Chapter 3 : Baliw na Bayani.

303 2 1
                                    

Dec 12 20XX - 5:48 PM

Namulat ang mata ni Robert at sa kanyang gising, naalala niya lahat. Nanlalamig ang kanyang pawis sa isip na ang kanyang mga magulang,kapatid at ang mahal niyang girlfriend ay patay na. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at siya ay litung-lito. Humiga siya at umiiyak habang iniisip ang kanyang mga minamahal. 

Robert : Bakit? bakit? bakit? hindi ko alam ang gagawin ko... hindi ko alam kung panaginip lang toh.. gusto ko ng magising. PAPA!!! MAMA!!!..ILIGTAS NIYO AKO!!! AHAHAHAHA!!! nababaliw na ako nababaliw na ako!

Biglang merong tumunog na cellphone sa bulsa ni Robert at nagising siya sa kanyang kabaliwan. Nagmadali siyang kunin ang kanyang cellphone at sinagot niya ang tawag.

Robert : H-hello! Leanne! Nasaan ka?!

Leanne : Bhi..*umiiyak* Iligtas mo ako...wala na sila lola... ako nalang mag isa *iyak* bhi..bilisan mo..

Robert : Ok!..ok.. Madami bang zombie sa gate niyo? Wag ka mag alala! Pupuntahan kita jan. Hintayin mo lang ako! Ok?!

Leanne : Bilisan mo, bilisan mo *iyak* Hindi ko na kaya! Bhi..

Robert : Sige. Kukuha na ako ng sandata. Darating ako.. Pangako.

Binaba ni Robert ang kanyang cellphone at tumalon sa bubong. Ginamit niya ang kanyang sinturon bilang sandata. Pinukpok niya ang bakal ng kanyang sinturon sa ulo ng mga zombie tsaka babaliin ang leeg. Nakia niya ang lumalakad na bangkay ng kanyang Class Adviser na si Sir Francis at nagdalawang isip patayin ito.

Robert : Sir! tsk. Patawad sir. Kailangan ko gawin ito.

Sir Francis (zombie) : Grehhh!!

Ipinulupot ni Robert ang kanyang sinturon sa bunganga ng bangkay at binali ang leeg nito. Pumasok si Robert sa Class Room nila dahil naalala niya na may espada na ginagamit sa C.A.T at pwede niyang magamit ito bilang sandata. Nakita niya ang mga bangkay ng kanyang mga kaklase na nilalamon ng mga zombie. Tahimik siyang gumapang at pumunta sa lamesa ng kanyang Teacher sa harap ng whiteboard. Lumingon lingon ang zombie sa paligid at hindi nakita si Robert. Bumalik ito sa kanyang ginagawa at hindi nalang ito inintindi. Nakahinga ng maluwag si Robert at ipinagpatuloy ang kanyang plano. Nakita niya na ang hinahanap niyang sandata ay nakasabit sa likod ng pinto sa may lamesa ng kanyang Teacher. Tahimik siyang gumapang binilang ang zombie na nasa kuwarto.

Robert : 1,2,3,4,5.. Limang zombies at kinakain si Bernadette at Paul.. hmmmpp. Kailangan ko makuha iyon.

Tumingin si Robert sa gilid at may nakita siyang pen. May naisip na plano si Robert at nag madali siyang gawin ito.

Nang kukunin na ni Robert ang pen, biglang hinawakan ang kamay ni Robert ng bangkay ng kanyang kaklase na wala ang kalahati ng kanyang katawan.

Robert : Huh?! Raidah... alam mo ang pinaka ayaw ko sayo.. Maingay ka. Kaya ganito ang gagawin ko sayo. tsss... mamaya nalang. kailangan ko muna ito gawin.

Nakuha ni Robert ang pen at ibinato niya ito sa gilid ng Kuwarto. Napansin ito ng mga zombies at lumapit sila. Ng makita ni Robert ang Tsansa niyang makuha ang sandata ay tumakbo siya. Nakuha ni Robert ang Espada at agad niya itong nilabas.

Robert : Puro kalawang na.. Pero pwede na toh.

Sumipol si Robert sa mga zombies at biglang may tumakbong zombie papunta sa kanya.

Robert : Huh?! tumatakbo! Grah!

Sinipa ni Robert ang zombie papalayo at tinusok ang mapurol na espada sa bunganga ng zombie. Papunta pa ang apat na zombie sa kanya at agad siyang kumilos. Dahil sa mga nakikita niya sa palabas, madaling nakagaya si Robert sa mga ginagawa nila. Marunong din siyang humawak ng espada dahil sa kanyang nilalaro sa Computer.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon