Chapter 12 : Ang kakaibang mundo

200 1 0
                                    

Dec 13 20XX - 11:12 AM

Pumunta ang lima sa bahay ni Robert at ipinakita ni Sasha ang mga baril na gagamitin nila. Inilapag ni Sasha ang bag na may laman na mga baril at binuksan ang zipper. Ngumiti si Sasha at inilabas na ang lahat.

Sasha : Ito ang mga gagamitin niyo.

Ang lalaki ng mga mata ng mga kasama niya dahil namamangha sila sa mga sandata na dala ni Sasha

Steven : Ang dami.

Jason : ahhh.....

Robert : ASTIGGGGG!

Michelle : Sayo lahat ng yan?!

Sasha : Oo.

Michelle : ang galing.

Nilagyan ng bala at ikinasa na ni Sasha ang baril na gagamitin ni Jason.

Sasha : Para kay Jason, dalawang MP5 na smg.

Jason : Hehehehe. 

Sasha : Para kay Steven, ahehe..Isang malakas na Combat shotgun. Ang Franchi SPAS-12. Isang dual-mode na shotgun na pwede maging semi-automatic at pump-action shotgun. Ingatan mo yan. Isa yan sa mga nagustuhan kong gamitin dati.

Steven : Parang yung ginagamit ko sa Left 4 Dead! Astig!

Sasha : Mag-ingat ka nga lang. Malakas ang recoil niyan.

Steven : Oh sige.

Sasha : Para ka Michelle..Isang pistol. Ang HK VP70. Pistol lang muna. Since hindi ka pa naman sanay pumatay.

Michelle : Salamat.

Sasha : At kay Robert....dalawang Desert Eagle .44 Magnum with brushed chrome. Yan ang paboritong gamitin ng papa ko.

Robert : ASTIIIIIIIIIIIIIGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sasha : Buti naman at nagustuhan niyo.

Robert : Teka, Talagang ok lang ba na gamitin namin ito?

Sasha : Oo. Kesa naman sa ilagay ko lang sila sa isang tabi ng hindi nagagamit.

Robert : Hm..

Sasha : SIge na. Ok lang. Eto nga pala, mga extrang magazines. Kunin niyo.

Robert : Hindi niyo icoconsider na magpalit ng damit?

Jason : Ay, oo nga noh...

Steven : Tara Jason.. Ligo tayo.

Robert : Michelle..Maligo ka na rin dito. May mga damit doon na kasya sayo. Eto towel oh.

Lumabas ang lima na naka bihis at handa na sumabak sa laban. Hawak-hawak ang kanilang mga sandata, nagpaalam sila sa mga kasama nila. Nagulat ang mga kasama nila sa mga hawak nila. Nanlaki ang mga mata ni Kyle at nainggit dahil wala siyang hawak na baril.

Kyle : Oi! San kayo pupunta? Bakit wala akong ganyan?

Robert : Kyle, Bantayan mo muna sila hanggang sa makabalik kami. Mag titingin-tingin kami sa kabilang branch ng school.

Kyle : Sama ako!

Michelle : Hindi muna pwede.

Robert : Kyle, importante ka. Hindi ka pwede mawala.

Kyle : Ikaw din naman ah!

Robert : Ginagawa ko ito para malaman kung anong meron sa labas ng mga pader na ito.

Sasha : Kyle oh..

Hinagis ni Sasha ang isang pistol na hawak niya. Natuwa si Kyle nang makuha niya na ito.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon