-------------------------------------------------
(DANIEL)
Sumilip ako sa loob ng restaurant tapos huminga ako nang malalim. It's been a long day pero isinasaisip ko na lang si Julia. Hindi naman kasi pwede na sya lahat ang magbabayad ng gastusin ko, di ba? Kaya eto, naghahanap na din ako ng trabaho. So far, nakapunta na ako sa dalawang mall, apat na restaurant, at tatlong chain stores pero sa isang maliit na grocery store pa lang ako natatanggap. At dahil sobrang liit lang nung sahod, napagdesisyunan kong kumuha ng isa pang trabaho.
Inayos ko ang aking sarili at pumasok sa loob. Linapitan ko ang counter at nakita na sa likod nito, may nakatayong isang matandang babae na nakasalamin at naka-puyod ang buhok into a tight bun. Tumingin sya sa akin for a second tapos nag-turn sa isang worker doon at sinigawan ito. "May kailangan ka ba?" tanong nya na parang naiinis pagkatapos nyang pagalitan yung employee nya.
Tinaas ko ang aking kamay at tumuro sa may bintana sa harapan. "Nakita ko po yung sign sa labas. Kung hindi pa po nakukuha yung position, baka pwede ho akong mag-apply..." sabi ko with a tone of respect. Tiningnan ako nang maigi nung babae tapos linagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang.
"Ilang taon ka na?"
"19 ho..."
"Pwede ka bang magtrabaho ng MWF?"
"Opo..."
"Maalam ka ba maghugas ng plato?"
"Opo..."
"Mabilis ka kumilos?"
"Opo..."
Tumigil sya tapos iniwanan ako para pumasok sa kusina. "Albert! Pakialaman mo nga yung bago nating employee! Ipakita mo sa kanya ang dapat nyang gawin!" rinig kong sigaw nito. Maya-maya ay lumabas ulit yung babae pero hindi na nya ako inasikaso. Pinuntahan nya yung isa pang worker at mukhang pinapagalitan ulit ito.
Lumabas naman si Albert at pinapasok ako sa loob ng kusina. Ipinakita nya lang sa akin kung nasaan ang lababo at kung saan ko dapat ilagay yung mga plato pagkatapos ko silang hugasan. Tapos sinabihan nya din ako na dahil may staff shortage, may mga araw na magiging waiter din ako. Binigyan nya ako ng demo ng tamang pagdadala ng mga plato at itinuro din sa akin ang mga dapat sabihin. After nun, dinala nya ako sa isang closet at ikinuha ako ng uniform.
"Basta pag may tanong ka, lumapit ka na lang sa akin. Wag kay madam. Ayaw na ayaw nun na may nang-iistorbo sa kanya..." kumuha sya ng isang papel sa isang stack at napansin kong may naka-print dito. Kumuha sya ng highlighter at sinimulang markahan yung mga nakasulat sa papel. Pagkatapos, inabot nya sa akin ito at sinabing, "Yan ang schedule mo. Dapat mga 30 minutes bago magsimula ang shift mo, nandito ka na. Yun yung gusto ni madam eh... Ayos lang ba yan?"
Ilinabas ko yung schedule ko sa grocery store at pinagkumpara ang mga ito. Nang makita kong walang problema, tumango ako kay Albert. "Osige. Bukas ng 6 ka magsisimula... See you, then," binigyan nya ako ng pat sa balikat at umalis na para bumalik sa kanyang gawain. Lumabas ako ng kusina at nginitian gratefully yung manager pero winave nya lang ang kanyang kamay tapos tinalikuran ako.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fiksi Penggemar"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"