Chapter 14 : Pahinga muna

226 0 2
                                    

Huminto ang sasakyan ni Sasha sa harap ng gate ng subdivision at bumusina ng tatlong beses. Nagising si Kyle sa tulog niya at nagulat sa busina. Binuksan niya ang gate at pinapasok ang sasakyan. Dumeretso ang sasakyan sa clubhouse ng subdivision kung saan nandoon ang grupo nila. Narinig ni Hiljohn ang pagdating ng sasakyan at inalarma ang iba niyang kasama.

Hiljohn : Nanjan na sila!

Bumangon lahat ang kasama niya at hinantay ang paghinto ng sasakyan. Nang tumigil ito sa harap ng clubhouse, bumukas ang pinto at lumabas na sila. Si Sasha, Robert, Jason, Steven, Michelle, Danelle at David.

Robert : Yo!

Hiljohn : Anong nangyari?

Robert : May nakita kaming mga nakaligtas. Eto sila oh.. Si David at Danelle.

David : Hi.

Danelle : Hm..

Mae : Paano niyo sila nakita?

Robert : Mamaya na mga storya. Pahinga muna kami.

Sasha : Hayy.. Pahinga muna.

Jason : Ligo muna kami ni Steven at David sa pool.

Hiljohn : Hoy! Sama ako!

Pumunta ang tatlo sa swimming pool habang sila Sasha at Michelle ay nagpahinga. Sinamahan ni  Robert si Danelle sa bahay nila upang maligo at magpahinga.

Robert : Eto oh. Towel. Maligo ka na muna at tanggalin mo yung amoy ng dugo. Hahanda ko nalang mga damit mo sa Kuwarto sa taas.

Danelle : Salamat.

Robert : Aalis muna ako. May titignan pa.

Danelle : Sandali.

Robert : Hm?

Danelle : S-salamat. Sa pag ligtas sa akin.

Lumabas na si Robert ng bahay nila at pinuntahan ang girlfriend niyang si  Leanne. Nang makita niya siya ay napangiti si Robert at niyakap si Leanne. Natuwa si Leanne at nabalot ng ngiti ang kaniyang mukha.

Robert : Sabi ko sayo babalik ako.

Leanne : Nag-alala ako sayo. Anong nangyari?

Robert : Mamaya ko na ikkwento ang lahat. Pupuntahan ko lang si Yaan sa isa pang gate.

Leanne : Sama na ako sa iyo.

Robert : Tara.

Pumunta silang dalawa sa kabilang gate.

Robert : Yaan!

Tumingin si Christiane sa dalawa at nakitang ligtas na nakabalik ang grupo nila Robert.

Christiane : Anong nangyari sa inyo?

Robert : Mamaya ko na ikkwento ang lahat. Pwede ka na mag pahinga.

Christiane : Sige. Punta na ako sa kanila.

Lumakad si Christiane papaalis sa lugar. Si Robert ay nakitang nahihirapan na si Jerry kaya kinausap niya siiya.

Robert : Nahihirapan ka na?

Jerry : Nakabalik ka na pala. Hehe...

Robert : Mukhang nahihirapan ka na. Gusto mong tanggalin ko yan?

Leanne : Bhi! Wag!

Robert : Ayos lang yan.

Jerry : Pakiusap. Pakawalan mo na ako!

Robert : Sige. Pero... Kapag may ginawa kang makakapinsala sa grupo na ito, hindi ako magdadalawang isip na pugutan ka.

Jerry : Wala na akong iba pang choice. 

Tinanggal na ni Robert ang tali niya sa mga kamay at paa ni Jerry at tinapatan niya ito ng katana niya.

Robert : Dahan-dahan kang tumayo, at maglakad ka sa harap namin.

Jerry : Hehe.. Sigurista ka ah.

Naglakad na sila pabalik sa kanilang grupo at kinakabahan si Leanne sa kaniya. Habang si Robert ay tutok na tutok kay Jerry, kinausap niya ito.

Robert : Oi.. wag kang gagawa ng kahit anong masamang kilos.

Jerry : Sinabi mo na sa akin yan. At hindi rin ako makakagawa ng kahit anong kilos dahil doon sa kasama niyong isa. Ano nga ba pangalan niya? Sasha?

Robert : Sasha. Sisiguraduhin kong babantayan ka niya.

Jerry : Ano bang plano mo?

Robert : Mabuhay. Gawin ang kahit anong paraan para makaligtas dito.

Jerry : At pano mo naman yon gagawin?

Robert : Pumunta sa Safe Zone.

Jerry : Safe Zone?

Robert : Oo. NakaQuarantine ang buong are natin ng 9 mile radius. Ibig-sabihin, buhay pa ang buong bansa.

Jerry : At sa tingin mo nandoon ang mga magulang mo?

Robert : Hindi. Gusto ko lang dalahin itong mga taong toh sa ligtas na lugar.

Jerry : Hehehe..

Nang makapunta na sila sa grupo, agad na kinausap ni Robert si Sasha at si Jerry ay nag hanap ng lugar para makaupo.

Sasha : Robert.. Sigurado ka sa ginagawa mo?

Robert : Hindi makatao ang itali nalang siya at iwanan. Mas lalo na sa nangyayari ngayon. Kaya nga, babantayan natin siya eh.

Sasha : Hay.. Sige. Choice mo yan.

Lumubog na ang araw at dumilim na ang langit. Ang ilaw ng buwan ay kitang kita at maraming bituin sa langit. Bumukas ang mga poste ng ilaw at magkasama ang buong grupo sa isang bubong at kinikuwento nila Jason ang nangyari sa kanila.

Jason : Eto kami oh, nakita namin si Danelle, mag-isa lang sa kuwarto tapos maraming bangkay sa paligid. Noong kinalabit ko siya, muntikan niya na ako masaksak ng kutsilyo. Buti.. naharangan ni Robert. Pero, yun nga lang, nasipa niya si Robert tapos ako bumagsak.

Mariel : Teka.. Natalo kayo? Sa Isang babae?

Pinagtawanan silang dalawa ng buong grupo.

Robert : Oi, oi.. Hindi ganon kadali yun noh.

Leanne : Haha. Bhi, Natalo ka?

Robert : Hmp.

Tumatawa din si Danelle dahil sa nangyari sa kanila at tinignan siya ng buong grupo.

Danelle : Bakit?

Sasha : W-wala lang. Ngayon ka lang namin nakitang tumawa.

Kinilig ang buong grupo at nagtawanan sila. Masaya sila ng gabing iyon. Nagpahinga na ang iba sa mga bahay na wala nang tao at ang iba ay nag kkwentuhan pa.

Sasha : Robert, diba dapat may nagbabantay?

Robert : Hm? Oo. Pero.. wag na.

Sasha : Bakit?

Robert : Pagod ang lahat. Kailangan natin magpahinga. Matulog ka na rin. Matutulog na ako sa kuwarto ko. Kung gusto mo matulog ka sa kuwarto ng magulang ko. Mas komportable kasi ako sa kuwarto ko eh.

Sasha : Ah-eh..Uhm.. Wag na. Doon nalang ako sa sala incase na may mangyari.

Robert : Hm.. Humble ka pa. Tabi kami ni Leanne matutulog eh. Sige na. You deserve it.

Sasha : O-osige...

Natapos ang gabi sa mahimbing na tulog ng lahat.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon