Chapter 26 : Kung saan nabubuhay ang mga bayani

131 0 0
                                    

Chapter name : Kung saan nabubuhay ang mga Bayani

Jason : Ano na gagawin natin?

Robert : Hindi pa ba obvious? Tatalon tayo sa mga bubong.

Mark : HA?! Hindi tayo si Spiderman.

Robert : Pwede naman eh. Magkakadikit naman yung mga bubong. Tara na.

Nag-patuloy sila sa pag-lakad nila sa mga bubong ng mga bahay. Nilakad nila iyon hanggang sa makita nila ang mga fence na nasa 

gilid ng highway na pupuntahan nila. Pero merong isang problema. Merong nakaharang na halimaw sa pupuntahan nila.

Sasha : Nakikita ko na yung highway.

Robert : Malapit na tayo.

Jason : Teka, mukhang may malaki tayong problema.

Mark : Ano nanamang problema? Madami na ngang problema dito sa paligid natin meron pa bang mas malala?

Christiane : Tumingin ka sa bandang kanan.

Mark : What the f--- Ano yun?!

Robert : Ganyan yung halimaw na nagwasak ng helicopter na sasakyan namin.

Mark : Shit. Ibig-sabihin kaya niyang sumira ng helicopter?!

Robert : Wag kayo mag-alala, may nahanap akong paraan para mapatay siya.

Bumaba sila ng bubong at maingat na lumapit sa halimaw. Pinag-usapan nila ang plano nila.

Robert : Ganito gagawin natin. Tatawagin ko yung halimaw at Sasha, babarilin mo ng sniper mo yung mga paa niya.

Mark : Sigurado ka bang gagana ito?

Robert : Oo. Sa isang baril ni Sasha, mapuputol yung paa nito, tapos hindi na mabubuhat ng halimaw yung katawan niya.

Sasha : Ok.

Jason : Pano kami?

Robert : Plan B.

Christiane : Anong plan B?

Robert : Bulagin niyo yung mga mata nito sa leeg at puputulin ko yung paa niya agad. Hindi natin siya pwedeng mapatay ng walang 

sapat na firepower pero pwede natin siya maincapacitate.

Mark : Naging palaruan na ng mga halimaw ang mundong ito. Hay.

Sasha : Wag ka mag-alala, Mark. Ibabalik natin sa normal ang mundo ulit.

Robert : Pumunta na kayo sa mga posisyon niyo. Tatawagin ko na.

Tumayo sa malayo si Robert at binato sa likod ang halimaw. Pasigaw niyang tinawag ang halimaw at tumingin ang halimaw sa kaniya.

Robert : OI! Halika dito!

Sumigaw ang halimaw at patakbong sumugod kay Robert. Ang mga malalaking nitong braso ay hinahagis nito sa mga dinadaanan nito at 

malakas na sinusuntok sa lupa. Isang malaking halimaw na nagwawala.

Robert : Sasha! PWede mo nang gawin!

Tutok na tutok si Sasha sa pag puntirya sa isa sa mga maninipis na hita ng halimaw at naghahanap ng tamang oras.

Sasha : Wait..

Robert : SASHA?!

Sasha : Wait mo lang...

Mark : Sasha? Anytime..

Sasha : Wait for it..

Robert : SASHA?!

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon