Chapter name : Hanggang sa impyerno
Dumating na ang helicopter sa Barrier at nakatulala sila David sa malaking pader. May mga sundalo na nakabantay at may mga
tankeng nakaparada sa harapan nito. Mataas ang seguridad sa Barrier at sa oras na makakita kaagad ng zombie ay papatayin kaagad.
Dahan-dahang naglanding ang helicopter sa landing zone at binuksan ng isang sundalo ang pintuan at pinababa silang lahat sa loob.
Isang sundalo na nakasuot ng gas mask ang sumalubong sa kanila at pinasunod sila sa loob. Bumukas ang malalaking pinto at pumasok
sila sa loob ng isa sa mga facility ng Barrier. Napapatitig sila sa mga gamit sa loob at hindi makapaniwala na marami pang mga
taong buhay. Pumasok sila sa isang malaking pinto at nakita nila na maraming mga civilian ang nakabantay na may dala-dalang camera
at kinukunan sila ng litrato. Nag sisiksikan sila at maiingay. Maraming mga sundalo ang nakaharang sa mga tao at pinagpatuloy
parin ang grupo sa pag-lakad. May isang babae ang sumigaw sa pangalan ni Jhen at napatingin siya. Ang nanay ni Jhen. Tumakbo si Jhen
papunta sa nanay niya pero hinarang siya ng mga sundalo at hinila pabalik.
Jhen : Ma! MA!
Nanay : Jhen-jhen.
Umiiyak silang dalawa dahil muli nilang nakita ang isa't-isa pero pinaderetso muli siya kasabay ng grupo sa isang pinto.
Sundalo : Ito ang Barrier. At nandito tayo sa Research facility. Kayo ay dadaan sa isang examination kung kayo ay infected at hindi
muna kayo pwedeng makipag interract sa mga tao sa labas.
Pumasok ang grupo sa isang kuwarto na malaki at maraming tao ang nakasuot ng hazmat suits. Sa mga likod ng salamin, makikita
ang isang scientist na nag dadisect ng katawan ng isang zombie. Pinaupo ang grupo sa labas ng isang kuwarto at pinag-hantay sila.
Hiljohn : Ano kayang gagawin nila sa atin?
Jerry : Titignan mga dugo natin. Sa tingin ko.
Mae : Jhen ok ka lang?
Jhen : Oo.. Masaya lang ako dahil nakita ko si mama ulit.
Biglang may lumabas na lalakeng nakasuot ng puti. Isang foreigner na may kulay dilaw na buhok at berdeng mata.
Doctor : Good evening, please, come in.
Pumasok sila sa isang kuwarto na puno ng mga gamit pang operasyon at may mga cabinet na nakadikit sa pader.
Doctor : I am Doctor Rowerr Schmidt. I Will be examining you all for blood samples ang infection. come on, sit.
Una si Michelle na tinignan ng doctor. Umupo siya sa harapan ng doctor at pinahiran siya ng doctor ng bulak. Nag tusok ng injection
ang doctor sa braso ni Michelle at humigop ang injection ng dugo. Nag patuloy ang prosesong ito sa iba pang mga survivors. Nang matapos
ang examination, pinapasok sila sa isang kuwarto na may walang bintana at pinag-antay sila.
Nang tinignan ng doctor ang blood samples, nakita niya na ang red blood cells ay normal pero merong mga rin virus sa dugo. Sinulat ng
doctor ang data at ng inject siya ng blood sample sa isang daga. Inobserbahan niya ang daga at nakitang naging mas agresibo ang daga.
Pumunta siya sa kuwarto ng grupo at sinabi ang kaniyang nakita.
Doctor : Everybody listen, the results of my observation is unexpected.
BINABASA MO ANG
Impyerno sa Lupa
HorrorWhat if one day, you're at your school and a zombie outbreak happened in a flash? Will you run? Or fight? Our main character, Robert, not only is the leader of the group and has to fight not only zombies.. But people too. Will they be able to withst...