-------------------------------------------------
(DANIEL)
Tumingin ako sa salamin at pinanood ang aking sarili habang tinatali ko yung aking necktie.
Damn.
Binaba ko ang aking mga kamay nang magmukhang tae na naman yung tie ko. Anlaking hassle naman nitong party na 'to. Imbis na nandito lang ako sa loft, playing my Xbox, kailangan kong makipagusap sa mga taong hindi ko kakilala.
I sighed, giving up. Magpapatulong na lang ako kay Kath. Kinuha ko ang aking phone at keys tapos nag-head out. Habang linalock ko yung pinto, napatingin ako sa pinto ni Julia. Minsan, parang feeling ko hindi na sya nakatira dun dahil sobrang bihira ko syang nakikita. Kahit alam ko na araw-araw nandun sya, parang ang hirap paniwalaan eh.
Nag-look away ako at naglakad papunta sa elevator. Bumaba ako sa lobby at nagpaalam kay Mr. Josefino kahit mahimbing na natutulog ito sa kanyang upuan. I got in my car at within minutes, nasa bahay na ako ng mga Bernardo.
Pinark ko ang aking kotse sa may garahe nila at papasok na sana nang mag-vibrate ang aking phone. Linabas ko ito at binasa ang isang text na galing kay Ace.
┏-------------------------------------------┓
From: Ace
bantayan mo.
┗--------------------------------------------┛
Dinelete ko agad ang message nya. That's it. Tuloy ang plano at ang kailangan ko lang gawin ay siguraduhing hindi aalis si Mr. Bernardo sa party.
Inayos ko ang aking sarili at pumasok sa kanilang bahay. Hinanap ko agad si Kath at nakita sya sa kanyang kwarto. Bihis na sya at lahat. Naglalagay na lang sya ng mga earrings at kung ano-ano. Umupo ako casually sa kanyang kama. "Hoy, Kath... Maalam ka ba maglagay ng necktie?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa reflection nya sa salamin.
Tumayo sya at ngumiti. Umupo sya sa tabi ko at tinali ito in one attempt. "Tangina, ambilis. Mga 30 minutes ata ang inaksaya ko dito kanina..." sabi ko, amazed. "Ingatan mo yang language mo ha? Lagot ka kay Daddy pag narinig ka nyang nagmumura..." tumayo sya at bumalik sa harap ng salamin. Hinubad ko ang aking mga sapatos at humiga sa kama ni Kath. Mamaya pa naman kasi ang simula nung party eh.
Nanuod na lang ako ng TV hanggang sa unti-unting nagdadatingan na yung mga bisita. Nang malapit nang mag-7, may babaeng pumasok sa kwarto ni Kath para i-announce na pwede na kaming bumaba. Tumango sa akin si Kath kaya sinuot ko na ulit yung aking mga sapatos at pinagpagan ang aking damit para ituwid ito.
Lumapit sa akin si Kathryn at binalot ang kamay nya sa braso ko. Lumabas kami ng kwarto at tumigil sa taas ng staircase. Tumingin ako sa baba at nakita ang mga taong nakasuot ng magagarang damit na nakatingala sa amin. Nagsimula silang magpalakpakan habang kami'y bumababa. Tumingin ako kay Kathryn at nakita syang nakangiti kaya ngumiti na din ako.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"