Chapter 26

442 17 6
                                    

Sobrang bagay nung song sa side sa situation nila kaya pakinggan nyo if you want :) 

-------------------------------------------------

(DANIEL)

Ramdam kong humawak si Julia sa aking damit, stopping me from leaving. I waited for her to say something and then, she did. 

She wanted me to stay. 

I turned to face her at nakitang nakatungo ang kanyang ulo. Kinuha ko ang kanyang kamay na nakakapit pa rin sa akin tapos dahan-dahang lumapit sa kanya. "Hinding-hindi kita iiwan..." I gently wrapped my arms around her and pulled her close. I felt her arms on my back, holding me tightly. 

Hindi ako makapaniwala. 

I finally have her

I buried my face in her hair, cherishing every second she was in my arms. Nang mag-pull away ako, linift ko yung ulo nya para makita ko nang ayos ang kanyang mga mata. Nanggigilid ang kanyang mga luha pero nagawa pa rin nyang ngumiti sa akin kahit ang ngiting ito ay malungkot. "Galit na galit siguro si Kath..." sabi nya sadly kaya linagay ko ang aking mga kamay sa bawat side ng kanyang mukha. "Wag ka mag-alala. Kilala ko si Kath. Mapapatawad nya din tayo... At if ever na subukan nyang gumanti, ako ang bahala sa 'yo. Hindi kita pababayaan," I assured her. 

Binigyan nya ulit ako ng ngiti pero this time, mas genuine sya. I pulled her close to embrace her again. I guess gusto ko lang mag-make sure na this moment was real... 

After a while, nang ma-satisfy na ako, binitawan ko na si Julia. Nang gawin ko ito, napansin kong gabing-gabi na. "Matulog ka na..." sabi ko sa kanya at napansing mukhang pagod na talaga sya. Humikab si Julia at naglakad tiredly papunta sa kanyang kama. Tinanggal nya ang kanyang sapatos at hihiga na sana nang maalala nyang naka-dress pa sya. Pumasok muna sya sa banyo para magpalit tapos lumabas na nang naka-T shirt at shorts. Bumalik sya sa kama at binalot ang kanyang sarili ng kumot.

Pinanood ko syang ipikit ang kanyang mga mata at akala ko tulog na pero nang lumipas ang ilang minuto, dahan-dahan nyang minulat ang kanyang mga mata. "DJ?" mahina nyang sinabi habang ako ay nakaupo sa tabi nya. "Bakit? Hindi ka ba makatulog?" tanong ko. Tumango sya at pinikit muli ang kanyang mga mata. "Mag-kwento ka..." narinig kong sabi nya. "Tungkol saan?" Wala  kasi akong maisip na magandang kwento eh. "Sa 'yo..." maikli nyang sagot. Nakapikit pa rin sya at ang boses nya ay pahina nang pahina. 

"Okay..." simula ko, still not knowing what to tell her. "Hindi kita marinig," sabi nya sabay roll over para sa kabilang side ng kama sya nakaharap. "Dito ka," pinat nya yung empty space sa tabi nya. Tumayo ako at dahan-dahang humiga sa tabi nya, making sure na may distance kami sa isa't isa. Last thing I want her to think is that may iba akong balak o ano.

I sighed before beginning to talk. "Nung bata ako... Nung hindi pa naghihiwalay yung parents ko, lagi akong dinadala ni Dad sa isang hill. Medyo isolated ang lugar na yun dahil wala kang makikitang tao sa paligid. As in, wala talaga. At I liked that about it kasi it meant na ako lang talaga at si Dad. Yung mga panahon na yun lang kasi ang pwede na nasosolo ko sya. Pag may work yun, puro meetings at business trips ang ginagawa nya kaya minsan, lumilipas ang ilang araw na hindi ko sya nakikita o nakakausap. Sobra kong chinerish ang mga araw na yun kaya nung unti-unting bumihira ang pagpunta namin dun, nagalit ako kay Dad. Kinulit ko sya nang kinulit na dalhin nya ako sa hill pero every time ang sagot nya lang ay, 'Hindi pwede.' I hated him for that. Lumayo ang loob ko sa kanya until one day, I just stopped talking to him altogether. Noong time na yun, hindi ko alam na kaya sya busy ay dahil nasa process na sila ng divorce ni Mama. Lagi syang nakikipag-meet sa mga lawyers para gumawa ng paraan para sa custody nya ako mapapunta. Akala ko sa work sya busy pero all that time, yun pala ang ginagawa nya... I wish I knew then... Sana sinabi nya sa akin para hindi ko ginawa ang mga ginawa ko sa kanya..." 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon