-------------------------------------------------
(DANIEL)
"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Julia pagdating namin sa harap ng apartment nya. Tumango sya pero halatang medyo nanghihina pa rin at alam kong hindi lang dahil sa sakit nya. "Oo," binuksan nya yung pinto at pumasok. Akala ko sasaraduhan na nya ito right after pero nagulat ako nang hindi nya ito gawin. Tumalikod pa sya at tiningnan ako. "Bakit?" tanong ko na nakakunot-noo. Nanlaki ang mga mata nya na parang may na-realize sya bigla tapos umiling. "Wala," naging firm ulit yung boses nya. "Ah." Kinamot ko ang aking ulo. "Good night," paalam ko. Sinara ni Julia yung pinto at narinig kong i-lock nya ito.
Sigh. Nag-walk over ako sa pinto ko at binuksan ito. Pumasok ako, binaba ang aking mga gamit, at dumiretso sa kama. Humiga ako at napaisip. At guess who I'm thinking of. DING. DING. DING. Yep. Si Julia. When is she NOT on my mind?
Linagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng aking noo. Okay. May gusto ako sa kanya. Sure na ako dun. Mahal ko ba? I don't know. Paano ba nalalaman? .-.
Naalala ko nung bigla syang nalungkot nang tanungin ko sya kanina. God, I hate it when I see her sad. Minsan gustong-gusto ko talaga syang yakapin kaso alam ko na hindi appropriate. Pero I want to talaga. I want to hold her so bad. Let her know that okay lang ang lahat. Let her feel loved and not alone. She deserves that.
Pinikit ko ang aking mga mata.
(The Next Day...)
Nagising ako at immediately, tumingin sa orasan. 8:47. Bumangon ako at naghilamos. Then, pumunta ako sa kusina para mag-prepare ng almusal. Habang pinapakulo ko yung tubig, napatingin ako sa fruit basket sa ibabaw ng counter at napansing may mga oranges ako. Naisip ko agad si Julia. Dahil may sakit sya, mabuti kung kumain sya ng citrus fruits. Di ba? Kumuha ako ng tatlo at lumabas.
Tumayo ako sa harap ng pinto ni Julia at kumatok. "Julia?" Walang sagot. Linagay ko ang tenga ko against sa pinto. Walang ingay. Baka tulog pa. Hayaan ko na lang muna... Bumalik ako sa sarili kong unit at kinuha yung cup noodles na linagyan ko na ng mainit na tubig. Umupo ako at kumakain peacefully nang maramdan kong mag-vibrate yung phone ko. Linabas ko ito at binasa ang bagong text.
┏-------------------------------------------┓
From: Derek Rosales
Dto kmi sa apt. mo. Paakyat
na. Ksma nmin c Kath.
┗--------------------------------------------┛
Tssss.
Bigla akong nawalan ng gana kaya tinapon ko na lang sa basurahan yung tira. Maya-maya ay may kumakatok na nga sa pinto. Tiningnan ko ito, contemplating what to do. Wag ko na lang kaya sagutin? Babaliwalain ko na sana 'to nang lumakas yung pagkatok sabay ng pagsigaw ni Derek ng, "DJ! DJ! HOY, DJ!" Kinagat ko ang aking mga labi. Ingay talaga ng gagong 'to. Walang tigil sya sa pagkakatok at pagsisigaw. Baka magising pa si Julia. Nagbuntong-hininga ako. Pumunta ako sa pinto at binuksan ito. Agad namang pumasok sina Derek, Jason, Trey, at Kath. Dumiretso yung mga lalaki sa harap ng TV ko habang si Kath naman ay nag-stay behind.
BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"