Chapter 23

391 17 6
                                        

Pasko pa dito kaya MERRY, MERRY CHRISTMAS, MY BELOVED READERS. Thank you for reading. I love you all! 

-------------------------------------------------

(DANIEL)

"Sorry I'm late. Traffic eh," umupo ako sa tabi ni Kathryn pagkatapos ko syang halikan sa pisngi. What I said just now was a lie. Ang tunay na reason kung bakit ako na-late sa bruch ng family nya ay dahil nahirapan akong bumangon due to this massive hangover I got from getting shit drunk last night.

We do what we can to numb the pain we feel.

My way is to buy a ton of alcohol, drink it in one sitting, pass out, feel like shit in the morning, and then do it all over again.

"It's fine. We just got here naman eh," sabi ni Kath with an understanding smile. Nag-look away ako para tingnan ang kanyang parents who were sitting across from us. "Are you planning on taking off those sunglasses?" tanong ni Mr. Bernardo with a strict look on his face. I cleared my throat, "I'd prefer not to, sir." I did my best kanina para magmukha akong presentable pero my eyes were hopeless. Isang tingin lang alam mo na kung ano ang ginawa ko kagabi.

"You prefer not to kasi you're trying to hide the fact that you were hung over this morning, di ba?" sinabi nya ito calmly pero rinig na rinig mo yung criticizing tone sa boses nya. Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko kailangan mag-explain sa kanya.

"You're pathetic for living so carelessly..."

"Dad!" Kath stopped him. "Pwede ba? Pag-usapan na lang natin yung dapat pag-usapan." Nag-lean back ako sa aking upuan at nakinig sa kanila habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa mangyayari sa party nila bukas. Di ko nga alam kung bakit pa ako pinapunta dito ni Kath. Decor lang naman ako dito eh. Ano bang alam ko sa preparations nila? Basta ang alam ko ay escort ako ni Kath and that was it.

I mean, except for the other plan.

Kinausap na kami ni Ace nung isang araw tungkol sa balak nilang pag-break in sa warehouse ng mga Bernardo. Kahit wala akong nakuhang impormasyon kay Kath, natuklasan ko ang location nito sa pamamagitan ng paghahalikwat sa office ng ama nya tuwing ako ay bumibisita. Since nagawa ko na yung dapat kong gawin, hindi ako magiging directly involved sa pagnanakaw nila. Kahit nga hindi na ako mag-show up sa party bukas eh. Pero alam kong magmumukha itong suspicious kaya kahit ayaw ko, pupunta ako for the sake of the plan.

"Narinig mo ba yun, babe?" Napatingin ako kay Kathryn, "Huh?" Pilit nya akong nginitian, halatang naiinis na din sa aking attitude. "7 magsisimula yung party kaya dapat mga 5:30 nandun ka na..." sabi nya. "Ah. Ah. Okay. Sige," sagot ko na lang sabay tingin sa relo. Siniko ko si Kath. "Magsisimula na ang klase natin. Tara na," tumayo ako at yinakap yung mommy ni Kathryn. "Salamat po sa pagkain. Una na po kami." Tumingin ako kay Mr. Bernardo at kakamayan sana pero hindi nya man lang ako tinitingnan kaya hinayaan ko na lang.

Kinuha ko ang bag ni Kath at lumabas na. Pumasok na agad ako ng kotse. Nang sumunod si Kath, nakita ko syang nakanguso. "Oh? Anong problema mo?" tanong ko habang stinastart ko yung engine. "Ikaw..." humarap sya sa akin na nakasimangot. "Why were you so rude? Alam mo namang may doubts pa rin sa 'yo si Daddy. Alam mo ding his approval means a lot to me. Kaya bakit ka ganun mag-behave?"

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon