Chapter 4
- Hindi tumigil sina Jennie at Rosè, patuloy pa rin sila bumabalik sa dalampasigan ,naghihintay hanggang sa di na nila namalayan ay lumalaki na sila. Lumipas pa ang maraming taon ay hindi sila nawawalan nang pag-asa na isang araw ay makita nila ulit ang dalawang tao na alam nila ay sila lamang ang kanilang gusto.
After 14 Years...Lisa's P.O.V
- I'm 24 years old now! Tsk! Magandang pogi pa rin mula mawala aming magulang dahil sa isang trahedya, bumuo kami ng sarili nameng company ni Jisoo na JKLM Company. Later press conference dahil sa aming project ni Jisoo para sa pagpapakalap na protektahan ang likas na yamang tubig sa buong mundo andito kami ngayon sa U.S para dito. Since successful na kaming dalawa mula mawala ang aming magulang nang napakaaga ay pinilit nameng mabuhay, kayanin dahil andito naman ang Secretary ng Parents ko si Sec. G-Dragon! Tinuring na akong anak niya, napakabait at ang kaniyang asawa ay si Sec. Dara Park Secretary ni Jis.
@The Conference
- Lisa: Good Morning! Akin nang sisimulan kilala niyo ako diretsahan agad. Kung gusto nating mapaganda pa ang mundo dapat wag natin sirain ang ating likas na yaman pangalagaan natin. Kung gusto natin magpatayo ng negosyo na may mga masisira tayo at masasaktan wag na nating ituloy pero may paraan naman, gumawa na mas makakatulong para safe pa rin ang ating kalikasan siguraduhin nating hindi natin masisira ang ating kalikasan , mahalin natin ang nature dahil kailangan natin yan sa buhay natin kaya gumamit tayo ng tama! Respetuhin natin ang kalikasan dahil napakaganda nilang pag masdan. Pagandahin pa lalo ang kalikasan pangalagaan pakamahalin, kami ay nagmamalakasakit lamang sa nilikha ng ating Panginoon di ba? Napapahanga ka sa kaniya dahil napakagaling niya kaya nating alagaan yan kung may disiplina ang lahat, mahal ko ang nature dahil meron akong nakilalang babae napakaganda niya. siya ang nagpabukas pa ng aking isipan kung gaano kaganda ang mundong ginagalawan natin, well bata pa lang ako mahal ko na ang kalikasan pero dahil sa kaniya mas lalo pa akong napapamahal. Kaya nagtayo kami ng bestfriend ko ng Resort and Farm, mula mawala ang aming magulang mas lalo pa lumakas ang pananaw ko sa buhay kaya heto ako ngayon nagpapatuloy pa rin sa buhay ko kasabay nito ang pagprotekta ko sa kalikasan. Thank you! Protect Our Nature! *labis na paglalaban niya*
- Jisoo: Good Morning! Hindi ko rin na rin patatagali... Napakagandang pagmasdan ang maayos na kalikasan, kung gagamitin natin ang kalikasan siguraduhin natin na wala tayong masisirang mga puno bagkos dagdagan pa natin. Kung gagamit man tayo ng puno, dapat palitan natin para hindi mawala ang ganda ng kabundukan dahil sa mga puno, halaman wag natin idamay ang mga inosenteng hayop dahil sa kahayukan ng iba maipatayo lang ang negosyo na gusto nila, napakasakit sa damdamin ang ganoong bagay. Sana tulungan nyo kami dahil hindi naman kami ang makikinabang dito kundi, tayong lahat samahan niyo kami labanan ang mga taong halang ang kaluluwa na walang pakialam kung nakakaagrabyado ng buhay at payapang naninirahan sa ating kalikasan. Thank you!- Natapos na ang aming press cenference para sa layunin nameng mapalawig ang aming Protect the Nature Campaign. Lagi kami nagtatagumpay sa aming mission na ito kaya naman lagi kami nakakatanggap nang puri at parangal, nalulugod nameng tinatanggap ito ngunit mas lalo nameng ginagawa ito ni Jisoo para sa dalawang tao sa buhay namen na bahagi ng aming buhay napakalaki nang part nila sa buhay namen. Lalo na sa aming puso sana makita pa namen sila umaasa ako palagi, araw araw ... *paghinga kong malalim sabay sambit ng kanyang pangalan* Nini!!
Jennie's P.O.V
- Sa aming pag sulyap sa mundo ng tao sa pamamagitan nang kapangyarihan ng aming Amang Hari ay kita namen ang mga kaguluhan sa mundo nila at may part sa isip ko na umaasa akong dito sa paraang ito ay makita ko siya. May mga taong gusto sirain ang kalikasan may mga tao ding gusto nila protektahan ito at nakapukaw sa akin ang isang babaeng may buhok sa kaniyang noo, napakaganda niya habang pinagmamasdan ko siya ay napapahanga ako sa kaniyang mga sinasabe na nagpapabilis nang tibok ng aking puso pinagmamasdan ko lang siya, dahil naalala ko ang isang tao sa kaniya napapangiti na pala ako. Katabi ko rin ang kaibigan kong si Rosè napapansin ko na nakangiti siya sa isang babae na nagsasalita di ko napansin na iba na pala ang nagsasalita.
- Amang Hari: Anak! *sabay tingin sa akin ng aking Ama*
- Jennie: Ano po yun Ama?! *paglapit nito sa Ama at pagyuko bilang paggalang*
- Amang Hari: Inaatasan kitang hanapin ang dalawang tao na yan dahil makakatulong siya sa ating Kaharian!
- Jennie: Sige po Ama! Pero gusto ko po ay kasama ko si Rosè! *napatingin sa kaniya ang kaniyang Ama*
- Amang Hari: Oh, sige aking Prinsesa!
- Inang Reyna: Anak! Mag-iingat kayong dalawa ni Rosè , heto ang singsing na gawa sa perlas heto ang magbibigay sa inyo ng paa! Isuot niyo lamang yan at magkakaroon kayo ng paa wag niyo hayaang mawala yan sa inyong daliri ingatan niyo mga Hija! *paalala niya*
- Amang Hari: Anak! Gagabayan ko kayo wag kayong mag-alala!
- Jennie: Maraming salamat Ama at Ina!
- Rosè: Salamat po Mahal na Hari at Mahal na Reyna!! *sabay yuko nila*
- Reyna at Hari: Walang ano pa man! Wag niyo pababayaan ang isa't isa! Sige na maghanda na kayo bukas na bukas na ang inyong paglalakbay!- Nakapag paalam na si Rosè sa kaniyang Ina na kalihim ng aking Ina. Naghahanda kami ni Rosè sa aming paglalakbay ang tangi lamang nameng dala ay ang singsing na magbibigay sa aming paa ,tig-isa kaming binigay ni Ina. Napadako sa akin ang polseras na bigay sa akin ni Lili hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang binigay niya hindi ko ito inalis dahil ito ang tangi kong pag-asa sa kaniya. Gusto na kitang makita Lili asan ka na kaya? Naalala pa ba niya ako? Pupunta ako sa mundo mo Lili heto na ang pagkakataon kong makita ka sana sa pagpunta ko sa mundo mo ay ikaw agad ang masilayan ko kahit saang panig pa nang mundo ka pa naroon hahanapin kita kahit sa anong bansa ka pa naroon hahamakin ko makita ka lamang Lili.
- Mahal kita Lili!
