Chapter 23 : Rescue

112 1 0
                                    

Chapter name : Rescue

Ang grupo ay tahimik at hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi makapagsalita ang iba dahil hindi parin nila matanggal sa isip nila 

ang ginawa sa kanila. Si Mae ay nakatingin kay Robert habang nakaupo si Robert sa ilalim ng puno at pati rin sila Danelle at Jason 

ay nakatingin sa kaniya. Sila Sasha, Michelle, Jhen at Mariel ay ginagamot ang mga sugat na natamo ng iba nilang kasama at habang 

binabantayan ni Jerry ang paligid. Tinignan ni Sasha si Robert at napansin na may malaking hati sa bawat braso sa kaniyang mga braso. Lumapit 

siya kay Robert upang gamutin ang mga sugat.

Sasha : Oh, akin na muna mga braso mo. Gamutin ko lang. San mo ba nakuha tong mga sugat na 'to?

Robert : Nung pinilit kong sirain yung mga posas.

Nagulat si Sasha at hindi makapaniwala sa sinabi ni Robert. Hindi lubos maisip na masisira ni Robert ang mga kadena ng posas gamit lang 

ang kaniyang lakas at desperasyon mailigtas ang kaniyang mga kasama.

Sasha : Alam mo, kailangan mong magpahinga. Napapansin ko mukang wala kang pahinga eh.

Robert : Sasha, sa tingin mo ba... ako ang may kasalanan ng pagkamatay nila?

Sasha : Hm?

Robert : Hindi ko matanggal sa isip ko na.. ako ang dahilan kung bakit sila namatay.

Sasha : Wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi mo alam na mangyayari ang ganoon. Wag mong parusahan sarili mo.

Robert : Kahit na. Dahil sa mga nangyari, parang... merong boses sa loob ng isipan ko na nagsasabi sakin ng mga gagawin ko.

Sasha : Anong ibig mong sabihin?

Robert : Yung nangyari kagabi. Nung hinila ng leader si Danelle, bigla nalang namula buong paningin ko. At may narinig ako sa isip ko,

'Pumatay ka.' Hindi ko alam kung bakit nangyari yun pero dahil dun, napatay ko lahat ng mga pulis na 'yon. Sa tingin ko hindi ko 

kakayanin kung may mamamatay sa inyo.

Sasha : Wag ka mag-alala. Wala sa atin ang mamamatay. Dapat nga pasalamatan mo yung nagtulak sayong gawin yun eh. Kung hindi dahil doon..

Robert : Parang nawawala na ako sa aking katinuan.

Sasha : Makakaligtas din tayo sa mga 'toh. Kailangan mo lang mag-pursigi.

Robert : Baka nga tama ka.

Tumayo na si Sasha at naglakad upang ipag-patuloy ang ginagawa nila. Pero meron bumabagabag sa kaniyang isip.

Sasha<isip> : Isang boses na nagsabi sa kaniya para gawin yung ginawa niya kagabi? Kailangan ko siyang bantayan.

Habang ginagamot ang mga kasama niya, nagawa parin ni David ngumiti. Kahit puro pasa na ang kaniyang katawan, hindi parin nawawala 

ang masigla niyang pag-uugali.

David : Grabe ah, para tayong na-hazing ah. Hahaha.

Steven : Tibay mo. Nakakatawa ka parin kahit ganyan ka na?

David : Oo naman. Mawawala din naman 'to eh.

Pinitik ni Jerry ang isa sa mga pasa ni David at napasigaw siya sa sakit.

David : AW! F-f-f-fuuuuuudge. Bakit mo ginawa yon?!

Jerry : Akala ko ba kahit ganyan ka nakakangiti ka?

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon