Ang araw ay unti-unting lumulubog at nangingibabaw na ang kabilugan ng buwan. Ang mga nakita nila Kyle at Steven na mga nakaligtas ay mga kaklase nila at isang estudyante mula sa mababang antas. Ang mga kaklase nilang nakaligtas ay si Hiljohn, Elijah, Ivy, Jake, Mariel at Camille. Habang palabas sila ng kuwarto, hindi sila makapanawala sa mga pinsala na nangyari sa kanilang paligid. Habang pumasok si Steven sa nursery room, nakita niya ang bangkay ng kanyang batang kapatid. Pinikit niya ang kanyang mga mata at naglabas ito ng luha. Kinuha niya ang kurtina sa may bintana at ginamit niya ito bilang pantakip sa bangkay ng kaniyang kapatid.
Steve : Paalam.
Tumayo siya at lumabas ng kuwarto.
Hiljohn : Ano nangyari dito?!
Jason : Zombie apocalypse. Paano kayo napunta doon sa kuwarto ni Sir bob?
Hiljohn : Kasama ko si Elijah eh, tapos sila ivy,jake,mariel at camille magkasama. Bibili daw sila ng folder para dun sa project sa physics. Tapos...yun. Bigla itong nangyari. Tinignan ni Sir Bob kung anong nangyayari tapos pinapasok niya kami sa kuwarto niya. Sabi niya "Huwag daw kami lalabas." Tapos narinig namin na may nag sisigawan na. Mga nagbabasagan na bintana at salamin. Eh.. natakot na talaga kami lumabas.
Ulysses : Kami nga din natakot lumabas eh. Eh..Biglang dumating si Robert nag mano-mano sa mga zombie na yan. Tinulungan namin siya. Dapat maghihintay kami sa rescue eh.
Sa isang gilid, si Ivy, umiiyak dahil nakita niya ang katawan ng kanyang boyfriend na sa Kenn na wala nang kamay at inubos ang laman ng kanyang tiyan. Naiiyak siya at nasusuka din sa kanyang nakikita. Kinausap siya ni michelle at pinatayo. lumakad sila sa papunta doon sa upuan upang hindi makita ang bangkay ng kaniyang boyfriend. Habang si Camille ay nakatayo lang sa may harap ng pinto, tinitignan niya kung buhay pa ang kanyang kapatid na si Jimmy. Pero hindi niya makita kaya inisip niya na patay na siya. Nabalot ng kalungkutan ang muka ni Camille at tumabi kay Lea. Habang si Lea ay tulala, kinausap siya ni Camille tungkul sa pangyayari.
Camille : Lea.. Anong nangyare?
Lea : Wag mo muna ako kausapin. Wala akong gana makipag usap.
Camille : O-ok.
Si Mariel...isang dalagang maganda, ay tahimik na nakaupo at umiiyak sa may bintana ng kanilang kuwarto. Iniisip din niya kung buhay pa ang kanyang mga magulang. Siya ay only child lamang at malayo pa ang bahay niya sa kanilang school.
Robert : Kyle.. tanggap mo na ba ang nangyayare?
Kyle : Oo.
Robert : Andali naman para sayo. Ako nga kailangan ko pa mabaliw para matanggap ang lahat ng ito.
Kyle : Eh.. sure ako na ligtas sila lolo eh. Malaki naman gate namin at mataas mga pader.
Robert : Kung sa bagay.
Nagpasama si Hiljohn kay Steven upang pumunta sa restroom.
Hiljohn : Steve, nakakatakot yung mga zombie?
Steven : Hm.. Mejo. Yung mga naglalakad, hindi masyado. Pero meron din mga tumatakbo.
Hiljohn : Oh? Grabe. Anong gagawin natin?
Steve : Sabi ni Robert, ubusin daw muna natin mga zombie dito sa school habang sila naman, aayusin nila yung gate. Sa tingin ko kukuha pa sila ng mga kahoy sa mga shed sa likod school para ma-reinforce yung gate at gilid ng school.
Hiljohn : Naubos niyo na yung mga zombie sa lahat ng room?
Steven : Wala na. Hindi nalang namin nadadaanan ay itong CR.
Biglang napatingin sila Hiljohn at Steven sa isa't isa. Dahil sa posibilidad na may zombie sa loob ng mga cubicle. Nabalot ng tahimik ang CR. Biglang may nirinig sila Hiljohn na mabigat na pag hinga. Tinignan nila bawat cubicle at sa may pinaka dulong cubicle ay may naririnig sila. Naghanda sila Hiljohn at sabay binuksan ang pinto. Ang nakita nila ay hindi ordinaryong zombie kundi ang kanilang maintenance man na malaki ang katawan. Ang mga mata niya ay wala nang Pupil at ang mga braso ay sobrang laki. Ang kaliwang parte ng muka nito ay punong puno ng bukol at meron siyang maiigsing paa. Nang makita nito sila hiljohn ay agad silang hinabol. Tumakbo sila papalabas ng CR at nasapak nito si Steven sa likod. Tumalsik si Steven ng malayo at hirap siya makatayo. Nakita ng grupo ang halimaw at nagulat sila. Nagwala ito sa loob ng campus at sumigaw ng malakas. Punong-puno ng galit. Tinulungan ni Hiljohn si Steven na makatayo at hinabol silang dalawa.
Si Robert ay natulala at tumutulo ang malamig na pawis sa muka niya. Nakabuka ang kaniyang bibig at sinabing-
Robert : I-i-imposible.
![](https://img.wattpad.com/cover/3369987-288-k182887.jpg)
BINABASA MO ANG
Impyerno sa Lupa
HorrorWhat if one day, you're at your school and a zombie outbreak happened in a flash? Will you run? Or fight? Our main character, Robert, not only is the leader of the group and has to fight not only zombies.. But people too. Will they be able to withst...