Chapter 5

838 29 6
                                    

-------------------------------------------------

(JULIA)

"Ito ang masking tape..." sabi ni Tita pagpasok nya sa kwarto. Kinuha ko ito at ginamit ang tape para i-seal yung box ko na pinaglalagyan ng mga gamit ko. Ready na ang lahat. Yung mga damit ko nasa isang maleta tapos yung iba kong mga gamit ay nasa box. Tumingala ako. "Salamat po..." sabi ko habang binabalik yung tape sa kanya. 

Kinuha nya ito at ngumiti. "Dadating si Mang Ernie nang mga alas singko, ha?" Lumabas siya at iniwan ako sa kwarto. Tumingin ako sa orasan. 4:46. Umupo ako sa aking kama at nakinig na lang sa music habang naghihintay. 

Sabi ni Tita naayos na nya ang lahat at wala na daw akong kailangan alalahanin. May mga furniture na daw syang binili at nandun na. Pinapakita ko sa kanyang excited ako pero honestly, natatakot ako. Feeling ko lalong lalala ang depression ko pag ganito. Kaya ko minsan napipigilan ang sarili kong mag-inflict ng sugat sa aking sarili ay dahil naaalala ko si Tita at natatakot ako na makikita nya ako at madidisappoint ko sya pero pag umalis na ako, malayo na sya at magiging mahirap nang i-convince ang sarili ko na may titigil sa akin pag dumating ang panahon na magbrebreak down ako. 

I sound so selfish siguro especially dahil ng paulit-ulit kong pag-eexpress na ayaw ko nang mabuhay but is it so bad to be scared of something na sinasabi mong gusto mo? Kahit pa anong pinagdadaanan natin, pare-parehas pa rin tayo. Naniniwala ako na kahit yung mga gustong mamatay ay natatakot din when it comes down to the wire. We're all just great pretenders.

Linabas ko ang aking wallet at tiningnan ang aming family picture. Sobrang luma na nya. Masyado pa akong bata para maalala kung kailan 'to kinuha pero masaya ako na at least meron. Miss na miss ko na sila. Bakit ako lang ang tinira nyo, Lord? 

I ran my finger over sa mga mukha nina Mommy at Daddy. 5 years old pa lang ako at 13 si Kuya nung namatay sila sa isang car crash. Umuulan noon at umalis sila para bumili ng cake. Birthday kasi ni Daddy. Pero hindi na sila bumalik. Sabi ng mga pulis nawalan ng control yung truck na nakabangga sa kanila dahil sa sobrang dulas ng kalsada. Hindi ko maintindihan ang nangyayari noon kaya gabi-gabi ako umiiyak, hinahanap sina Mommy at nagtataka kung bakit wala pa rin sila.

Pero si Kuya yung nagpatahan sa akin at ang laging nagsasabi na magiging okay lang ang lahat. Hinding-hindi nya ako pinabayaan. Nagtrabaho sya nang bata at kung ano-ano ang pinasukan para lang lumaki ako nang maayos. Halos kinalimutan na nya ang kanyang sarili para lang sa ikabubuti ko. Siya yung bayani ko. Siya yung buhay ko. Tapos bigla-bigla na lang siya kinuha. Pinatay nang walang matinong rason. Pinatay na parang basura lang siya. 

Hindi matukoy ng mga imbestigador kung sino ang bumugbog sa kanya to the point of death kaya hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga gagong sumira ng buhay namin. Pero pangako ko, hahanapin ko sila at ipaparamdam ko ang impyerno na pinagdaanan ko nung pinatay nila si Kuya. 

-Knock, Knock-

"Julia? Nandyan na si Mang Ernie. Napaaga ng konti," sabi ni Tita. Tumayo ako at tinago yung picture. Kinuha ko yung handle ng maleta tapos binitbit yung box. Dahan-dahan akong bumaba sa sala. Sinalubong ako ni Mang Ernie at tinulungan akong dalhin yung mga gamit ko sa tricycle nya. Pagkatapos, bumalik ako sa loob para magpaalam kay Tita. Nakita ko sya sa kusina. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon