Chapter 8

627 27 10
                                        

-------------------------------------------------

(JULIA)

Linalapitan ko si DJ nang biglang ilagay nya ang kanyang mga kamay sa aking pisngi at bumulong ng, "Tsss. Shut up." Next thing I know it... Magkalapat na ang aming mga labi.

Dahil sa sobrang gulat, pagkakailang at di pagkakaintindi, all I could do was stay like this: ಠ3ಠ 

Ummmm...

Uhhhhhh...

Processing...

Processing...

 

DING!

HINAHALIKAN NYA AKO!

Tinulak ko si DJ palayo at pinahiran ang aking mga labi. "TANGA KA BA?!" Nag-look away si DJ na mukhang guilty. Nagbuntong-hininga sya, "Julia, so--" Tinalikuran ko sya at sinimulang limutin ang mga sponge na binato namin sa isa't isa. "Umalis ka na," sabi ko na lang. "Makinig ka naman, oh..." pakiusap ni DJ. Umikot ako para tingnan sya. "PWEDE BA?! UMALIS KA NA SABI EH!" tumuro ako sa pinto at nang mapansin kong magsasalita pa sya, tinaas ko ang aking kamay. "Ayokong marinig ang sasabihin mo. Kaya please?" 

Tiningnan nya ako apologetically pero hindi ko pa rin magawang alisin yung inis at galit sa dibdib ko. Lumabas na sya ng kusina kaya gumanda ng konti yung mood ko. 

Sino ba naman hindi ma-ooffend sa ginawa ng walang hiyang yun? Hindi ako laruan. Hindi nya pwedeng gawin lang gusto nya sa akin. Kapal talaga ng mukha. ASGDHGASUYSGYAUDYGYU!

Tinapos ko na ang paglilinis habang nagdadabog at minumura si DJ nang pabulong. Kinuha ko ang aking mga gamit sa closet tapos sinigurado kong naka-lock na ang mga pinto. Umalis ako sa kusina at pinatay ang mga ilaw dito. Umuwi kasi ng maaga si Lola Sylv kaya ako na ang pinagsara nya. Medyo nakakapagod pero extra pay kaya di ko natanggihan. 

Lumabas ako sa front entrance at napansin si DJ na naghihintay sa akin sa labas. Sinimangutan ko sya, "Di ba sabi ko umuwi ka na?" Linagay ko yung susi sa aking bag pagkatapos kong i-lock ang pinto. "Sabay nga tayo, di ba? At saka, uulan. Baka maabutan ka pa..." Nag-walk over sya sa passenger side at binuksan ang pinto. "Sakay na..." sabi nya sabay motion sa loob ng kotse. Nag-scoff ako tapos nagsimulang maglakad papalayo. 

"JULIA!" sigaw nya pero di na ako lumingon. Ayoko nang ma-involve sa lalaking yun. Simula pa nung una, sinabi ko na sa sarili kong wag na lang syang pansinin... Ito tuloy ang napapala ko. Narinig kong magsara yung mga pinto sa kotse nya at mag-start yung makina. Aalis na din ang mokong. Finally...

Inexpect kong makita yung kotse nyang mag-drive by pero instead napalundag ako nang biglang nag-BEEP BEEP sa likod ko. Kinunot ko ang aking noo at tumalikod. Nakita ko yung kotse nyang dahan-dahang umaandar para halos kasabay lang nya ako sa paglalakad. Binaba nya yung bintana at linabas ang ulo nya. "Sumakay ka na, please?" he pleaded. Walang teasing voice. Walang nakakalokong ngiti. Walang dancing eyebrows. Mukhang guilty at nagsisisi naman pero ayoko na talaga. Mas lalong gumugulo ang buhay ko dahil sa kanya. 

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon