Chapter 6

742 34 3
                                        

-------------------------------------------------

(DANIEL)

-Knock, Knock-

"Julia? Pabukas!" sigaw ko habang kumakatok sa pinto nya. Walang sagot. "JULIAAAAA!" linaksan ko ang tawag ko at naghintay ng ilang segunda para sa response kaso wala. Umalis na kaya yun? Tumingin ako sa relo ko. May 15 minutes pa ako bago mag-start yung klase. Kumatok ulit ako sa pinto pero wala talaga. 

Ang sama talaga ng babaeng yun. Sinabihan ko na kagabi na hintayin ako para sabay kami pumasok. Tssss (-_-). Bumalik ako sa apartment ko at linabas ang aking phone. 

┏-------------------------------------------┓

         To: Julia 

        Patay ka sa akin.

 ┗--------------------------------------------┛

Kinuha ko yung bag ko tapos linock na yung pinto pagkalabas ko. Bumaba ako at naglakad na papunta sa school. Buti na lang hindi ko nakakasalubong sina Derek. May time pa ako para hanapin si Julia. Saan ba yun natambay? Pumunta ako sa gym at sa library kaso wala talaga. By that time, magta-time na kaya pumunta na ako sa room. Hahanapin ko na lang mamayang break. 

As usual, sobrang boring nung lecture. May surprise test pa nga pero tinamad ako halfway kaya binasta ko na lang. Nag-ring yung recess bell at agad kong linibot ang campus para hanapin si Julia imbis na pumunta sa meeting place namin ng mga kabarkada ko. Nasaan na ba yung babaeng yun? Sumilip ako sa cefeteria, pumasok ako sa auditorium, pero wala sya dun. Naglalakad ako pababa ng building nang mapatingin ako dun sa abandoned building na tinatambayan namin minsan. 

Sa tabi ng gusaling ito ay may nag-iisang puno at parang may pamilyar na babaeng nakaupo sa ilalim nito. Ewan ko ba kung bakit alalang-alala ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang iniisip ko lang ay ang mga masasamang circumstances na pwedeng mangyari sa kanya. Feeling ko pag hindi ko sya kasama, mapapahamak sya. Hindi naman yun normal, di ba? 

Naglakad ako papunta sa puno at na-confirm ko na si Julia nga. Nasa likod nya ako kaya binatukan ko sya from behind. "Yan! Mang-iiwan ka..." sabi ko. Tumingala sya at siniringan ako. "Alam mo, sawang-sawa na ako dyan sa death stare mo," umupo ako sa tabi nya tapos kinuha yung bag nya para maghanap ng pagkain. "Bakit ka ba nandito? Dun ka sa barkada mo..." hinablot nya yung bag nya sa akin at umisod para layuan ako. 

Umiling ako at sinandal yung ulo ko sa puno. "Dito na lang ako... Baka ano pang mangyari sa 'yo," sabi ko. Napatawa si Julia, "Ano ako? Danger-prone? Wag kang OA. Kaya ko ang sarili ko." Inirapan nya ako tapos tumayo at nagsimulang maglakad palayo. Sinundan ko sya. "Hindi ko naman sinasabi na di mo kayang ipaglaban ang sarili mo... Ang ibigsabihin ko ay hindi ako mapakali pag hindi kita nakikita." 

Nagbuntong-hininga sya, "Ewan ko sa 'yo. Basta iwasan mo ako dito." Nagtaka ako. Bakit ba ayaw na ayaw nitong makita kaming magkasama. "Teka. Natatakot ka bang ma-link sa akin?" I smirked. "Syempre. Ayokong masira yung katahimikan ng buhay ko, 'no? Pag nakita ng mga taong magkasama tayo, sigurado kung ano-ano ang iisipin ng mga yun." Kinuha ko yung kamay nya para pigilan sya. "Eh di bahala sila. Pag-usapan nila tayo. Alam natin parehas kung anong meron tayo. Yun naman yung mahalaga, di ba?" natameme sya. Nahihiya pa rin siguro na may kaibigan na sya. Ang loner 'no?

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon