-------------------------------------------------
(DANIEL)
Binalot ko ang mga kamay ko kay Julia protectively habang tinitingnan si Quen. "May problema ba dito?" tanong ko sa kanya. "Oo. Dahil sa kagaguhan mo, hinaharass si Julia ng ex mo..." naiinis na sagot ni Quen sabay siring. Nag-look down ako kay Julia and ran my fingers through her hair. "Tunay ba yun?" I asked worriedly. Tumingala si Julia, "Hindi na yun importante. Uwi na lang tayo, please..." Kinuha nya ang kamay ko at hinihila na ako palayo.
"Anong klase kang boyfriend, Padilla? Hindi mo man lang maprotektahan ang syota mo sa ganitong bagay! What if it was a bigger problem? Where would you be?!" Lumingon ako at bumalik kay Quen. "Ano bang problema mo? Bakit hindi mo intindihin ang sarili mong buhay imbis na lagi mong pinapakailaman ang babae na clearly ayaw sa 'yo? Parang awa na, Gil. Tantanan mo na kami ni Julia. Mag-move on ka na!" Linagay ni Julia ang kamay sa braso ko pero hindi ako umibo. Pinagmasdan ko si Quen. "Patutunayan ko ang kademonyohan mo," ngumiti sya sa akin arrogantly at umalis.
Tumingin ako kay Julia na nakasimangot. Kinuha ko ang kamay nya pero hindi nya ako kinakausap. Nagbuntong-hininga ako at tinanong, "Oh? Galit ka?" Umiling sya kahit halatang hindi ito totoo. Binitawan ko ang kamay nya, medyo naiinis. Naglakad kami quietly papunta sa sakayan at nang may jeep na dumating, magkaibang side ang aming inupuan. Pagkatapos ng ilang minutong hindi nagtitinginan at nag-iimikan, sumuko na ako. Alam kong hindi naging maganda ang araw nya. Ayokong isipin nya na wala akong pakialam so nag-lean over ako at inabot ang mga kamay nya. I held them and stared at them for a while, just running my fingers gently across her skin and drawing cirles on the back of her hand.
Nag-look up ako and let my features soften para malaman nyang I care. "Anong ginawa sa 'yo ni Kath?" I asked softly. "Hindi na yun importante..." sagot nya habang dahan-dahang inaalis ang kanyang kamay sa akin. I held onto them bago nya sila mailayo. "Please?" I begged. Gusto kong malaman ang pinagdadaanan nya. Gusto kong tulungan sya sa kahit anong problema nya. Gusto kong kunin lahat ng weight na nakapatong sa mga balikat nya at dalhin ang mga ito on top of my own. Ayokong maramdaman nya, not even for one second, na nag-iisa sya.
Pinisil ko ang kamay ni Julia reassuringly and it was like a trigger. Nagsimula syang magsalita tungkol sa mga pangyayari, trying to sound as if it didn't matter kahit kitang-kita kong naiinis sya at nasasaktan. I held her hand the whole time at nang matapos sya, tumayo ako para lumipat sa tabi nya. "I'm sorry, Juls... I'm so sorry," bulong ko as I pressed my lips on the side of her head. Umiling si Julia, "Bakit ka nag-sosorry? Hindi naman ako nasaktan. Naparusahan na si Kath. Wala na tayong problema."
Sumimangot ako, "Naiinis lang ako sa sarili ko. Feeling ko wala nga akong kwenta..." Linayo ni Julia ang kamay nya sa hawak ko at tiningnan ako angrily. "Oh? Nakikinig ka na kay Quen? Akala ko ba galit ka sa kanya? Halos suntukin mo na nga kanina tapos ngayon naniniwala ka na sa mga sinasabi nya? Ewan ko ba sa 'yo, DJ. Ang gulo mo." She turned her back against me at all I could do was look confused. "Teka. Ano ba talaga ang issue natin dito, Julia?" I asked at hinawakan sya sa braso pero she ignored me.
Hinayaan ko na lang sya. Medyo naguguluhan na din kasi ako. Nang tumigil yung jeep sa kanto sa may bakery, bumaba kami ni Julia quietly. Naglakad kami without speaking a word or having any physical contact. Nang nasa harap na kami ng tindahan ni Lola Sylv, tumigil ako sa may pinto like I always do pag hinahatid ko sya dahil yinayakap ko muna siya bago siya pumasok. Tumigil din si Julia, her back against me. Pinagmasdan ko yung lumang building sa kabilang side nung kalye.
"Bakit ba naman kasi kailangang awayin mo lagi si Quen sa tuwing nagkikita kayo?" biglang humarap sya sa 'kin, her eyebrows furrowed. Sumimangot ako. Parang isang sampal kasi iyon sa akin. "Eh ikaw? Bakit ka concerned sa kanya? Di ba siya yung unang nang-insulto? Pinaglaban ko lang ang sarili ko, Julia. Walang masama dun..." pagdedefend ko sa aking sarili. "Hindi yun ang point ko, Daniel. Sinabi ko naman di ba na umalis na lang tayo? Na wag mo na lang syang pansinin? Pero anong ginawa mo? Sinigawan mo sya sa harap ng mga tao... Naggawa ka na naman ng scene."

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfic"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"