Dec 18 20XX - 10 : 12 AM
Nagtayo ang grupo ng dalawang cross para sa dalawa nilang namatay na kasama. Si Robert ay nasa likod ilalim ng puno at nakapikit. Sila Sasha ay pagod dahil sa paghuhukay para sa labi ni Leanne at ang iba ay nakaupo lang.
Sasha : Okay na yan.
Christiane : Nasan na si Robert?
Hiljohn : Nandun, nakatulog sa puno.
Michelle : Naawa ako sa kanya.
Sasha : Hayaan lang natin siya.
Christiane : Sa ngayon, baka ang isip niya ay maging suicidal.
Sasha : Tama siya. Bantayan natin siya at tignan niya bawat kilos niya.
Christiane<isip> : Namatayan ng Best friend at girl friend sa magkasunod na araw... Tingin ko hindi ko kakayanin yun.
Steven : Oi, ang supplies natin ay paubos nanaman.
Sasha : Sige. Kukuha tayo mamaya.
Habang ang ibang mga kasama nila ay may mga ginagawa, sa loob ng isip ni Robert, may isang panaginip na nangyayari. Nakikita niya ang imahe ng kaniyang kaibigan na nakikipagtawanan sa kaniya sa loob ng classroom at si Leanne naman ay kasama niya sa maliwanag na araw sa isang makulay na lugar. Ang mga panaginip na iyon ay biglang napalitan ng kadiliman at dugo. Ang imahe ni Kyle ay nasunog at napunit ang imahe ni Leanne sa kaniyang isip. Biglang nagising si Robert na may malamig na pawis at hawak niya ng mahigpit ang kaniyang katana at mga baril. Hinihingal siya at paikot-ikot ang mga mata. Tumayo siya at tumingin sa malayo. Huminga ng malalim at lumakad papunta sa ilog na kaniyang nakita. Tinignan siya ng kaniyang mga kasama at tinitigan siya hanggang mawala siya sa malayo.
Robert : Nababaliw na ako? Ahahaha...Hinde. Hinde. HINDE! Buhay pa sila Kyle. Buhay pa. Ahihihi! Mamaya, magtatawanan nanaman kami. Huh?! Pero.. ay, wala akong pantawag kay Leanne... Ahihihi-Ahihihahahaha! AHAHAHAHAHAHA! AHAAAAAAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!
Ang mga mata ni Robert ay nakapikit habang tumatawa at ang kaniyang mga luha ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi. Hindi niya na kinaya ang mga nangyari at nawawala na sa kaniyang katinuan.
------FLASHBACK-------
Habang nag lalakad si Robert sa grasslands, may nakita siyang isang maliit na bahay kung saan ito ay sira-sira at abandonado na. Pinasok niya ang loob at nakita niya ay isang malaking halimaw na katulad doon sa school nila Danelle. Sinugod nito si Robert at hinampas ang malaking kamay nito kay Robert. Tumama ang braso nito sa tagiliran ni Robert at bumagsak siya sa malambot na lupa. Ang pagkatama nito kay Robert ay parang wala lang at bumangon. Nakatingin lang si Robert sa halimaw ng parang hindi siya naaapektohan pero sa loob ng isip niya, nag-iisip na siya ng plano.
Robert<isip> : Ang malaking halimaw na toh.. Noong sinaksak ko ung ulo ng halimaw doon sa school namin, walang epekto. Hinagis niya lang ako sa malayo. Baka ganon din ang magiging kakalabasan dito. Ang kailangan kong gawin... Incapacitate ko siya. Hindi siya mamamatay, iyon nalang ang aking pag-asa. Pero paano?
Tumingin si Robert sa katawan ng halimaw at napansin niyang may mata ito sa batok at maliit ang mga paa nito.
Robert<isip> : Hm.. Alam ko na. Bulagin ko muna siya at putulin ko ang mga paa. Pero, hindi parin matatapos iyon, kailangan kong hatiin ang isa sa mga braso. Kailangan ko lang siya mabulag.
Kinuha ni Robert ang isa sa mga baril niya at tinutok niya sa mga mata ng halimaw. Bumaril siya ng limang beses at natamaan niya na ang isang mata. Napuruhan ang halimaw at mas lalo itong nagalit. Sumugod si Robert pero sumakit ang kaniyang tagiliran mula sa suntok na natamo niya kanina. Nasuntok ulit siya pero ngayon naman, sa buong katawan. Masyadong malaki ang mga braso ng halimaw para maiwasan. Tumalsik si Robert at nasaktan siya ng husto. Nagdugo na ang kaniyang labi at nahirapan siya bumangon.
Robert<isip> : Magiging mas mahirap pa pala ito sa inaakala ko. Kailangan ko ng bagong plano. Kapag nakapunta ako sa likod niya, hahatiin ko kaagad ang spine niya para hindi na siya makatayo. Pero.. Masakit ang ginawa niya sa akin. Kailangan kong gawin ito nang mabilis.
Sumugod ulit ng pangalawang beses si Robert at yumuko upang maiwasan ang malaking braso ng halimaw. Nang masalubong niya ang pangalawang hampas, hinati niya ang braso at agad dumeretso sa likod ng halimaw. Binaon niya ang kaniyang katana sa likod at hinati ang buto ng halimaw sa likod. Maraming dugo ang tumalsik kay Robert at hindi na makatayo ang halimaw. Nagwawala ang halimaw pero wala na itong abilidad para makatayo. Lumakad si Robert paalis na naligo sa dugo.
Flashback 2-- Next chapter.
BINABASA MO ANG
Impyerno sa Lupa
HorrorWhat if one day, you're at your school and a zombie outbreak happened in a flash? Will you run? Or fight? Our main character, Robert, not only is the leader of the group and has to fight not only zombies.. But people too. Will they be able to withst...