Chapter 6
~Inside of your World~
Jennie's P.O.V
- Heto na ang itinakdang araw na paglalakbay namen ni Rosè handa na kami ,nagpapaalam na kami sa aming mga magulang.
- Inang Reyna: Mga anak! Mag-iingat kayo ha!
- Jennie and Rose: Opo Mahal na Inang Reyna!
- Amang Hari: wag kayo mag-alala lagi ko kayo gagabayan!
- Jennie: Salamat Ama! *bow*
- Rosè: Salamat ho Mahal na Hari! *bow*
- Kalihim ng Reyna/Ina ni Rosè: Anak, mag-iingat ka don ha? Mag-ingat kayo ni Jennie, tandaan niyo mundo yun ng tao?
- Rosè: Opo Ina, makakaasa po kayo sa amin! *nakangiti*
- Jennie: Sige po! Alis na po kami!! *sabay yuko nila*(Insert: background music 'The Distance' by Evan and Jaron)
♪♪
The sky has lost it's color
The sun has turned to gray
At least that's how it feels to me
Whenever you're away
I crawl up in the corner
To watch the minutes pass
Each one brings me closer to
The time you comin' back- Handa na akong tahakin ang distansya ng mundo natin Lili, alam ko mag-kaiba tayo ng mundo pero alam ko pagdating sa pag-ibig hindi hadlang ito. Kahit milya milya ang layo mo kung saan ka man, itong tsansang binigay sa akin ay pagkakataon para makita ka Lili, kahit abutin pa ako nang matagal na panahon makita ko lang ulit ang ngiti mo. Tatahakin ko ang distansya.
- Papalayo na kami ni Rosè sa kaharian nagkatinginan kaming dalawa at tumango sa isa't isa bilang tanda na handa na kami tahakin ang bagong mundo namen para mahanap ang aming pakay sa mundo ng mga tao.
- Patuloy lamang kami sa paglalakbay lumangoy ni Rosè, wala akong ibang nasa isip ngayon kundi si Lili siya ang aking pinagkukuhanan ngayon ng lakas at tapang ko,at sana sa paglalakbay kung ito ay makita rin kita sana mahanap kita Lili.
- Napadpad kami sa lugar na tinatawag nilang Cebu, hindi pa kami agad nag anyong tao,dahil hinahanap namen ang lugar o ang bansang kinaroroonan nung dalawang babaeng kailangan namen. Ang tanging palatandaan namen sa lugar na yun ay ang bansang amerika.
- Marami kaming alam na bansa dito sa mundo dahil nililibot namen ang mundo bilang aming pagprotekta ang mga kapwa namen lamang tubig taon taon namenh ginagawa yun.♪♪
I can't take the distance
I can't take the miles
I can't take the time 'till I next see you smile
I can't take the distance
And I'm not ashamed
That with every breath I'll take
I'm callin' your name
I can take the distance- Ngayon naman ay napadpad kami sa Tinatawag nilang Brunei, ilang araw na kami naglalakbay ni Rosè masaya naman kaming dalawa sa paglalakbay na ito. Napadpad kami sa Australia na bansang kanilang tinatawag, hindi ito yun. Nakakaranas din kami nang pagod at nakakasalamuha din kami ng mga halimaw sa loob ng tubig ang pating pero pinaghandaan namen yan dahil bata pa kami ay sinasanay na kami sa pakikipaglaban sa mga halimaw ng dagat.
- Makalipas ang isang buwan isang bansa naman ang aming napuntahan ang New Zealand na tinatawag. Wala pa rin dito ang bansang aming hinahanap lahat ng bansang aming napuntahan na, ay wala pa rin dun ang aming hinahanap.
- Marami na kaming bansa pang napuntahan gaya ng Espanya , Frances at hanggang sa makarating kami sa bansang aming pakay dalawang buwan na kami nang makarating dito sa bansang ito, kaya agad kaming pumunta sa lugar na walang makakakita sa amin.
- Agad nameng sinuot ang aming singsing para kami ay mag-anyong tao. Pagkasuot namen ay unti-unti kaming nagkakaroon ng paa at hubo't hubad kaming dalawa, ngunit sinubukan nameng tumayo ngunit napaupo kami ni Rosè dahil ngayon lang kami makakaranas nang magkaroon ng paa pero pinipilit nameng tumayo para sanayin ang aming mga paa sa paglalakad, natutumba-tumba kami at tila nanginginig ang aming mga paa.
- Nang biglang meron isang babae, na medyo nasa kwarenta anyos na siya. Naglalakad siya at nagtitingin sa paligid niya.
- Rosè: Jennie, pwede tayo makahingi ng tulong sa kaniya?!
- Jennie: Sige Rosè! *sa di naman inaasahan ay napansin kami ng babae agad siyang lumapit*
- Babae: mga Hija, bakit kayo walang saplot? *nagkatinginan kaming dalawa ni Rosè*
- Jennie: Uhm! Na-nawala po kasi yung mga damit namen!! *pagsisinungaling ko*
- Babae: ah ganon ba! Sandali dyan lamang kayo sa tubig para di nila kayo makita ng iba na ganyan kukuha lamang ako ng masusuot niyo ok?!! *agad na umalis.. Sinunod naman namen ang kaniyang sinabe*
- Rosè: akala ko walang tao dito meron pala!
- Jennie: oo nga ! Pero buti na lang di niya tayo nakitang may buntot pa! *napabuntong hininga na lang kaming dalawa*
- Ilang minuto lamang ay nakarating na siya para bigyan na kami ng mga damit namen buti na lang at mabait ang babae na ito, agad naman nameng sinuot ang binigay niyang pambalot sa amin pero nagtitinginan kami ni Rose dahil hindi namen alam paano ito isuot.
- Babae: Oh bakit Hija? Ayaw niyo ba ang mga damit?
- Jennie: ah eh hindi naman po! Hi-hindi lang po namen alam paano ito isuot?!! *nakayuko kaming dalawa*
- Babae: *may pagtataka sa kaniyang mukha ngunit napatawa lamang ito nang konti* Ah ganito yan! *tinuro niya sa amin paano isuot at nagawa naman namen ang kaniyang pagpapaliwanag*
- Jennie: G-ganito to po ba? *nakangiti ako at ganon rin siya*
- Babae: oo tama yan! Very good!
- Rosè: a-ano po yung Very good? *may taka sa kaniyang mukha*
- Babae: ah! Very good ibig sabihin noon ay Napakagaling! Taga saan ba kayo mga Hija?
- Jennie: Sa P-pilipinas po kami!
- Babae: talaga? Taga dun din ako! Ano pala ang ginagawa niyo dito sa U.s? *napangiti siya sa amin*
- Rosè: Ha U.S po? A-ano po yun? *nagtataka*
- Jennie: Oo nga po ano po yun? Di ba po Amerika ho ito? Iba po ba bansa nameng napuntahan? *pagtataka rin ang aking nasa isip*
- Babae: Oo nga mga Hija U.S ay america pa rin yun ibig sabihin kasi ng U.S or U.S.A ay United States of America! *pagpapaliwanag niya*
- ChaeNnie: Ah ganon po ba yun!! *nagkatinginan lang kaming dalawa ni Rose*
- Babae: Ano nga pala ang pangalan niyo? Ano pala ginagawa niyo dito sa U.S?
- Jennie: ah ano po? M-may ipinunta lang po kaming isang importanteng bagay po! *hindi ko pwedeng sabihin ang aming pakay dapat ay sa taong hanap lang namen pwede ito masabe* Ako nga po pala si Jennie! *nakipagkamay siya sa akin*
- Rosè: ako naman po si Rosè! *sabay lahad din ng kaniyang kamay at may ngiti*
- Babae: Nice to meet you ladies! Ako naman si Secretary Dara Park alaga ko ang isa sa nagmamay-ari nitong Resort. Wala ngayon sila dito, dahil nasa Thailand sila ngayon para sa isang mahalagang bagay at sa susunod ay sa South Korea, nadelay kasi ang pag punta nila doon dapat ay noong nakaraang buwan pa nagkaroon kasi dito ng problema sa dalawang buwan na yon kaya naiwan pa ako dito.
- Jennie: g-ganon po ba!? Napakaganda po ng lugar na ito!
- Babae: Yung dalawang alaga namen ang may-ari nito mga Hija, maraming salamat sa pag bisita niyo sa aming Resort! *nakangiti niyang sambit*
- Rosè: wala ho yun!
- Babae: hali kayo! *pag-aaya niya agad naman kaming sumunod*
- Rosè: napakaliit po sa akin ng damit! *pagrereklamo niya*
- Babae: ah hehe kasi sa alaga ko yan damit niya yan maliit lang kasi siya Hija pasensiya ka na!! *nakangiti lang*
- Rose: *nakangiti* oK lang po, mukha naman pong bagay ko po! *natawa na lang ang babae*
- Babae: Ikaw Hija? Sakto lang ba sayo?
- Jennie: ah eh kabaligtaran po sa kaniya malaki po sa akin! Pero okey lang naman po sa akin maayos pa rin naman pong tignan! *napangiti na lang ako*
- Babae: *nakangiti* Ang cute niyong dalawa! Sa alaga yan ni Sec. G-dragon! Damit niya yan, matangkad kasi siya kaya medyo may kalakihan din ang sukat niya! *pagpapaliwanag niya*- Nasa loob na kami ng Resort pinagtitinginan kaming dalawa ni Rosè, alam ko naman na napakaganda nameng dalawa Dyosa lang naman kasi kami ng Karagatan at kaharian ng Mermania kaya walang duda.
