Chapter 20 : End

153 1 8
                                    

Isang oras matapos malaman ni Leanne na may kagat siya sa likod, tahimik ang buong grupo at ang buong paligid. Magkahawak kamay si Robert at si Leanne at ang iba ay nakaupo nalang at nananahimik. Naubusan na ng luha si Robert, pero umuungol parin siya habang si Leanne ay nakatingin sa kanya.

Steven : Kawawa si Robert.

Hiljohn : Tingin ko hindi ko kakayanin ang sitwasyon niya.

Michelle : Pagtapos ng mga mangyayari, wag niyo muna kausapin.

Steven : Oo.

Hiljohn : Titingin muna ako sa lugar, David! Sama ka?

David : Oo. Sama narin natin si Jason.

Michelle : Oi, magdala kayo ng flashlight ah.

Hiljohn : Sige.

Binuhat ni Robert si Leanne at dinala siya sa malayong lugar. Nagtaka ang mga kasama niya kung saan niya dadalhin si Leanne.

Sasha : San mo siya dadalahin?

Nakatingin lahat ang mga kasama nila at nakinig ng maige. Hindi na tumingin si Robert kay Sasha.

Robert : Hayaan niyo lang kami. Sa amin tong dalawa.

Lumakad na si Robert habang buhat si Leanne at lumakad na sa dilim. Sinigurado ni Robert na hindi sila makikita ng mga kasama nila at hiniga si Leanne sa damo.

Leanne : Bhi.. Alam kong.. Nahihirapan ka.

Robert : Mababaliw na ako.

Hinawakan ni Leanne si Robert sa pisngi, lumuha na si Robert at pinipigil ang kaniyang pag-iyak.

Leanne : Nararamdaman ko na. Nararamdaman ko na.

Tumayo si Leanne at niyakap si Robert. Tumakbo ang mga luha ni Leanne sa kaniyang mga pisngi at binulungan si Robert.

Leanne : Wag kang mag-alala. Lagi akong nasa likod mo.

Robert : H-hind-i.. ko kaya!

Leanne : Shhhhhh... Maging matatag ka. Madami ka pang pagdadaanan. Alagaan mo sila. Wag mo sila hahayaang mamatay.

Robert : P-paano ko magagawa yon kung kayo ni Kyle ay nahayaan ko?!

Leanne : Alam kong kaya mo.

Hinarap ni Leanne ang kaniyang mukha na may dugo na sa labi at luha sa pisngi. Ang kaniyang mga mata ay kumikinang at nakangiti siya kay Robert.

Leanne : Mahal kita.

Biglang nawalan ng malay si Leanne at nagulat si Robert. Hindi siya makapag salita at hindi rin makagalaw. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at nanghihina ang mga paa. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at litong-lito. Hiniga niya si Leanne at umupo. Nilagay niya ang kaniyang katana sa kaniyang harap at nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Wala kang maririnig kundi ang hangin at ang pag-galaw ng mga puno. Ang kabilugan ng buwan ay nasa langit at ang ilaw nito ay nagbibigay ng liwanag. May narinig na si Robert na pag-hinga mula kay Leanne at minulat ang kaniyang mga mata. Tinignan niya si Leanne at nakita niyang pinipilit niya itayo ang kaniyang sarili. Kinuha ni Robert ang kaniyang katana at tumayo. Hinahantay niya si Leanne na lumapit sa kaniya. Tumutulo parin ang mga luha ni Robert at lumakad na papalapit kay Leanne.

Robert<isip> : Sa lahat ng mga oras na may problema ako, lagi kang nanjan sa tabi ko. Sa lahat ng mga oras na masaya ako, lagi ka rin nanjan. Ngayon, ako nalang ang mag-isa. Wala ka na. Maraming salamat.

Sinubukan kagatin ni Leanne si Robert at sa sandaling iyon, ang mga ala-ala nilang dalawa ay pumasok sa isip ni Robert at tumulo ang kaniyang luha. Bumagsak ang luha sa lupa at napatungan ito ng dugo. Umiiyak si Robert habang ang kaniyang katana ay nakasaksak sa puso ni Leanne. Bumagsak si Leanne at napaluhod si Robert. Ang kaniyang iyak ay palakas ng palakas hanggang sa ito'y maging sigaw.

Robert : AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Narinig ang sigaw niya sa hanggang sa grupo nila at narinig narin nila Hiljohn ang sigaw ni Robert.

Hiljohn : Ano yun?!

David : Balik na tayo!

Jason<isip> : Robert..

Habang sa grupo naman nila Sasha, nagulantang sila sa sigaw ni Robert, at sa sandaling iyon, alam na nilang lahat na galing kay Robert ang sigaw na iyon.

Sasha : Nangyari na.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon