Chapter 13 : Halimaw 2

198 0 1
                                    

Habang nakaupo si Christiane sa labas ng guardhouse kung saan nakatali si Jerry, kinausap siya ng kaniyang binabantayan.

Jerry : Oi! Kelan niyo ba ako papakawalan?

Christiane : Pag tumino ka na.

Jerry : Hehe, Utusan ka lang pala niya..

Christiane : Anong ibig mong sabihin?

Jerry : Ng batang iyon. 

Christiane : Si Robert?

Jerry : Oo. Nakikita ko siya dito. Hehe...Madaming gulo na rin siyang napasukan. Isang beses, nakipag sapakan siya sa isang frat. Walong tao, tinalo niya.

Christiane : Anong punto mo?

Jerry : Bakit niyo sinusunod ang isang basurang katulad niya?!

Christiane : Kasi, gusto namin mabuhay.

Jerry : Huh?!

Christiane : Kahit gaano pa man siya kababa bilang isang tao, alam niya ang ginagawa niya. Kung hindi dahil sa kaniya, patay na kami.

Jerry : Bakit?

Christiane : Bakit siya hindi niyo iniiwan?! Bakit ako?! Iniwan?!

Christiane : Nasa maling oras at lugar ka lang.

Nang lumabas sila Robert, Jason at Danelle sa labas ng kuwarto, Sumigaw si Robert kila Sasha at Michelle dahil may nakita na silang nakaligtas. Si Steven ay narinig ang sigaw ni Robert at pumunta sa kanila. Nang makita ni Steven si Danelle, natakot siya dahil duguan parin ang kaniyang mukha at nakakatakot ang kaniyang tingin.

Robert : Steven, Danelle.. Danelle, Steven.

Danelle : Hmp.

Steven : Psst. Jason... sigurado ba kayong hindi zombie yun?

Jason : Wag ka nalang maingay. Natatakot din ako.

Danelle : Naririnig ko kayo!

Natakot sila Jason at Steven at yumuko nalang dahil wala na silang masabi. Dumating na sila Sasha at Michelle.

Sasha : Wala kaming nakita. Pero..hindi pa namin nakikita kung anong meron doon sa likod.

Nakita ni Michelle si Danelle at nakipag kilala si Danelle sa kaniya.

Danelle : Ako si Danelle.

Michelle : Ako si Michelle. Ikinagagalak kitang makilala.

Steven at Jason : HA?! Ganon lang kadali?!

Nakita ni Sasha ang nasirang classroom at inobserbahan niya.

Sasha : Anong nangyari dito sa tingin mo?

Robert : Hindi ko alam. Pero parang hindi ito nagcollapse mag-isa. Ang hula ko ay...yung halimaw na kinalaban namin sa school.

May narinig na malakas na kalabog sa parte na hindi pa napupuntahan ng grupo. Nagulat sila dahil baka may natira pang zombie.

*TUG* *TUG* *TUG*

Steven : Narinig niyo yun?

Sasha : Oo. Handa niyo mga sandata niyo.

Michelle : Natatakot nanaman ako. Nagpapawis na palad ko.

Sasha : Shh..Doon sa pintong yun. Mag handa na kayo.

Lumapit na si Sasha at hinawakan ang door knob. Tumutulo ang pawis niya at ang iba ay titig na titig sa pinto. Nang inikot na ni Sasha ang doorknob, binuksan niya na ang pinto at nakitang may dalawang nakaligtas sa loob. Nakatingin ang dalawa sa hawak na baril ni Sasha at nagulat. Itinaas nila ang kanilang mga kamay at agad sumuko.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon