Chapter 8 : Anghel na hulog ng Langit

220 1 0
                                    

Sasha : Magpahinga na muna kayo. May pagkain jan at tubig. tapos meron din mga malinis na damit. Maligo na din kayo.

Leanne : Mm. Salamat.

Robert : So, Antonov huh? Russian ka?

Sasha : Half. Nanay ko filipina.

Robert : Ah... cool.

Kumain sila at naligo pagkatapos. Habang nagpapahinga, nakatulog si Leanne sa kama. si Sasha ay  nagbabantay sa bintana habang may hawak ng Sniper Rifle. Habang nakaupo si Robert sa tabi ni Leanne, napansin niya na malalim ang iniisip ni Sasha. Lumapit siya upang pasalamatan siya ulit.

Robert : Uhm.. Sasha, salamat nga pala ulit sa pag ligtas mo sa amin. Kung hindi dahil sayo, patay na kami.

Sasha : Walang anuman. Ginawa ko lang yung makataong bagay dahil wala nang tao dito dahil sa mga halimaw.

Robert : Hm..Saan mo nakuha yang baril mo? Parang marunong ka gumamit niyan ah.

Sasha : Tinuruan ako ng papa ko. Russian Soldier siya na namatay sa isang mission.

Robert : Sorry to hear.

Sasha : Madami pang tinuro sakin si papa. Tinuruan niya ako ng Jeet Kune Do, Muay Thai, TaeKwonDo, Jiu-Jitsu at Tiger-Style Kung fu.

Nagulat si Robert sa dami ng alam ni Sasha na martial arts.

Robert : Heh?!

Sasha : Shhh! Wag kang maingay, baka marinig ka ng mga zombie o magising si Leanne.

Robert : Sorry. Pano mo nalaman lahat yun sa edad mong yan? Ilang taon ka na ba?

Sasha : 15

Robert : Bakit ngayon lang kita nakikita? Lagi naman akong nadaan sa street na toh.

Sasha : Nakikita kita. Hindi lang ako nalabas dahil inaalagaan ko si Mama.

Robert : Nasan na Mama mo?

Biglang naging malunkot ang muka ni Sasha dahil sa tinanong ni Robert.

Robert : S-sorry.

Sasha : Ayos lang. So.. Mukang madami kayong pinag-daanan bago pa kayo naabot dito ah.

Robert : Pumunta lang ako dito para iligtas si Leanne. Meron akong grupo na nakatago sa isang abandonang bahay na mataas ang pader.

Sasha : Mukang ikaw ang leader nila ah. Kayo ba ni Leanne?

Robert : Oo. Bago pa mangyari ang lahat ng toh, nasa school ako. Tapos pinatay namin lahat ang nandun na zombie. Pero.. Merong zombie na kakaiba. Halimaw siya. Maintenance man namin siya pero ang laki ng katawan. Kahit saksakin sa ulo, hindi namamatay. Buti nalang may gasolina sa school. Kaya sinunong namin. Nasunog din buong school .

Sasha : Halimaw? Grabe. Ang alam ko, bago mangyari ang lahat ng ito, may meteor shower noong madaling araw. Tapos nun, nangyari na ito.

Robert : Baka yun ang dahilan.

Sasha : Magpahinga ka na. Ako na bahala dito.

Robert : Salamat. Salamat ulet sa kabaitan mo.

Nginitian ni Sasha si Robert at tumingin sa labas. Ang kabilugan ng buwan ay nasa tuktok na ng langit. Si Robert ay natulog na.

Sasha<isip> : Halimaw huh..Mukang mas malala pa pala ito sa inaakala ko. Maaring.. Ang meteor shower nga ang dahilan. Walang kasiguraduhan kung makakaligtas pa kami dito. Pero, Kung malalaki nga ang pader ng bahay na iyon, ligtas kami doon. Dapat pumunta kami doon.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon