Chapter 22 : Bisita

103 0 0
                                    

Chapter name : Bisita

Isang mahabang araw ang sumalubong sa grupo nila Sasha. Madami silang ginagawa para makatulong sa grupo nila.

ang araw ay tumapat sa hapon at mabagal ang pag lubog ng araw. Bumangga ang isang sasakyang puno ng tao sa loob

sa gate ni grasslands. Napansin ni Sasha ang pagbabago ng hangin sa paligid at pinaghanda niya ang kanyang mga kasama

habang si Robert ay walang kibo at patuloy sa pagiisip sa kanyang kawalan.

Sasha : May paparating.

Steven : Hm? Madami sila sa loob.

Mae : Mga survivors!

Mabilis ang pag-andar ng kotse habang ang alikabok ng lupa ay tumatalsik mula sa mga gulong nito. Huminto ang sasakyan

sa harapan nila Sasha at bumukas ang mga pintuan ng sasakyan. Mga lalaking middle-age na nakasuot ng uniform ng mga pulis.

Sergeant Bartholomew : Walang kayong dapat ipag-alala. Mga pulis kami.

Sasha : At anong kailangan niyo?

Sergeant Bartholomew : Kung ano ang gusto niyo. Makaligtas sa mga nangyayari ngayon. Kaya gusto namin makisama sa grupo niyo.

Ako si Sergeant Bartholomew ang leader ng grupo namin.

Sasha : Hindi namin kayo kailangan.

Sergeant Bartholomew : Maari mo yan sabihin ngayon, pero hindi mo alam kung may mangyayari sa inyo na masama. Kaya nandito kami

para paglinkuran kayo.

Pitong pulis ang kasama ni Sergeant Bartholomew at ang mga mukha nila ay hindi mapagkakatiwalaan. Ang mga itsura nila ay ang

itsura ng isang tipikal na pulis sa Pilipinas. Malalaki ang tiyan at mukhang hindi kayang tumakbo sa sobrang bigat ng kanilang

itsura. Binali-wala ni Robert ang mga pulis at tumayo.

Robert : Sasha, aalis muna ako.

Jason : Anong gagawin mo?

Robert : Titingin-tingin lang kung may zombie sa paligid.

David : Sama kami.

Robert : Wag na. Kaya ko mag-isa. Mas mabuti kung dito lang kayo.

Tinignan ni Robert ang leader ng mga pulis mata sa mata at umalis.

Robert<isip> : Masama ang kutob ko sa mga 'to.

Sasha : Sige. Pwede kayong makisama sa amin. Pero may mga patakaran kami dito.

Sergeant Bartholomew : Gagawin namin lahat ang makakakaya namin para makatulong.

Bumalik sa mga ginagawa nila ang ibang mga kagrupo habang si Sasha at ang Sergeant ay nag-uusap. Ang ibang mga pulis ay nakatayp

lang sa may harap ng sasakyan at nag-uusap.

Mae : Parang iba ang pakiramdam ko sa mga 'to.

Mariel : Oo nga. Parang iba.

Christiane : Wala tayong ibang choice. Mas maganda more man power. Pero tama nga kayo. Parang iba sila.

Hiljohn : Yung isang pulis dun may tatoo sa may braso na nakasulat na 'dead'.

Mariel : Kailangan nalang natin mag tiwala. Wala naman talaga tayong ibang magagawa diba?

Malapit na mawala ang araw at dahan-dahang umuusod ang dilim. Sa harap ng apoy, nag-uusap si Jhen at Michelle.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon