Chapter 1

1.4K 33 2
                                        

-------------------------------------------------

(DANIEL)

"Akin na ang pera mo!" Ramdam kong nanginginig sa takot yung lalaki habang hawak ko sya sa kwelyo. "Kuya, wala talaga akong pera," naiiyak niyang sagot. Payat siya, mas bata, at nakasalamin kaya napili ko agad syang i-target. Gutom na ako eh.

Tumawa sina Derek, Jason, at Trey, yung mga kabarkada ko. "Ibigay mo na kasi, geek..." sabi ni Derek sabay batok dun sa 3rd year. Umiling ito kaya tinaas ko na yung kamay ko, "Last chance. Pag hindi mo binigay, babasagin ko na talaga 'tong mukha mo." Nakita kong umibo yung kamay nya. Linagay niya ito sa loob ng bulsa nya tapos inilabas para ipakita sa akin ang dalwang 100 peso bills. Kinuha ko ito with an evil smirk, "Yan naman pala eh. Pinahirapan mo pa kami."

Tinulak ko sya nang malakas at iniwanan sya na nakahiga sa lupa. Inakbayan ako ni Derek, "Galing mo talaga, DJ." Nginitian ko sya, "Treat ko kayo, tara." Pumunta kami sa isang karenderya na medyo malayo sa campus dahil banned kami sa halos lahat ng kainan dun. Napansin naming nag-aalisan yung ibang mga estudyante nung nakita kami. "Mga duwag..." sabi ni Jose habang nakasiring sa mga umalis. Umupo kami sa isang table at umorder.

"Punta ka mamaya, DJ?" tanong ni Derek. Kumagat ako sa binili kong barbecue at tinaas ang isang kilay, "Saan?" Ngumiti sya nang nakakaloko at nag-lean over dahil katapat ko sya. "Sa bahay ni Ace. Bibigyan daw tayo ng beer at magdadala ng mga chix." Nagtinginan sa akin silang lahat at na-pressure na naman ako. Ayoko ng lasa ng beer at ayoko sa mga "chix" na sinasabi ni Derek pero alam kong pag hindi ako sumama, magagalit silang lahat sa akin at sila yung tipong hinding-hindi mo dapat gagalitin. Lalo na si Ace. Pag sinabi nyang pumunta ka, pumunta ka.

"Sige ba." Nag-apiran sila. "Good boy!" sigaw ni Trey habang ginugulo yung buhok ko. Sarap suntukin. Tagal ko 'tong inayos. Gago. Siniringan ko sya kaya tumigil sya at kitang-kita na nailang sa ginawa nya. Bago lang si Trey sa grupo namin kaya pwede ko pa syang pagtulak-tulakan. "Text na lang kita kung anong oras," sabi ni Derek at tumango na lang ako.

Bumalik sila sa kanilang pagkain at pinanood ko sila. Mga baboy. Mga gago. Pero stuck na ako. Di ko na sila malalayuan.

Nakabalik kami sa campus ng mga 3. Late na kami kaya pumunta na lang kami sa isang classrom dun sa abandoned building. Di na 'to ginagamit kasi masyado na daw luma at any minute ay pwedeng gumiba. Pero dito kami pumupunta para mag-hang out dahil walang nang-iistorbo.

Naglabas sina Derek ng mga sigarilyo habang ako naman ay nakinig na lang sa music. Umupo ako sa isang sulok, sinandal ang aking ulo sa pader, at pinikit ang aking mga mata.

Had a little love but I spread it thin.

Falling in her arms and out again.

Made a bad name for my game around town.

Tore out my heart and shut it down.

Inisip ko ang mga chords ng kanta at inimagine na may hawak akong gitara. Hinayaan ko ang sarili kong mag-drift away sa reality. Ayoko din naman talaga dito. Mas gusto ko pang mawala sa mundo ng music dahil parang mas mabilis lumipas ang oras. Kahit papaano, nakakatakas ako sa aking screwed up na buhay.

After a while, may kumulbit sa akin. Tumingala ako at nakita si Derek na nakaturo sa relo nya. Tinanggal ko yung headphones ko at narinig syang sabihing, "Magsisimula na ang sunod na lecture." Tumayo ako at sinundan sila palabas ng building. Naghiwahiwalay kami. Sinuot ko ang aking shades at naglakad papunta sa classroom. Nagtitinginan sila pero wala akong pake. Sino ba sila para bigyan ko ng attention?

Umupo ako sa dulo tapos sinandal ang likod ko, nag-cross arms, at tumingin sa ceiling. Natapos yung kanta na pinapakinggan ko at nagkaroon ng pause kaya narinig ko yung mga nagbubulungan. Tumingin ako sa harap at binaba ng konti yung shades ko para tingnan sila. Nanlaki ang mga mata nila nang gawin ko ito tapos agad na nag-look away. Nag-roll eyes na lang ako. "Bubulong-bulong, matatakot din naman pag narinig," sadya kong linaksan ang aking boses. Tumahimik ang lahat at parang nanigas sa nerbyos. Napa-smirk ako. Ito yung gusto ko sa bad boy image ko. Nacocontrol ko yung iba.

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon