Chapter 2 : Ligtas

373 4 0
                                    

Noong lumabas sila Ulysses at Robert sa kanilang silid aralan, nakita nila na may mga zombie na pinipilit itumba ang gate ng kanilang paaralan. Nang masira na ang gate, hindi na sila nakakuha ng sandata nila at tumakbo sa iba't ibang direksyon. Nag kahiwa-hiwalay sila. Si Robert ay mag-isang tumatakbo habang magkakasama si Ulysses, Steven at Kyle. Si Jason, ang pinaka matalik na kaibigan ni Robert ay nag tago sa Library kung saan ang pintuan ay hinaharangan ng bakal na gate. Nakita ng mga zombie na mag isa si Robert. Ang mga dugo ay Lumalabas sa kanilang bunganga habang agresibo silang tumatakbo upang kainin si Robert. Tumakbo si Robert sa gilid ng kanilang paaralan kung saan ito ay hinaharangan ng wire fence. Mabilis ang tibok ng puso ni Robert habang ito at takot na takot para sa kanyang buhay. Madaming mga masasamang imahe ang lumalabas sa isip ni Robert.

"Kailangan kong tumakbo. Takbo. Takbo! Buhay pa ba sila? Hindi,,. hindi sila mamamatay ng ganon kadali! Kailangan ko tumakbo. hah? May puno.. pwede ako umakyat doon! Bwiset tong mga zombie na ito.. palapit na sila ng palapit. Pagod na ako..."

Noong makaabot si Robert sa puno, mabilis siyang nakaaakyat pero may zombie na naadakip sa kanyang paa.

"Hah?! Bwiset kang zombie ka! Grahhh!"

Sinipa niya ang ulo ng zombie at nakawala siya. Pero marami pa ring zombie ang paparating. Napansin ni Robert na ang pinaka mahabang sanga ay malapit sa bubong ng school. Pilit na umakyat si Robert sa pinaka tuktok habang ang mga zombie ay hinhantay siyang mahulog at nakataas ang kanilang kamay. Nanlilisik ang mga mata nila at gutom na gutom. Nadulas si Robert pero nakahawak pa rin siya sa sanga. Nahahawakan na ng zombie ang takong ng kanyang sapatos. Ginamit ni Robert ang lahat ng lakas niya upang piliting makaakyat ulit. Naisampa niya ang kanyang paa at Tumayo... Muntikan nang mawalan ng balanse si Robert pero bago pa siya mahulog ulit, ay tumalon siya sa bubong. Muntikan na siyang hindi makaabot pero nakaligtas pa rin siya. hingal na hingal siya at nawalan ng malay.

"Sa wakas.. ligtas na ako.."

Sila Ulysses ay pinilit makaabot sa kwarto na katabi ng library. Sinipa at sinuntok nila ang mga zombie na humarang sa daan nila. napansin nila na may mga bata at guro na tumatakbo sa kanilang direksyon.

"Bilisan niyo!" sigaw ni Kyle..

May zombie na papalapit sa likod ni Steven pero nakita ito ni Ulysses at sinipa ito. Nakaabot ang mga bata at guro habang umiiyak sila. Nakita nila ang mga kaklase nila na babae. Si Lea.. ang Karelasyon ni Ulysses at sila  Patricia, Michelle, Mae at Jhen. Tumatakbo din ang kaklase nilang lalake na matalino. Si Christiane. Pinatakbo sila ni ulysses papunta sa loob at nagmadali si Steve na isadaro ang Bakal na pinto.

"Hah..hah..hah.. Ligtas tayo. May mga bakal na harang yung mga bintana." Pa ginhawa na sabi ni Steven.

"Shit... Nahiwalay si Robert, Jason at Hiljohn." Pagalit na sabi ni Kyle.

"Nakita niyo ba si Hiljohn?" Sinabi ni Ulysses.

"Sa tingin ko ligtas si Hiljohn. Nakita ko siyang tumakbo sa kwarto ni Sir Bob." Sabi ni Christiane.

Umiiyak ang mga babae dahil sa takot.

"Na..Nakita ko si Cheche na kinagat sa muka at dinumog ng mga... halimaw."

paiyak na sabi ni Michelle.

"ANO BA SILA?!"

Pagalit na tanong ni Patricia.

"Kumalma ka! Huwag kang maingay.. maririning nila tayo. Malalakas sila. Mga zombie sila. Natumba nila yung gate ng school. Baka pumunta sila dito at tumbahin yung pinto. Kailangan kumalma ka lang."

"Shhh.. Mga bata.. wag kayo maingay."

Sinabi ni Steven.

"May nakita pa ba kayong mga ibang nakaligtas? Kapag kumonti na yung mga zombie... pwede tayong lumabas at tumakas dito."

"Hindi ba pwedeng maghintay tayo dito para sa rescue?"

Sabi ng guro.

"Pwede, pero mamatay tayo dito sa gutom at uhaw. Maaring wala nang dumating na rescue."

Sabi ni Ulysses.

"Mas maganda nang gawin natin ang lahat sa sarili natin. Kesa naman sa aasa tayo sa iba."

Sa kabilang kwarto, si Jason ay nag iisa sa isang maliit na library. Madami siyang tinatanong sa isip niya.

"Buhay pa ba si Robert? Si Jalen? Si Jasmine? Si Kyle? Ang mga bagay na gusto namin mangyari, nangyayari na. Parang Left 4 Dead. Tumatakbo mga zombie. Buhay pa yata Si Kyle. Hindi naman mamamatay yung mga yun ng ganun kadali." 

Ang corridor ng kanilang school ay punong puno ng mga katawan na wala ng laman. Kinakain ng mga zombie ang mga katawan na nakahiga sa daan at ang mga bahay ay nasusunog habang may mga taong tumatakbo para sa kanilang buhay.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon