Chapter 6 : Alaga ni Satanas

246 3 1
                                    

Robert : I-imposible.

Nagwala ang halimaw na dating ang maintenance man nila Robert sa school. Nakita nito si jake at tumakbo papunta sa kanya. Hinabol nito si Jake at at pilit nitong gusto patayin siya.

Jake : TULONG!

Tumatakbo si Jake sa takot dahil alam niya na kapag nahuli nito si jake ay katapusan niya na. Si Robert ay nakaisip ng plano at tumakbo sa likod gilid ng kanilang school kung saan nandoon ang inakyatan niyang puno.

Robert : Shit! Bakit ngayon pa! Ano ba ito?! Naging totoong buhay ang Left 4 Dead?!

Nang makaakyat si Robert, nakita niya ang si jake ay wala nang malay ay at wasak na ang kaniyang ulo pero pinagsusuntok pa rin ng halimaw ang bangkay ni jake. Biglang nagalit si Robert at tumalon sa bubong para ibagsak ang espada nito sa ulo ng halimaw.

Robert : HYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!

Nang naisaksak na ni Robert ang espada sa ulo ng halimaw, madaming dugo ang lumabas at natalsikan si Robert. Pero.. Nakatayo parin ang halimaw at meron pa itong malay. Ang ginagawa ni Robert ay parang wala lang.

Robert : HAH?!

Ginamit ng halimaw ang kanan nitong kamay upang dakipin si Robert at itapon siya sa kaniyang mga kaibigan. Tila parang wala lang ang ginawa ni Robert at inalis nito ang espada sa ulo niya. Nahirapan makatayo si Robert habang ang ibang mga kaklase niya ay nakatingin lang, hindi makapaniwala sa nangyayari.

Robert : Anong ginagawa niyo?! Kyle?! Steve?! Jason?! Ulysses?!

Naalimpungatan ang mga kasama ni Robert at naghanap ng paraan upang mapatay ang halimaw. Tumakbo si Yaan na may dala-dalang bote ng gasolina.

Yaan : Robert!

Lumingon si Robert kay Yaan at nakita ang hawak niya.

Robert : Ibigay mo kay steve!

Steve : Bakit?!

Robert : Ayaw kong ngayon ka pa aarte. Ibuhos mo itong gasolina sa halimaw.

Steve : Anong gagawin mo?

Robert : Hindi ba obvious?!

Gamit ang lakas ng halimaw, kinuha nito ang isa sa mga bakal na poste upang gamitin bilang sandata. Ang poste na ito ay nakadikit sa bubong. Nang nakuha ng halimaw ang poste, Gumiba ang kalahati ng bubong ng corridor at nawasak ang mga silid aralan.

Nang papalapit na si steve, Binato ng halimaw ang bakal na poste sa kanila. Muntikan nang matamaan si Steve at ang iba pa sa likod niya. Pero tumama ito sa gate na nawasak at tuluyan na itong nasira. Nakita ng mga zombie sa labas ang nangyayare sa loob at naglakad sila papunta doon.

Kyle : Steve! Ibato mo na!

Ulysses : Shit.

Steve : Eto na!

Tumama ang babasaging bote sa ulo ng halimaw at Kumalat ang gasolina sa katawan niya at sa paligid.

Steve : Lighter!

Jason : Shit. Lighter. Sino may lighter?! 

Napansin ni Robert na ang nasa gilid niya ay katawan ng kanilang guwardiya na naninigarilyo. Kinapa niya ang mga bulsa nito ay may nakita siyang lighter. Patuloy pa rin sumusugod ang halimaw at nagwawala pa sa buong paligid.

Robert : Lighter.. Ahehehe.

Sinindihan ni Robert ang Halimaw at Hinantay niya makalapit ito. Pinatulis niya ang kanyang mga mata at naghanda.

Ulysses : Ibato mo na!

Robert : Wait...

Steve : Ibato mo na!

Robert : Wait...

Michelle : Ngayon na!

Robert : Wait lang kayo...

Kyle : Bato!

Biglang bumagal ang paligid at ipinikit ni Robert ang kaniyang mga mata. Halos anim na hakbang nalang ay masasapak na si Robert ng halimaw.

Robert : Ngayon na.

Ibinato ni Robert ang Lighter at Lumiyab agad ang apoy sa katawan kalimaw. Sumigaw ito at pinilit patayin ang apoy. Hindi napansin ng mga nasalikod na nakapasok na ang mga zombie at nadakip ng isang zombie si Camille. Nakagat siya sa batok at hindi nag tagal, nilamon na siya ng marami. Sumigaw si Camille ng malakas pero huli na ang lahat para maisalba siya. 

Ulysses : Bilis takbo sa gilid ng School!

Yaan : May gate pa sa gilid ng school, pwede tayong makalabas doon!

Jason : Tama. Paunahin niyo mga babae!

Michelle : Lea, Ivy! Bilis!

Mae : Jhen! Anong ginagawa mo?!

Jhen : Ayaw ko. Ayaw ko. Ayaw ko nang mabuhay!

Biglang may malaking kamao ang sumampal sa kaniyang muka.

*PAK*

Robert : Nababaliw ka na ba?! Mae, mauna ka na!

Mae : Mm!

Si Jhen ay nabigla sa ginawa ni Robert at tumingin siya sa kaniya ng nanlalaki ang mga mata.

Robert : Hindi ka pa sure na patay na ang Mama mo! Pero nakita mo naman kung anong pinagdaanan ko para iligtas mga buhay niyo kanina diba?! Tumayo ka na! Wala akong pake kung ayaw mo na mabuhay!

Hindi makapagsalita si Jhen at tinayo niya na ang sarili niya. Nasa gate na sila Ulysses at tumatakbo sila habang hawak ni Robert ang kamay ni Jhen.

Jhen<isip> : T-tama siya.. Baka nga buhay pa si mama. Hindi pa ako pwedeng mamatay!

Hinabol sila ng mga zombies hanggang sa gilid ng school. Naghihingalo na sila Robert.

Kyle : Bilis!

Nakaabot na sila Jhen at isinara nila ang gate. Nakita nila na may naglalakad ng mga zombie sa kanila pero wala nang sandata si Robert. Nagliyab ang apoy sa buong school at nasunog ang mga silid aralan.

Kyle : Kami na bahala sa mga zombie!

Robert : Michelle, Malapit lang bahay mo dito. May alam ka bang bahay na matutuluyan natin?

Michelle : Hmmm.. Oo. Abandona na siya at maliit lang gate. Tapos puro pader lang. Wala kang makikitang bintana.

Robert : Sige. Tara na!

Tumakbo ang grupo pero ang nasa isip parin ni Robert ay kung papaano niya maililigtas ang girlfriend niya na stranded sa kaniyang kuwarto.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon