Chapter name : Ang Mall
Namulat ang mga mata ni Robert at bumangon siya. Naramdaman niya ang sakit sa kaniyang buong katawan. Hinawakan siya ni Sasha
at pinahiga ulit.
Sasha : Easy ka lang. Grabe ang bugbog na natanggap mo.
Robert : Ugh!..A-anong nangyari?
Sasha : Muntikan ka nang mapatay ng Juggernaut. Pero niligtas ka ni Mark. Tama ka sa pagpapasama sa kaniya, kung wala siya
malamang wala ka na o tayo.
Robert : Mark huh.. Nasaan siya?
Sasha : Naglibot siya kasama nila Jason at Yaan. Oo nga pala, habang naghahanap kami ng makakain, may nakita kaming mga walkie talkie.
Robert : Magagamit natin 'to. May pagkain din ba ako?
Sasha : Oo, may soup kaming hinanda sayo pero mukhang malamig na.
Robert : Ayos lang. UGH! Ang sakit ng katawan ko.
Sasha : Magpahinga ka nalang, darating na sila Jason. Sabi ko sa kanila hanapan ka ng pain pills.
Nakita ni Robert ang bandage na nakabalot sa dibdib ni Sasha.
Robert : Anong nangyari sayo?
Sasha : Nabali lang isa sa mga ribs ko. Ayos lang. Mas malala pa yung sayo.
Robert : No shit.
Dumating na sila Jason na may dala-dalang supot ng pagkain at ang pain pills para kay Robert.
Jason : Gising ka na pala.
Sasha : Nakita niyo yung pain pills?
Mark : Yup. At kailangan ko lang sabihin, ang hirap niyan hanapin sa drugstore. Oh, at nakita na rin namin yung gunshop.
Robert : Good. Makakaalis narin tayo dito.
Sasha : Nu-uh. Nope. Hindi pwede. Hangga't hindi ka gumagaling kahit konti, hindi tayo aalis.
Jason : Oo nga. Tignan mo nga katawan mo oh, puro pasa.
Robert : Pero-
Sasha : Hep!
Robert : Bakit-
Sasha : No.
Robert : Hay.
Christiane : Bakit di muna tayo magpahinga dito? Ito narin yung chance natin maligo at magpalit ng damit.
Mark : Yah. Madaming shop jaan na madaming damit.
Sasha : No, kayo nalang. Susunod nalang ako. Puntahan ko lang yung gunshop na yun.
Umalis si Sasha at lahat sila ay nakatingin sa kaniya. Pinutol ni Mark ang katahimikan.
Mark : Alam niyo, ngayon lang ako nakakita ng babaeng mas gusto ang mga baril kesa sa magandang damit.
Jason : Ako din.
Christiane : Robert, inumin mo muna 'tong pain pills.
Jason : Kainin mo narin itong mga pagkain dito.
Robert : Salamat. Oh, Mark, salamat. Sa ginawa mo.
Mark : My pleasure.
Binaril ni Sasha ang paglock sa pinto ng gunshop. Pumasok siya at nakababa ang kaniyang baba. Napangiti siya sa tuwa dahil
sobrang daming baril.
Sasha : Nice.
Pumasok siya counter at namamangha sa mga baril na nakita niyo. Nakita niya rin na may laser-pointer sa bandang gilid ng counter.
Kinuha niya lahat ng baril at ang isang box ng laser-pointers. Kumuha din siya ng dalawang MP5 na sub-machine gun para kay Robert
at kinuha niya rin ang mga kevlar armor.
Habang sila Jason, Yaan at Mark naman ay pumunta sa department store at sinukat ang lahat ng mga damit na makukuha nila. Si Mark
ay nagsusuot ng mga relo at si Jason at Christiane ay natingin ng mga sapatos. Natutuwa sila sa kanilang mga ginagawa habang si
Robert ay nakahiga lang sa kaniyang higaan sa isang furniture shop. Nag-iisip ng malalim.
Robert<isip>: Pakiramdam ko, wala akong kwenta. Ako ba talaga dapat mag lead sa kanila? Hinayaan kong mamatay si Kyle at Leanne.
Ako ba talaga dapat? Kailangan kong maging mas magaling.
Dumating bigla sila Mark suot-suot ang mga bagong damit na napili nila.
Mark : We're back!
Jason : Ano? kamusta pakiramdam mo?
Robert : Mas mabuti.
Jason : Anong iniisip mo habang nakahiga lang dito?
Robert : Mga...bagay-bagay lang. Wala namang importante. Ganda ng sapatos mo ah.
Mark : Alam niyo, hindi ko naisip na may magagandang bagay din pala na mangyari sa zombie apocalypse.
Christiane : Talaga? Tulad ng ano?
Mark : Well, free stuff. Libreng damit, libreng pagkain, libreng lahat. Walang batas na mag-sasabi sa atin na bawal kunin yung
mga gamit na 'to.
Jason : Tama siya.
Dumating na si Sasha dala-dala ang dalawang bag ng mga baril at ang mga kevlar suits.
Mark : Holy shit.
Nilapag ni Sasha ang mga bag sa lamesa.
Sasha : At ngayon, maliligo na ako.
Nakatitig ang apat na lalaki sa kaniya habang nag-lalakad siya.
Mark : Nakakita ka na ba nang ganoon kalupit na babae?
Jason : Hindi pa. Hindi pa sa buong buhay ko.
Nakatulog silang lahat at doon na nagpalipas ng gabi. Sumikat ang araw at automatic na bumukas ang lahat ng ilaw sa mall. Binangon
ni Robert ang sarili niya at tinignan ang sarili niya sa isang salamin. Nakita niya na madaming pasa sa likod niya pero hindi niya
masiyadong nararamdaman ang sakit.
Habang naliligo si Robert, ang mga imahe ng pagkamatay ni Leanne at Kyle ay bumalik sa kaniyang isip. Hindi niya mapigilan ang sarili
niya at sumuntok sa pader. Habang naghahanap ng damit sa department store si Robert, nakasuot lang siya ng towel na at basa pa ang katawan.
Tumingin-tingin siya paligid pero wala siyang makita. Nilibot niya ang department store at may nakita siyang brown na pantalon at sando na
kulay grey. Naghanap din siya ng sapatos at may nakita siyang itim na boots. tumingin din siya ng mga kuwintas at habang naghahanap,
may nakita siyang coat kulay itim navy blue na coat na may hood. Lumapit siya at sinukat ang coat. Tinignan niya ang sarili niya sa salamin.
Robert : Nice.
Bumalik na siya sa tinutulugan nila at kinuha ang kaniyang katana. Kakagising palang ng kaniyang mga kasama at nag-uunat pa ng katawan.
Nakita nila si Robert na bago ang suot at bago din ang ligo.
Sasha : Bagay sayo.
Robert : Salamat. Kumain na kayo ng almusal, madami tayong gagawin.
Lumakad papaalis si Robert habang nakatitig sila Jason at Mark sa kaniya.
Mark : San niya kaya nakuha ang damit niya?
Jason : Anime?
BINABASA MO ANG
Impyerno sa Lupa
HorrorWhat if one day, you're at your school and a zombie outbreak happened in a flash? Will you run? Or fight? Our main character, Robert, not only is the leader of the group and has to fight not only zombies.. But people too. Will they be able to withst...