawa hawak ko ang kaniyang kamay.
  - Hinila ako ni Lisa para maglibot sa karagatan lagi naman siyang ganito kaya hinahayaan ko lamang dahil wala naman siya ibang gusto kundi ang makasama ako.

(Insert: Background music 'Breathe' by Faith Hill)

Lisa - yakap yakap ko siya ,nakatitig lamang sa kaniya ine-enjoy namen ang oras , siya ang dahilan bakit pa ako humihinga ngayon. I can feel her breathe, kahit magkaiba ang mundo namen hindi naging hadlang yon sa amin, dahil masyadong malakas ang aming pagmamahalan, kung ano man ang ibig sabihin nang gintong kinalabasan ng bato ang mahalaga sa akin hindi kami magkakahiwalay ni Jennie. Dahil ako wala na akong ibang gusto kundi siya, at ang bumuo ng pamilya kasama siya at makasama siya hanggang sa pagtanda ko hanggang sa hindi na ako makahinga. I will love you till my last breath and I still love you till my new breathe Nini.

Jennie - sa kaniyang pagtitig sa akin, labis akong napapahanga sa napakaganda niyang mata, ang mata na napakaaliawalas ang mukha na amo. Napakamapalad ko na nakilala ko ang gaya niyang tao, hindi ko aakalain na isa akong serena pero iibig ako sa isang tao, na hindi ko ito inaasahan na darating sa buhay ko ang ganito pagkakataon. Ayaw kong mawala ito dahil minsan lamang sa buhay natin na dumating ang ganitong sandali ang makasama mo ang taong mahal na mahal mo. Ano man ang mangyari sa aming dalawa basta kasama siya hindi ako magsisisi dahil siya ang dahilan ng aking bawat paghinga. Hanggang sa wakas at sa bagong simula ikaw pa rin ang mamahalin ko ikaw lang ang mamahalin ko Lili..

THE MERMAN AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon