Chapter 22

358 19 6
                                        

-------------------------------------------------

(DANIEL)

"Bro! Di ka man lang nag-imbita!" 

Napaubo ako sa sobrang lakas nang hampasin ako ni Derek sa likod. Siniringan ko sya habang sya'y umuupo sa tabi ko pero wala syang pake. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa bote ko. Dumadalas na ang pagpunta ko dito para uminom. Alam kong masama sya pero ito lang ang tanging paraan para mabawas-bawasan ang galit at sakit na nararamdaman ko. 

I miss her. 

I miss her so damn much. 

It's not like I don't see her kasi lagi ko nga syang nakikita eh, lalo na ngayong magkaibigan na sila ni Kathryn. I know it doesn't make sense pero kahit malapit lang sya, hindi ko sya makausap o ano. I want to pero I can't. Kasi kahit katabi nya lang ako, hindi nya ako pinapansin. Kahit eye contact man lang, wala. 

I know I hurt her at sinabi ko na sa sarili kong i-expect ang ganitong treatment pero once I actually felt what it was like, parang hindi ko makakayang ganito kami. 

I took another big gulp of my beer tapos nagpangalumbaba. 

"Nakaka-depress naman ang aura mo, Deej. Alam mong magpapa-lift ng spirit mo?" linagay ni Derek ang kamay nya sa balikat ko. Tinanggal ko agad ito habang nakakunot ang noo. "Pwede ba, Derek? Wala ako sa mood para sumakay sa mga trip mo. Hayaan mo na lang ako," naiinis kong sinabi. Pero as always, wala syang pakialam sa aking mga sinasabi. Kinuha nya yung bote ng aking iniinom at tinapon ito sa basurahan na katabi nya lang. 

"The hell?!" sigaw ko sabay tulak sa kanya. "Oo na. Oo na. Sorry na. Pero listen... Nakipagpustahan ako sa isang grupo ng mga gago kanina na matatalo natin sila sa basketball... Tangina, pre. 500 pinusta ko,"  sabi nya sabay tawa. 

Tanga talaga 'tong si Derek.

"Ayokong ma-involve sa kabobohan mo, Derek. Uuwi na ako..." kinuha ko ang aking bag at tatayo na sana nang itulak ako ni Derek para mapaupo uli. "Siguradong hindi matutuwa si Ace pag narinig nyang iniwanan mo ang isang kapatid sa gitna ng isang mahirap na sitwasyon... Rinig ko pa namang may ginagamit sya against you," ngumisi sya mischievously and all I wanted was to smash his head against the wall. 

"So? Ano? Sali ka?" tanong nya eagerly. "Tsss. Tangina ka," sagot ko na lang at tinulak sya para makatayo na ako. Sisiguraduhin kong hindi niya mahahawakan si Julia. Hinding-hindi ko sila hahayaan lumapit sa kanya. Narinig kong mag-yes si Derek tapos linagay nya ang braso nya sa balikat ko at naglakad kami papunta sa isang basketball court. Pagdating namin, marami-rami nang manonood ang nakaupo/nakatayo sa courtside. Napansin ko din na sa gitna ng court, naghihintay na yung kabilang team. 


"Mga tol!" Tumingin ako kay Derek at nakita syang sumesenyas sa mga tropa nya. Feeling ko kasali din sila sa WLVS pero di ako sigurado. Lumapit sila sa amin at habang kinakausap sila ni Derek, hinubad ko na yung button-up shirt ko para nakasando na lang ako then, sumali na ako dun sa huddle nina Derek. Basically, ang sinabi lang nya sa kanila ay bantayan ako at ipasa sa akin ang bola every chance they get. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon