Chapter 25

487 16 8
                                        

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT! Thank you for being a part of my 2014! :)

-------------------------------------------------

(DANIEL)

I dragged Kath patungo sa parking lot. Sinusubukan nyang alisin ang kamay ko sa braso nya pero masyado syang upset para gamitin ang full strength nya. "Malandi! Malandi! Malandi!' lumilingon sya at sumisigaw kahit malayo na kami kay Julia. "Kath, tama na..." saway ko. Dinala ko sya sa aking kotse tapos pinapasok sya dito. Linagyan ko sya ng seatbelt tapos nag-walk over sa driver's side. Pagpasok ko, ang tanging naririnig ko lang ay ang pag-iyak ni Kath. 

"Ang kapal ng mukha nya! Gagantihan ko ang babaeng yun! Ang kapal nya! Slut! Slut!" naiinis nyang sinabi habang hinahampas ang dashboard. I grabbed her hands to make her stop and forced her to face me.

"Makinig ka sa akin, Kathryn. Hindi si Julia ang may dahil. Kailangan mong intindihin na it was my fault. Ako yung yumakap sa kanya. Ako yung humalik sa kanya. Wala syang ginawang masama. Hindi nya ako sineduce o linandi. I fell for her on my own will at I'm sorry. I'm sorry for hurting you... Pero wag mo syang sisihin. Hindi sya dapat ang kinagagalitan mo. She doesn't deserve your hate kasi ako naman ang may dahil eh." 

Humikbi si Kath while shaking her head furiously. "Hindi yan totoo. DJ, alam kong mahal mo ako. Inakit ka lang nya kaya ka nagkaganun..." Linagay nya ang kanyang mga kamay sa bawat side ng aking mukha. "Mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang masira ang relationship natin dahil lang ng backstabber na yun. Hindi kita susukuan. Mahal kita..." 

Kinuha ko ang kanyang mga kamay at inalis ang mga ito sa aking mukha. "Hindi 'to tama, Kathryn. This relationship is destroying the both of us. Nagkakasakitan lang tayo so let's just stop this. Mag-break na tayo..." sabi ko solemnly. Umiling lang sya tapos hinawakan ang aking sleeve. "No, Daniel. Hindi pwede.... Mahal na mahal kita. Hindi mo 'to pwede gawin... Hindi ako payag. Hindi kita pakakawalan..." her broken voice filled the car pero I stood my ground. 

"Eh ano bang gusto mo, Kathryn? Magkunwari ako na mahal kita? Alam mo na na may mahal akong iba. Ano? Mag-prepretend ka na lang like you don't? Pretend that everything's okay when everything's broken down and gone? Paano mo magagawa yun sa sarili mo? Do you even have the slightest idea of how painful that is? Do you even know how much effort you will have to give to make yourself happy that way? Alam ko ang feeling na magkunwari nang ganun, Kathryn. Alam ko kung gaano kasakit. Ayokong maranasan mo yun. Hindi ko hahayaang saktan mo ang sarili mo nang ganun... Tapusin na natin 'to." 

Lumakas ang pag-iyak ni Kathryn so I hugged her. "Romantic relationship lang natin ang matatapos. You will always be my friend, Kath. I will always cherish you for that."  Ramdam ko syang umiiling as I spoke kaya nag-pull away ako. "Hindi ko kaya. Mahal kita, Daniel. Hindi kita pwedeng ibigay sa iba... Kakayanin ko ang sakit. We are not breaking up... Please. Wag mo 'tong gawin sa akin. Mamamatay ako," pagmamakaawa nya. Linagay nya ang kamay nya sa likod ng aking leeg at sinimulang i-caress ang aking kamay. "Pinapatawad na kita. Kalimutan na lang natin ang gabing 'to. Please? Take back what you said. Hindi tayo mag-brebreak, di ba? Hindi mo ako iiwanan..."

Binaba ko ang kanyang mga kamay at nag-turn away para i-start yung engine ng kotse. "Walang nararating ang usapan na 'to. Iuuwi na lang kita," sabi ko, pagod na pagod na sa usapan namin. Drinive ko sya pauwi at nang pagdating namin dun, ginaganap pa rin yung party. "Ihahatid na kita sa pinto..." Lumabas ako at pinagbukas sya ng car door. Kinuha ko ang kanyang kamay at inalalayan sya habang sya ay lumalabas. Nang makatayo na sya nang ayos, tinaboy nya ang aking kamay at naglakad ahead of me. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon