Chapter 18 : Paalam

179 2 5
                                    

Nakabalik na sila Robert sa Loob ng subdivision na tinirahan nila. Lumabas sila ng kabadong kabado at buhat-buhat ni Jason at Robert si Kyle. Nagmamadali silang pumunta sa loob ng bahay nila Robert at Hiniga si Kyle sa isang kama. Nagulat ang mga kasama nila dahil nagtataka sila kung anong nangyari.

Hiljohn : Anong nangyare?

Steven : Nakagat si Kyle.

Hiljohn : Hah?!

Mariel : Bakit? Anong nangyari?

Hiljohn : Nakagat si Kyle!

Nagulat ang mga kasama nila at tinakpan ang kanilang bibig. Nanlaki ang kanilang mga mata at kinabahan.

Mae : P-paano nangyari?

Sasha : Mahabang storya. Tulungan niyo muna kami ilabas yung mga nakuha namin sa labas.

Hiljohn : Yaan.. Ibig-sabihin ba nun..

Christiane : Wag mo nang sabihin pa. Alam mo na rin naman kung anong mangyayari.

Habang sa loob ng bahay, sila Robert, Jason, Kyle at Leanne ang magkakasama. Nanginginig ang mga kamay ni Robert at si Jason ay hindi makapag-salita. Si Leanne ay nagaalala habang pinapanood sila.

Robert : K-k-kyle.. Wag k-ka mag alala hah?

Kyle : Hehehe.. B-bakit parang ikaw pa ang natatakot?

Biglang tumulo ang luha ni Robert para kay Kyle.

Kyle : Alam naman natin kung anong mangyayari diba? Magiging zombie ako.

Hindi na mapigilan ni Jason ang luha niya at umiyak narin siya ng patahimik.

Robert : Leanne.. Alis ka muna. Hayaan mo muna kaming tatlo.

Leanne : Mm.

Sinarado na ni Leanne ang pinto at tumutulo parin ang luha ng dalawa. Si Kyle ay nakangiti pero nagsisimula na siyang mamutla.

Kyle : Kung magiging zombie man ako, gusto kong gawin natin ay mag-saya muna.

Robert : P-pero... A-....AYAW KA NAMIN MAWALA!

Jason : Robert..

Kyle : Ti-tigilan mo na nga yan.. Hindi bagay sayo. Alam niyo narin naman mangyayari diba?

Mas lalong umiyak sila Jason at Robert. Alam nila kung anong mangyayari kay Kyle at mas lalo silang nalunkot sa isip na ito.  Habang sa labas, inaayos nila Sasha ang mga gamit na nakuha nila habang tinatambak naman ng iba ang mga plastik ng pagkain.

Jerry : Para saan itong mga ito?

Sasha : Gagawa ako ng bomba.

Jerry : ?!

Sasha : Bakit?

Jerry : Alam mo kung pano?!

Sasha : Oo. Naisipan kong gumawa nito noong kumakalaban tayo ng mga zombie.

Jerry : Hindi pa ba sapat yung mga baril?

Sasha : Hindi.

Natulala si Jerry kay Sasha at ginawa nalang ang trabaho niya. Lumabas si Leanne ng bahay nila Robert at pumunta sa grupo. Nakitulong siya sa mga gawain ng may malunkot na mukha.

Mae : Bakit Leanne?

Leanne : Wala. Yung tatlong lalake lang na yun.

Mariel : Mahirap tanggapin yung nangyare kay Kyle para kila Jason.

Leanne : Hm. Nagaalala na ako.

Jhen : Mag bestfriends yung tatlong iyon simula pa noong third year kami. Mahirap nga siguro.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon