Robert : Buhay pa pala kayo.. ahehe.. oh? may mga bata pa kayong kasama.
Tahimik na nakatingin kay Robert ang mga bata dahil sila ay natatakot sa kanya. Lumapit si Robert sa mga bata at kinausap sila na parang merong masamang intensyon si Robert sa kanila.
Robert : Mga bata, natatakot ba kayo?
Sumagot ang isa sa mga bata.
Bata : O-opo.
Robert : Oh? Buti pa siya nagsasalita. Ano naman pangalan mo bata?
Bata : Raven po.
Robert : Raven, kanino ka mas natatakot? Sa mga zombie? o... sa akin?
Raven : Sayo po.
Biglang tumalas ang mga mata ni Robert sabay tumayo siya. Tumingin siya sa gilid ng kuwarto at nakita niya si Christiane.
Robert : Oh? Yaan!
Christiane : !... Bakit?
Biglang nag bago ang atmosphere kay Robert at naging masiyahin ang kanyang itsura.
Robert : Ahehehe... Wala lang. Magagamit kita. Hehe.
Christiane : Alam ko. Alam ko.. Pinag-uusapan na natin ito dati pa. Actually, natutuwa din ako. Nangyari na rin yung gusto ko.
Robert : Alam mo na yaan ha. May malaking parte ka sa grupong ito. Researcher ka tungkol sa mga zombies.
Biglang sumingit ang di-kilalang Guro sa usapan nila yaan at Robert dahil parang tinuturing lang nilang lokohan ito.
Guro : Teka! Sino ka ba? Estudyante ka ba dito?
Bumalik ang matalas na mga ni Robert at nawala ang kanyang ngiti.
Guro : Tignan mo nga nangyayari sa paligid mo! Nagiging Impyerno na ang lugar at nakukuha mo pa rin ngumiti?! Dahil ako ang pinakamatanda dito.. Ako ang magiging lider ng grupong ito!
Biglang nanlaki ang mga mata ni Robert at sinapak sa muka ang Guro.
Robert : Manahimik ka.
Nagulat ang mga kasama nila sa loob dahil sa biglang kilos ni Robert at hindi sila makapag salita.
Guro : A-ah.. Sino ka ba sa tingin mo?! Tingin mo ba porket niligtas mo kami dito ay ikaw na ang pinuno dito?! AKO! Hindi ikaw! Hindi ka bayani!
Robert : Bayani? ahehe.. Anti-Hero. Wala akong intensyon gumawa ng mabuti. Papatay ako kung kinakailangan. At isa pa.. Kayong mga matatanda, wala kayong alam sa mga gagawin niyo. Ano bang nagawa mo? Karapat - dapat ka bang tawaging pinuno dito? Walang kinalaman sa edad ito.
Hindi mapigilan ng Guro ang kanyang luha.
Guro : K-kukunin ko ang mga bata.. Aalis kami dito!
Kinuha ng Guro ang mga bata at umalis sila. Dumiretso sila sa gate.
Steven : S-sandali.
Robert : Hayaan mo sila. Magiging pabigat lang sila sa atin.
Michelle : Pero kahit na! May mga bata pa rin!
Robert : Sa ugaling ganon, maaring masira ang grupo. At isa pa, pwede tayo mamatay dahil lang sa mga batang iyon.
Lea : Nasaan na ang pagiging tao mo, Robert?
Robert : Aheh..May kasama kang mga pabigat sa ganitong pangyayari? Nasaan na ang saya doon?
Lea : So Hinayaan mo sila para sa saya?! Hindi ka na tao!
Christiane : Actually, agree ako kay Robert sa isang ito.
(Lea,Michelle,Pat,Mae) : HAH?!
Pat : Pero bakit?
Umalis si Robert sa Kuwarto at nag hanap ng iba pang mga magagamit.
Christiane : Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko, ginagawa ito ni Robert para sa atin. Dahil sa mga pangyayari na ganito, wala kang mapagkakatiwalaan kundi yung mga nakasama mo na, na nagtitiwala din sayo. At si Robert, kung mapapansin niyo, inoobserbahan lang tayo bago pa ito mangyari lahat. Kinakausap niya lang yung mga taong pinagkakatiwalaan niya at dinededma niya yung mga plastik. At yung gurong iyon, nagsisimula nang mabaliw. Nawawala na siya sa kaniyang katinuan dahil sa mga nangyayari. Ginagamit niya lang yung mga bata bilang "Bait" niya sa mga zombies.
Michelle : So, sa tingin mo.. Hindi talaga masama ang balak ni Robert at tinatago niya lang ang pagiging mabait niya sa atin?
Christiane : Maybe.. Maaring mali ang mga ginagawa at desisyon niya pero ginagawa niya ito sa mga tamang dahilan.
Ulysses : Huh.. Isang baliw na gago nga.
Lea : .....
Kyle : Anong plano?
Biglang dumating si Robert at nagsalita.
Robert : Maghanap pa ng mga nakaligtas dito sa school at patayin ang bawat isang zombie na natitira. Kyle, Steven. Kayo na bahala sa pag patay sa kanila. At isama niyo na rin pala si Yaan. Jason at Ulysses, sama kayo sa akin at itayo natin yung gate. Ayusin lang natin Para hindi tayo mahalata dito sa loob. Kayong mga babae, Maghanap kayo ng mga magagamit at pagkain sa mga kuwarto na matatapos nila Steven at Kyle.
Habang ginagawa ng lahat ang trabaho nila, Sila Steven at Kyle ay pumunta sa kuwarto ni Sir Bob. Napansin nilang nakalock ang pinto, kaya naisip nilang baka may mga nakaligtas sa loob.
*knock* *Knock*
Kyle : Sino nandiyan? Kung sino man nandiyan, lumabas na kayo. Ligtas na dito sa labas. Si Kyle ito.
Biglang bumukas ang pinto Nakita nila Steven ang iba pang mga kaklase nila na sila Hiljohn. Nagulat sila Steven at Tumakbo kaagad kayo Robert.
Steven : Robert! Nakaligtas sila Hiljohn!
Naglabas ng maliit na ngiti si Robert at tumingin sa mga nakaligtas na isa-isang lumabas.
BINABASA MO ANG
Impyerno sa Lupa
HorrorWhat if one day, you're at your school and a zombie outbreak happened in a flash? Will you run? Or fight? Our main character, Robert, not only is the leader of the group and has to fight not only zombies.. But people too. Will they be able to withst...
