-------------------------------------------------
(DANIEL)
(Weeks later...)
Pinisil ko ang kamay ni Kath at napatingin ito sa akin. "May problema ba, babe?" I heard her say pero hindi ko siya pinansin. I wasn't trying to get her attention, nanggigil lang ako kasi nang napatingin ako sa kabilang side nung quadrangle, nakita ko na magkasama na naman sina Julia at Quen.
What the fuck? Lagi na lang eh.
Ramdam kong kumukulo ang dugo ko sa sobrang galit pero pinigilan ko ang sarili kong sugurin sila. Kasama ko si Kath at siguradong magagalit sya pag nakita nyang close ako sa ibang babae. Plus, mava-violate ko ang mga orders sa akin ni Ace if that happened. Di pa rin ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Ace a few weeks ago pero hindi ko pwedeng i-risk ang chance na suwayin sya.
(Flashback...)
"Gusto kong ipagpatuloy mo ang relasyon mo sa anak ni Bernardo..." sabi nya sternly sabay hithit sa kanyang bagong sinding sigarilyo. Recently nya lang nalaman ang ginagawa ko at mukhang natuwa sya dito. Sumandal sya coolly sa silya na kinauupuan nya. Magrereklamo pa sana ako pero tinaas nya ang kanyang kamay bago pa ako nakapagsalita. "Ako ang Alpha, Daniel. Wag mo nang subukan pang mag-complain kasi sasayangin mo lang ang oras ko. What I say goes, di ba? Sumunod ka na lang at walang masasaktan..." nag-pause sya tapos tiningnan nya ako at ngumiti na parang may masamang balak.
"Meron ka bang tao sa buhay mo na ayaw mo masaktan, Daniel? Ha?" he teased, his eyes filled with mischief. There was only one person on my mind at I knew then na alam na ni Ace ang tungkol sa kanya. Hindi ako nakapagsalita. I stood there, umaasa na yung silence ko ay makakapagbura ng lahat ng memory nya about kay Julia. HOW THE FUCK DID HE KNOW?!
Tumawa sya nang malakas, yung tipong tinaas nya pa talaga yung ulo nya. "I have eyes everywhere, Daniel. Wag ka nang magulat. Sobrang dami kong alam. You don't even know... Kaya kung ayaw mong masaktan sya, sundin mo ang gusto ko. Bilugin mo pa ang ulo nyang syota mo tapos trick her into giving you access sa stash ng ama nya. Then, sabihin mo sa akin lahat ng details at ako na ang bahala after that. If magawa mo yun, eh di makipag-break ka na dun for all I care!" tinaas nya ang kamay nya for emphasis.
Hindi ko alam kung kaya ko yun. Paano kung magtagal pa bago sabihin sa akin ni Kath? Paano kung ma-suspect ng mga Bernardo ang ginagawa ko? Paano kami ni Julia? Tumayo si Ace at linapitan ako. Pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko, humigop ng usok mula sa sigarilyo at binuga ito sa mukha ko. "Simple lang naman ito, Daniel. Kaya don't even think of letting me down..."
(End of Flashback...)
It sounded easy pero how do I do it? Anong sasabihin ko? Tumingin ako kay Kath at tinalikuran sina Julia. "Kath... Babe..." halos masilaw ako sa sobrang bright ng ngiti ni Kathryn nang tawagin ko sya na ganun. Kailangan ko 'tong gawin. Palambing effect para mag-open up sya kahit papaano. "Pwede ba magtanong?" tanong ko habang naglalakad kami palayo, holding hands. Tumango sya at lalong dumikit sa akin, "Anything for you, DJ..." I forced a smile.
"Alam kong random 'to pero... Ang tagal ko na kasing iniisip kung saan ano..." pinutol ko muna para hindi masyadong mag-sound na eager akong malaman. Tinaasan ako ni Kath ng kilay at hinintay paciently kung ano ang sasabihin ko. "Kung saan linalagay ng dad mo yung-- Yung 'products' nya? Ang galing lang kasi eh. After all these years... Hindi pa rin sya nahuhuli," binaba ko yung boses ko just in case may tao pala sa paligid. Tumigil bigla si Kath at bumitaw sa hawak ko. Tsk. Not a good sign. "DJ, alam mo namang di ako komportable pag-usapan ang business ni Daddy... Lalo na sa mga public places," sinimangutan nya ako, nagtatampo sa insincerity ko.
BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"
