-------------------------------------------------
(DANIEL)
(Earlier that day...)
"Tss!" hinagis ko yung controller sa sahig sa sobrang inis. Namatay na naman kasi ako sa game na linalaro ko. Ginulo ko ang aking buhok tapos nag-lean back sa sofa. Nagbuntong-hininga ako. Shit. Hindi ako makapag-focus. Ilang oras na din ang nakalipas mula nang tawagan ako ni Mama. Nagulat ako nang makita ko ang kanyang pangalan sa caller ID dahil wala pa namang 3 months since she last called.
Akala ko kung ano pero sinabihan nya lang ako na tawagan si Dad. Yun lang talaga. Walang kamusta o ano man, diretso lang dun. Tapos nung sinabi ko sa kanya na ayoko itong gawin ang reply nya lang ay, "You should." Tapos binaba na nya yung phone. Nalito ako then. Bakit bigla na lang nya akong sasabihan ng ganun? She wouldn't do it without a good reason, di ba? Pero I still ignored it. Dinistract ko ang aking sarili by playing the Xbox for hours. Gumana sya. Kind of. Naalis sa isip ko yung utos ni Mama pero hindi nawala yung guilty feeling sa aking puso.
Lagi ko namang naiisip na kausapin si Dad pero I just can't bring myself to do it. Nag-play back sa isip ko yung sinabi sa akin ni Julia dati.
"...kailangan mong subukang patawarin sya. Kasi hindi mo alam... Baka bigla syang mawala. Baka kunin sya na hindi mo nasasabi lahat ng gusto mong sabihin. At pag nangyari nga yun, walang araw ang lilipas na hindi ka nagsisisi na hindi kayo nagkaayos. Pakinggan mo sya, Daniel. Kausapin mo. Intindihin mo..."
Bumangon ako at naglakad-lakad, iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin.
It wouldn't hurt if I called, right?
Kailangan ko na syang harapin.
Kinuha ko ang aking phone at nakitang may 5 missed calls si Mama. Napakunot-noo ako. Mamaya ko na lang sya tatawagan. Kailangan ko na tawagan si Dad ngayon bago pa magbago ang aking isip. Pumunta ako sa blocked numbers at in-unblock ang number ni Dad. Huminga ako nang malalim at pinindot ang 'Call'.
RING.
RING.
RING.
"He--hello?" isang matamlay na boses ng babae ang sumagot. Hindi ako nakapagsalita. "Hello? D-Daniel?" narinig kong parang humikbi ito at alam ko na nun na may mali. "Da--Dad... Nasaan si Dad?" nauutal kong sinabi. Narinig kong humikbi na naman yung babae. Umiiyak sya habang nagsasalita. Everything crashed down inside me habang tumatatak sa utak ko yung mga sainasabi nya.
"...stomach cancer..."
"...2 months to live..."
"I'm sorry..."
"...died a few hours ago..."
I was silent. My breaths kept getting shallower and shallower.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"