Chapter 11 : Pag-asa

191 1 0
                                    

Dec 13 20XX - 10:12 AM

Habang naglilibot ang grupo nila Michelle sa subdivision na pinasok nila, tahimik silang naglalakad. Tatlo silang magkakasama at sa grupo ni Jason ay apat. Si Michelle, Kyle at Hiljohn. Naisipan ni Michelle na pumasok sa mga bahay at magbakasakaling may makita silang magagamit.

Michelle : Pasok tayo sa bawat bahay.

Kyle : Tara.

Hiljohn : Tara. Hindi naman matataas yung mga gate ng bahay eh.

Umakyat silang tatlo at lumapit sa pinto. Napansin ni Michelle na nakalock ang pinto kaya inutusan niya si Kyle na basagin yng bintana sa gilid.

Michelle : Kyle. Tutal may bato sa gilid, basagin mo nga yung bintana.

Kyle : Ito?

Michelle : Oo.

Pinulot ni Kyle ang bato at ibinato niya sa bintana. Gumawa ng malakas na tunog ang pagkabasag ng bintana at narinig ito ni Sasha habang tinatalian niya ang security guard.

Sasha : Hm?

Tumingin si Sasha sa labas at binaliwala nalang ang kaniyang narinig. Pumasok ulit siya sa guardhouse at tinali naman ang paa ng guard.

Ang grupo naman nila jason ay nasa kabilang parte ng subdivision. Pumunta sila sa kabilang gate at nakitang ito ay nakalock.

Jason : Nakalock din.

Mae : Andaming zombie sa labas

Steven : Hindi kaagad masisira yung gate.

Nakita sila ng isang zombie na naglalakad-lakad sa labas ng gate. Lumapit ito at naginga sa paligid.

Zombie : Grahhh!

Narinig ito ng ibang zombies at lumapit din sa gate. Ipinasok ng zombie ang kamay nito sa butas ng gate.

Jason : Tara na..

Mariel : Hindi ba natin papatayin yan?

Jason : Wag na. Sayang lang pagod natin. Doon na tayo sa may clubhouse.

Sumunod ang grupo kay Jason. Si Robert ay pumunta sa bahay niya kasama si Leanne. Napansin niya na pati ang aso nila ay wala din. Sumigaw si Robert sa mama niya na umaasa na may sasagot sa kaniya.

Robert : Ma?! Mama!

Tahimik ang bahay at walang sumasagot. Pumasok sa loob si Robert at nakitang nandoon lahat ang gamit nila. Umakyat siya sa kuwarto niya at nandoon din lahat ang gamit. Pumunta sa kuwarto ng magulang niya si Robert at binuksan ang kabinet. Walang natirang damit. Lahat ng damit sa damitan ng kaniyang magulang ay nasimot. Nalilito si Robert kung bakit ganon. Binuksan niya ang TV at nakitang ang mga major TV channels ay gumagana pa. Biglang nagkaroon ng breaking news.

Reporter : Nandito po kami sa barrier kung saan sinasabing ang virus daw ay kumalat. Ang barrier na ito ay binabantayan ng mga sundalo upang walang makatakas. Nakikita niyo nga po, ang iba pa ay nakahazmat suit. Ito po si General Lucas Javier. General, ano po ang sitwasyon sa loob ng barrier?

General : Kakaiba. Hindi na mga tao ang nandoon. Parang..parang mga zombie sa nag mula sa isang palabas. So far.. I have given orders na kill on sight. Kapag may nakita kaagad na isa sa mga halimaw sa loob, papatayin kaagad for more protection.

Reporter : Aware po ba kayo na meron pang survivor sa loob?

General : Yes. Meron. May isa pa nga na dumating sa may barrier eh. Nagpakilala siya at sinabi niya kung anong nangyayari sa loob. So far.. Hindi pa ako wala pa kaming ibang impormasyon. Basta ang alam namin, ay hindi tao ang mga iyon at we have given orders na kill on sight. Meron din kaming Aerial support at ito ay makakatulong na makahanap ng survivors.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon