10K NA ANG FIX YOU!!!!!! AHHHHHH! THANK YOU SO MUCH, GUYS! Sobrang laking milestone nito. HAHAHA! :D Thank you talaga! Sana samahan nyo ako hanggang sa huli! x
-------------------------------------------------
(DANIEL)
Linabas ko ang aking phone at nalungkot nang makitang walang bagong messages galing kay Julia. Kanina ko pa syang tinetext pero hindi ito nag-rereply. Nag-buntong hininga ako at sinimulan nang ipaglalagay ang aking mga gamit sa bag. Hindi pa tapos yung lecture, may 1 hour pa ata bago matapos yung klase, pero nag-aalala na ako. Tumayo ako abruptly, catching the others' attention pero binaliwala ko na lang sila. Naglakad ako papunta sa pinto at lumabas. Dali-dali akong naglakad papunta sa exit habang tinatawagan si Julia.
"The number you are trying to reach is not available right now. Please try again later..."
"Tss," binalik ko yung aking phone sa aking bulsa at lumapit sa aking kotse. Pumasok ako at stinart agad yung engine. Huminga ako nang malalim, sinusubukang kalmahin ang aking sarili. Alam kong matapang si Julia at sigurado akong kayang-kaya nyang lumaban sa mga mang-aapi sa kanya pero hindi ko pa rin kayang alisin sa aking isip na dahil hindi nya ako kasama, may masamang mangyayari sa kanya.
Masisisi ko ba ang sarili ko for being so paranoid? No. Lalo na ngayong nag-develop na si Ace ng interest sa kanya... Kailangan kong maging alert. Kailangan kong manigurado na okay lang si Julia. Kasi the moment na may mangyari nga sa kanya, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko.
I pressed my foot harder on the pedal para pabilisin ang takbo ng aking kotse. At a few minutes later, nakarating na ako sa apartment building namin. Pumasok ako sa loob at agad na sumakay sa elevator. Nang nasa 4th floor na ako, pumunta ako sa pinto ni Julia. Kumatok ako ng tatlong beses at nang walang sumagot, hinubad ko yung aking kwintas na kung saan nakasabit ang spare key ng kwarto nya. "Papasok na ako!" sigaw ko sabay suot ng susi sa keyhole.
Binuksan ko yung pinto at ang una kong napansin ay ang mga librong nakakalat sa sahig. Maya-maya ay lumabas si Julia na may hawak na makapal na libro. Nakita kong nakakunot ang noo nya at pugto ang kanyang mga mata. Lalapitan ko na sana sya nang bigla syang humiyaw. "Bakit wala?!" binagsak nya yung libro sa sahig at pumunta sa bookcase nya at kumuha ng ibang libro na kasingkapal lang nung una.
Lumapit ako at hinawakan sya sa braso. "Julia..." sabi ko, trying to get her attention pero binaliwala nya lang ako at patuloy na skina-scan yung libro. Nang makarating na sya sa dulo nito, tumulo ang kanyang mga luha. Kinuha ko sa kanya yung libro at tinabi ito. "Shhh," pagpapatahan ko sa kanya at hinila sya papalapit sa akin para sya ay aking mayakap.
"Ano bang nangyayari?" tanong ko nang humina na ang kanyang paghihikbi. Nag-pull away agad si Julia at pinahiran ang kanyang mga mata angrily. "Binabaliwala nila ang batas! Binabayaran nila ang mga pulis at ang mga abogado para itago ang kanilang mga kasalanan! Ang daya nila, DJ! Paano ko--" tumigil sya, choking on her own words. "Paano ko sila pagbabayarin nang ganito?! Kinuha nila ang buhay ng kapatid ko... Dapat-- Dapat magbayad silang lahat. Dapat magdusa sila kasi ako, antagal ko nang nagdudusa. Antagal ko nang nasasaktan at nahihirapan dahil sa ginawa nila..."
Binalot ko muli ang aking mga kamay sa kanya at hinayaan syang umiyak. Nang huminahon na sya, inupo ko sya at hinayaan syang ikwento sa akin ang nangyari. It turns out, tumawag sya sa police station kanina para tanungin kung ano na ang status ng imbestigasyon sa pagkamatay ng kuya nya at sinabi na lang sa kanya na dineklara na itong closed case dahil walang willing na i-take ito. "Nung sinabi nila yun, binaba ko na yung telepono sa sobrang inis. Naghanap naman agad ako sa phone directory ng abogado at inalok syang bayaran para gawan ng paraan ito. Willing sya nung una pero nang banggitin ko ang pangalan ni Kuya, agad nyang binawi ang mga sinabi nyang gusto nyang tumulong at binabaan ako. Nagtaka ako pero pinabayaan ko na lang. Sinubukan ko ito sa lima pang mga abogado at nang tanggihan din nila ako pagkatapos kong sabihin ang pangalan ni Kuya, dun ko nalamang kakampi ng mga gagong yun ang mga kriminal na pumatay sa kapatid ko..."

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"