-------------------------------------------------
(JULIA)
"Alis na ako, Julia. Sorry kung hindi maganda yung naging behavior ko," tumingin sa akin si Quen apologetically. Hindi ako sumagot. Kinuha nya yung kamay ko and held it for a while. "Mali si Daniel. Seryoso ako sa 'yo. He's the player. Not me..." Nag-look away ako. Hindi ako makapag-isip nang ayos. Hindi mabura yung malulungkot na mga mata ni Daniel sa utak ko. Bakit ba ganun sya kaapektado dun? Tunay nga kaya?
"Text na lang kita..." sabi ni Quen sabay bitaw sa akin. Linayuan nya ako at nanatili ako sa aking pwesto. Narinig ko na lang magsara yung pinto. I was alone. I stood still nang ilang minuto tapos napagdesisyunan kong puntahan si DJ. Hindi ako mapakali with the thought na galit sya sa akin. Lumabas ako at tumayo sa harap ng kanyang kwarto. Tinaas ko yung kamay ko at kakatok na sana pero pinigilan ko ang aking sarili.
Anong ginagawa ko?
Hindi naman ako ang may mali, di ba?
Bakit ako ang mag-sosorry?
Binaba ko yung kamay ko.
Lalamig din ang ulo nun sooner or later.
Hindi ko kailangang mag-alala.
Sinubukan kong i-convince ang sarili ko na magiging okay lang kami pero a big part of me ay hindi talaga naniniwala. He just looked so betrayed earlier. I forced myself na bumalik sa aking kwarto. I buried myself sa pag-aaral para di ko maisip si Daniel. Lumipas din ang ilang oras bago ko natapos lahat-lahat ng kailangan kong gawin. Tumingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas onse na. Inayos ko ang aking gamit at kumuha ng isang cup ng yogurt for dinner.
Naisipan kong sa balcony na lang kumain para maka-breathe in ako ng fresh air. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at lumabas. Uupo na sana ako sa silya dun nang marinig kong may nagsasalita. Napatingin ako sa side at nakita si DJ na nakatayo sa sarili nyang blacony. Nakasandal sya dun sa railing tapos hawak-hawak nya yung phone nya against his ear.
"...Oo. Okay lang ako..."
"Matutulog pa lang... Ikaw ba?"
"Ahhh. Sige. Matulog ka na nga. Good night..."
"Okay..."
"I love you, too..."
I looked away. Tumalikod ako, sinisiguradong hindi ako gumagawa ng ingay at agad pumasok. Sinara ko yung pinto behind me at napasandal lang dito habang sumisikip ang dibdib ko.
Syota nya yun.
Syempre mahal nya...
Napalunok ako nang maramdaman kong umiinit yung mga mata ko.
Hindi pwede, Julia.
Hindi pwede.
Huminga ako nang malalim at lumayo sa pinto. Nagpunta ako sa kusina para ibalik yung yogurt. Nawalan na ako ng gana eh. Pinatay ko na yung mga ilaw at humiga na sa kama. Tinakloban ko ang aking sarili ng kumot, tinataguan ang mundo.

BINABASA MO ANG
Fix You (JulNiel)
Fanfiction"What do you do when the one who broke your heart is the only one who can fix it?"