Chapter name : New comer
Naglalakad ang sila Robert, Sasha, Jason at Christiane sa dilim. Tinatamaan na sila ng gutom at uhaw at kailangan na nilang
magpahinga. Napansin ni Jason na Dumadami yung mga bahay na nadadaanan nila at nag desisyong pumasok sa isa sa mga bahay at
doon magpahinga.
Christiane : Kung hindi ako nag-kakamali, may kuryente tayo doon sa subdivision niyo diba Robert?
Robert : Oo. Pero baka Generator lang yun.
Christiane : Hindi nag-tatagal ng limang araw ang isang generator. Ibig-sabihin, gamit natin ang kuryente ng electric company.
Sasha : Which means?
Christiane : May kuryente pa sa mga bahay na ito. At baka may tumatakbong tubig din.
Jason : Gusto ko pag-iisip mo Yaan.
Sasha : Tignan niyo.
May nakita ang grupo na isang bahay na may ilaw na nakabukas. Pumunta sila dito at naghanda sila papunta sa pinto. Dahan-dahang
binuksan ni Sasha ang gate at lumapit sila sa pintuan. Binuksan ni Sasha ang pinto at tahimik silang pumasok. Alarma kung may
mangyayari. Nagsignal si Sasha sa tatlo na libutin ang unang palapag ng bahay. Wala naman silang nakita. Ang hindi nalang nila
nalilibot ay ang pangalawang palapag. Tahimik silang umakyat ng hagdan at dahan-dahang binuksan ang unang pinto. Wala silang nahanap.
Tumuloy sila sa pangalawang pinto at sumilip si Sasha. May nakita siyang anino at bigla siyang lumabas sa kinatataguan niya.
Biglang sumigaw sa gulat ang lalakeng nakaupo at umiinom ng kape.
Lalake : UWA!
Sasha : taas mo mga kamay mo.
Lalake : Jeez! Anong klaseng mundo na ba 'to? Wala nang mga taong nakatok.
Sasha : Taas mo mga kamay mo.
Lalake : Hindi mangyayari yan honey.
Inilabas ng Lalake ang kaniyang pistol at itinutok kay Sasha. Biglang nagpakita ang tatlong lalake sa likod ni Sasha at itinutok
ang kanilang mga sandata sa lalake.
Lalake : Oookay.. Itataas ang mga kamay.
Sasha : Talikod.
Lalake : Ano? Gusto mo makita likod ko kesa sa kagwapuhan ko?
Sasha : Itali niyo siya.
Lalake : What the F-
Nakatali na ang lalake sa upuan at nagrereklamo sa ginagawa nila Sasha sa kaniya.
Lalake : Nice. Hindi ko pa nauubos kape ko. Alam niyo namimiss ko yung mga araw na uso pa yung hindi nanggugulo sa gabi ng isang
nanahimik na lalake.
Sasha : Shhh!
Christiane : Meron ka bang internet connection dito?
Lalake : Oo naman. Bakit? Gusto mo tignan facebook mo at makita ulit yung mga mukha ng mga patay mong friends?
Sasha : Sabi kong tumahimik ka.
Lalake : Nice. Ako nga pala si Mark at hindi ko alam mga pangalan niyo kaya tatawag ko nalang sa inyo ay mga holdaper.
Jason : Ang ingay nitong lalakeng 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/3369987-288-k182887.jpg)
BINABASA MO ANG
Impyerno sa Lupa
HorrorWhat if one day, you're at your school and a zombie outbreak happened in a flash? Will you run? Or fight? Our main character, Robert, not only is the leader of the group and has to fight not only zombies.. But people too. Will they be able to withst...