Chapter 16 : Alarma

151 0 0
                                    

Christiane <isip> : Parang merong mali. Usually, sa ganitong pangyayari, marami dapat tao dito na nagtatago sa lugar na ito. Pero.. wala. Yung mga CCTV camera.. Kailangan ko silang bigyan ng babala.

Christiane : Hindi ba kayo nagtataka?

Robert : Bakit?

Christiane : Hindi ba kayo nanonood ng mga zombie movie? Dapat sa ganitong klase ng lugar, may mga taong nagtatago.

Robert : Tama nga siya. Sabi ko na nga rin ba may mali.

Steven : Wala naman eh. Puro zombie lang ang nakita natin.

Christiane : Exactly. Yung mga zombie na iyon ay nakapasok lang dito kaya nakita nating bukas ang pintuan sa grocery store na ito kanina. Maaring may tao pa sa loob nito. Tignan niyo yung mga CCTV. Sinusundan tayo tuwing aalis sa isang puwesto. Hindi tayo nag-iisa.

Lalake : Wag kayong gagalaw.

(Lahat) : Hmp?!

Tatlong armadong lalake na mukhang nasa edad ng 36 ang tumapat ng baril sa kanila.

Lalake : Itaas niyo mga kamay niyo, at bitawan yang mga armas niyo.

 Christiane<isip> : Sabi ko na nga ba. Merong mga tao dito at yung mga zombie na pinatay namin ang tanging bagay na naghihiwalay samin sa inyo. At ngayong wala na ang mga zombie, may lakas ng loob na kayong magpakita at ganito ang gagawin ninyo? Basura. Anong nasa isip mo ngayon..Robert?

Lalake : Ahehehe.. Anong meron dito? Kukunin niyo ba mga pagkain namin?

Lalake 2 : Hehehehe..May kasama silang babae. Excited na ako.

Danelle : Grr..

Lalake 2 : Ooohhh.. Nagagalit siya. Hahahaha.

Lalake 3 : Isang grupo ng mga bata?

Robert<isip> : Bwiset. Kailangan ko mag-isip ng gagawin. Kung papatakasin ko mga kasama ko dala-dala itong mga plastik ng pagkain, mahihirapan sila.

David : Sino ba kayo?!

Lalake : Hindi na namin kailangan ipakilala ang sarili namin. Ibigay niyo nalang yang mga armas at plastik at papakawalan namin kayo.

David : In your dreams!

Lalake : Anong sabi mo?!

Lalake 3 : Tama na. Ibigay niyo nalang ang pagkain.

Robert<isip> : Hindi namin pwedeng ibigay itong mga toh. Damn it!

Lalake 2 : Hi ate...Hehehe.

Sinipa ni Danelle sa ari ang lalake at tinuhod sa mukha. Natumba ang lalake at agad bumangon. Kumuha siya ng baril at itinapat niya kay Danelle.

Lalake 2 : Bruha ka! Masakit yun ah!

Danelle : Tsk.

Robert : Wag mong itutuloy!

Steven : Tama na. Wag na tayong ganito!

Christiane : Oi! Subukan mong ituloy, aalarma ito.

Nilagay ni Christiane malapit sa anti-theft sensor ang isang plastik ng mga pagkain upang takutin ang tatlong lalake.

Lalake 1 : Wag!

Lalake 3 : Hm!

Robert : Yaan!

Christiane : Wala na tayong ibang choice. Kapag nilagay ko ito, tatakbo tayo.

Lalake 2 : Wag mong gagawin! Papatayin ko itong babaeng ito!

Biglang naputol ang kamay na nakatapat kay Danelle. Umikot-ikot ito sa ere at tumatalsik ang mga dugo habang ito ay naikot. Hinati ni Robert ang kamay ng lalake at agad hinila si Danelle. Tumakbo na sila papalabas. Binato ni Yaan papalabas ang plastik at biglang nag alarma ang shop. Gumawa ito ng malakas na tunog at nagkaroon kaagad ng maraming zombie. Nakulong ang mga lalake sa loob ng shop at at lima ay tumakbo sa isang alley. May nakitang hagdanan si Jason at umakyat sila doon bago pa sila mahuli ng mga zombie. 

Jason : Dito! dali!

Christiane : Ahah..aha.. Masaya yun.

Robert : Baliw ka! Hehe!

Habang sa loob, nacorner ang tatlong lalake ng mga zombie habang nagaalarma parin ng malakas. Hindi mapigilan ng isang lalake sumigaw sa sakit pagkatapos maputol ang kaniyang kanang kamay.

Lalake 2 : AAAAAAAAAAARRGHHHHHH!!!! PAPATAYIN KO SIYA! PAPATAYIN KO SIYA!

Lalake 1 : Yung mga batang yon!

Lalake 3 : Tapos na ang lahat. Wala na din tayong magagawa. Tignan mo.

Nagkakaroon na ng crack ang salamin at nagsisimula na itong masira. Palaki ng palaki ang crack hanggang sa tuluyan itong masira ng mga zombie. Nakapasok na ang mga zombie pero lumalaban parin ang tatlong lalake.

David : Nasira na.

Steven : Ano nang plano? Di magtatagal makakapunta rin dito yung mga zombie.

Robert : Papapuntahin ko na sila Sasha dito.

Walkie talkie : *static* Sasha, *static* Punta na*static* dito.

Sasha : Haaah... Tara na.

Makikitang nakatayo sila sa Sasha sa gitna ng daan at maraming mga katawan ng zombie na nakapaligid sa kanila. Puro dugo ang kanilang mga itsura at kumpleto pa ang grupo nila.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon