Chapter 10 : Permanent Residence

185 0 0
                                    

Nang makaabot na ang sasakyan nila Robert sa subdivision na tinitirahan niya, napansin nila na may Padlock sa malaking gate. Nakita nila Kyle na malapit na ang zombie sa likod nila. Kailangan nila mag-isip nang mabilis.

Kyle : Oi! Malapit na yung mga zombies dito oh!

Hiljohn : Bert? Ano nang gagawin?

Yaan : Robert... Merong simentong pader sa gilid na walang electric wire. Ayun oh!

Tinuro ni Yaan ang nakita niya sa gilid ng gate. Nakita nila Robert at naisip niya na ang plano.

Robert : Steve!

Steven : Oh?

Robert : Tutal, pang atleta naman ang katawan mo, umakyat ka doon at sirain mo yun Padlock.

Steven : Akin na yung Axe..

Lumabas na si Steven sa kotse at tumakbo sa may pader. 

Robert : Labas tayo. Patayin natin yung mga zombies na lalapit dito. Wag na tayo lalayo. Kayong mga babae, dito lang kayo okay?

Michelle : Sige.

Lumabas na sila Robert, Hiljohn, Kyle, Yaan at Jason sa sasakyan. Dadala nila ay hindi baril, kundi mga matutulis na bagay. Si Robert ay dala ang kaniyang Katana habang sila Jason at Kyle ay may dalang itak. Si Hiljohn ay merong metal pipe at si Christiane ay may kahoy na maraming pako.

Robert : Humilera lang kayo. Wag kayong lalayo. Patayin ang lalapit. 

Kyle : Bakit hindi tayo magbabaril?

Yaan : Mas maraming tunog, mas maraming lalapit.

Jason : Tama.

Hiljohn : Ready na ba?

Jason : Oh.

Nang makababa na si Steven sa pader, tinignan niya ang paligid niya kung may zombies. Nang sigurado na siyang wala, tumuloy na siya sa gagawin niya. Nang sisirain niya na ang padlock bigla siyang nahinto sa isang boses.

Lalake : ITIGIL MO YAN!

Steven : Huh?!

Ang security guard ng subdivision. May hawak na baril at nakatutok kay Steven.

Security Guard : Wag mong gagawin yan. Babarilin kita.

Lumabas ang Guard sa Guard house at nagpakita kay Steven. Nanginginig ang kamay at pawis na pawis, ikinasa niya ang baril at tinutok niya kay Steven.

Security Guard : Ibaba mo yan at itaas mo kamay mo.

Steven<isip> : Shit!.. may hawak siyang baril. at walang magagawa sila Robert. Hindi ako pwedeng sumigaw dahil kapag sumigaw ako, siguradong patay ako.

Inilapag ni Steven ang Axe sa lupa at itinaas ang kaniyang kamay. Nakita ni Sasha ang sitwasyon ni Steven mula sa loob ng kotse at agad nag-isip ng gagawin.

Sasha : Sino sa inyo marunong mag drive?

Michelle : Bakit?

Sasha : Tignan niyo sitwasyon ni Steven.

Tumingin sa bintana ang mga babae at nakita ni si Steven na nakahostage. Nag tanong ulit si Sasha sa kanila.

Sasha : Sino sa inyo marunong mag drive?!

Mae : A-ako!

Sasha : Good. Kapag nabuksan na yung gate, ipasok mo agad. Ok?

Mae : Sige!

Lumabas na ng sasakyan si Sasha at pumalit si Mae sa puwesto niya. Habang nangyayari ang lahat ng iyon, nagtataka sila Kyle kung bakit ang tagal ni Steven.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon