Nang makadating ang grupo nila Robert sa bahay na inabandona, tinignan ni Jason kung nakalock ang gate.
Jason : Hmp! wala.. naka lock.
Natakot ang mga babaeng kasama nila dahil papalapit na ang mga zombies na humahabol sa kanila. Tumingin si Steven sa taas ng pader at napansin niyang walang barbed wire.
Steven : Pwede tayo umakyat sa pader!
Robert : Tama. Kyle, Jason, buhatin niyo ako. Steven, Ulysses, Hiljohn, Yaan, Patayin niyo mga lalapit dito. Kayong mga babae, hantayin niyo ako. bubuksan ko ito mula sa loob.
Yaan : Robert! Kunin mo tong axe na nakuha ko sa tool shed sa school kanina. Baka kailanganin mo.
Robert : Salamat.
Sinampahan ni Robert ang mga palad ni Kyle at Jason at tsaka siya inangat.
Kyle : Abot mo?
Robert : Oo.
Jason : Bilis! Ang bigat mo Robert!
Ginamit ni Robert ang lakas ng mga braso niya upang mabuhat ang sarili niya at makasampa sa ibabaw ng pader. Nang mailagay niya ang kaniyang mga paa, napansin niya na malinis ang lugar. Walang mga gamit at walang mga basura. Para bang walang tumira dito. Hawak-hawak ang kaniyang axe, bumaba siya at nag-madaling sirain ang padlock ng gate. Nahirapan siyang sirain ito dahil nanghihina na siya.
Ulysses : Robert! Bilis!
Papalapit na ang mga zombies dahil sobrang dami na nila at hindi na kinakaya nila Ulysses. Patuloy parin si Robert sa pag wasak ng padlock at pagkatapos ng limang hampas, nasira na at nagmadali si Robert sa pag-bukas ng gate.
Robert : Bilis! Pasok!
Tumakbo ang mga kasama niya papasok ng gate. Habang tumatakbo, nahawakan ng isa sa mga zombie si Mariel. Nagulat siya at sumigaw. Malapit na siya nito kagatin.
Mariel : AAAAHHHHHH!!
Hiljohn : Mariel!
Hinila ni Hiljohn si Mariel at nakipag-sapilitan siya sa zombie. Papalapit na ang ibang zombies pero biglang bumaon ang axe ni Robert sa ulo ng zombie at pinatakbo sila Hiljohn. Tumakbo na rin si Robert at sinarado ang gate.
Robert : Hah..hah..hah.. Nakakahingal pala ganito. Wooh!
Mariel : S-salamat.
Robert : No Problemo!
Nagawa pa rin ni Robert makangiti pagkatapos ng lahat nang nangyari.
Steven : May nakita akong first aid kit sa loob ng kabinet oh.
Hiljohn : Bigay mo kay Mariel. Baka may kalmot siya.
Steven : Mariel oh.
Inabot ni Steven ang first aid kit kay Mariel. Nilinis niya ang galos na natamo niya noong sinugod sila ng halimaw sa school nila.
Kyle : Meron pa dito oh. Isa pa. Sinu pa may sugat?
Ulysses : Psst. May sugat ka?
Lea : Wala.
Ulysses: Bakit kanina ka pa tahimik?
Lea : Wala. Hindi ko gusto mag salita ngayon.
Tumabi si Ulysses kay Lea at inakbayan siya.
Kyle : Steve! diba nasapak ka kanina ng halimaw?
Steven : Wala. Gasgas lang pero wala ito. Si Robert. Sa kaniya mo ibigay.
Robert : Ah.. salamat.
Napansin nila Steven at Kyle na madaming sugat si Robert sa kaniyang mga braso.
BINABASA MO ANG
Impyerno sa Lupa
رعبWhat if one day, you're at your school and a zombie outbreak happened in a flash? Will you run? Or fight? Our main character, Robert, not only is the leader of the group and has to fight not only zombies.. But people too. Will they be able to withst...